Stay...

589 35 1
                                    


Andito na ako sa bahay, agad na ako pumasok sa kwarto ko matapos ko bumati kay mama at kay kuya.. buti na lang hindi nila napansin na namumugto ang mata ko kung hindi magigisa na naman ako lalo na kay kuya...

Tulad ng napagkasunduan namin ni Edward ay magpapafresh at magpapalit lang ako ng damit dito sa amin at pagkatapos ay pupunta na ako sa kanila.. alam na ni mama at kuya na kila Edward ako mag ddinner pumayag naman ito dahil personal daw siya tinawagan ng mama ni Edward..Close sila?? OO super.. minsan nga magkasama sila pumupunta ng mall eh..

Tapos na ako magbihis pero heto ako nakahilata pa rin sa kama ko.. wala ako sa mood., Iniisip ko pa din yung mga natuklasan ko kanina.. Isipin ko pa lang na aalis si Edward ang hirap-hirap na paano pa kaya kung totoo na diba?? Sa ngayon talaga gusto ko muna mag-isa gusto ko muna ikulong ang sarili ko at paulit-ulit isipin na aalis siya para pagdating ng araw sanay na ako.. hindi na masyado masakit.. Wag na lang kaya ako pumunta? sabihin ko na lang na biglang sumama ang pakiramdam ko??

(ring...ring..ring..)

MyLove CAlling..


matagal kong tinitigan ang cellphone ko.. si edward ang tumatawag.. ayaw ko sanang sagutin pero ayaw ko din naman na magalala siya..

"babe.."

"hello" malamya kong sagot..

"you home?" 

"uhmm.." sagot ko lang.

"are you ok na ba?" tanong niya ulit.. 

hindi ako makasagot.. ayaw ko magsinungaling sa kanya.. 

naramdaman naman siguro niyang hindi pa ako okay kaya nagsalita ulit siya..

"sabi ni Mama Dinner will be ready by 8.. I'll wait for you okay? sunduin kita gusto mo?"  Edward being so gentle with me.. alam na alam na niya kung paano niya ako ihahandle pag wala ako sa mood..

"hindi na love.. bbyahe na ako. " sagot ko.

"You sure? wala naman akong ginagawa dito sa bahay eh.. sunduin na kita.." pilit niya..

"Hindi na nga..wag na makulit, sige na pupunta na ako okay??"

"okay.. hihintayin na lang kita sa labas..ingat ka."

"uhmm.." tipid ko ulit na sagot.

"Iloveyou"  dugtong niya..

Paano ko ba naman hindi mamahalin ng bonga ng taong to.. haay..


eto na nga ako bumabyahe na papunta kina edward., mas okay to at least pag umalis na siya sanay na ulit ako na mag-isa.. Ilang oras pa ay nakarating din ako sa subdivision nila.. malayo pa ng konti ang kanila mula sa entrance ng subdivision, may mga tricycle naman na nakaparada don pero mas pinili kong maglakad na lang alam niyo na umeemote ang ate nyo ngayon..

Sa aking paglalakad ay napapansin kong malapit na ako kina Edward,  tanaw ko na din mula sa posisyon ko si Edward na naghihintay sa labas ng bahay nila.. alam kong nakita niya na din ako dahil umayos na ito ng pagkakatayo, nakasandal kasi siya sa kotse niya kanina..

kaunting hakbang na lang ay makakarating na ako sa mismong bahay nila.. pero nang makita ko na ng malapitan si Edward ay tumigil muna ako sa paglalakad tinitigan ko ang mukha niya.. Jusko.. Paano ba ako masasanay na wala tong lalakeng to sa tabi ko? Eh sa bawat araw na malungkot ako isang hirit lang niya kahit korni masaya na ako.. Sa bawat araw na pagod ako anjan siya para pasayahin ako.. Yung yakap niya.. Yung halik niya.. yung paraan kung paano niya hawakan ang kamay ko.. Yung mga titig niya.. Lahat yun kinasanayan ko na.. 

Hindi ko na napansin na tumulo na pala ang luha sa mga mata ko kaya naman si Edward na ang tuluyang lumapit sa akin at niyakap ako.. 

"Shhh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Shhh...sorry na.." wika niya..

mas lalo lang ako naiiyak kapag kinocomfort niya ako... kaasar. 

"Ed.." 

"oh.. Dale is here na pala.. pasok na kayo dinner na tayo" 

pumasok na kami ni Edward at sinalubong naman ako ni tita ng isang hug napansin ata nitong umiiyak ako kanina..

"ano pinapaiyak ka ba ulit ng anak ko? Ed ano na naman ginawa mo?" biro ni tita 

"Ma.." nakita kong seryoso ang mukha ni Ed at mukhang nagets naman ni tita kung ano ang gusto ipahiwatig ni Edward..

"halika na sa loob anak.. stop crying na ha" wika ni tita na naka alalay pa rin sa akin habang papasok ng bahay..


napuno ng masayang kwentuhan at tawanan ang hapunan namin,    Pinilit ko ang sarili ko na maging masaya sa Dinner na to, ayaw ko naman na ako lang makasira sa gabing ito diba... In fairness din naman sa mga luto ni tita masarap talaga.. eto nga ata ang kailangan ko ang chumibog ng bonga.. naiistress na kasi ako.. 

Natapos na kaming kumain, at nagpresinta na din ako na tumulong sa paglilinis ng pingan, ayaw man nila ako payagan dahil bisita pa rin naman daw ako eh nagpumilit pa din ako.. napapansin kong nakatitig sa akin si Edward pero ayaw ko muna siyang tingnan pag ginawa ko kasi yun baka umemote na naman ang ate nyo ... 

Nagpaalam muna sa akin si tita na papanik muna sa taas upang icheck ang cellphone niya tumawag daw kasi ang ate ni Edward ngunit hindi nito nasagot.. kaya naiwan kami ni Edward dalawa sa kusina.. I tried my best to  ignore him.. tahimik ako.. tahimik din siya.. 

pero maya-maya lang ay yumakap na sa likod ko...

pero maya-maya lang ay yumakap na sa likod ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Edward.."

"shhh.. Lets stay like this for a while okay??" 

gustohin ko man na bumitaw sa pagkakayakap niya dahil mas nagiging emosyonal ako.. pero hinayaan ko na din..

"I want to stay.." bigkas niyang muli..

"I want to be with you Dale.."  dugtong niya pa..

Jusko Edward! binabasag mo ang depensa ko! 

agad ko naman siyang hinarap at hinawakan ang mukha niya..



"Then stay..."



------

*unedited*

bibitinin ko muna.. to be continued bukas :D 

tara muna magtweet hihi

_MissyJ_

You are the Music In Me (MayWard❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon