Change of Heart

1.1K 70 8
                                    


Dale's P.O.V

Wala naman masyadong ganap sa school pero pakiramdam ko pagod na pagod ako, kadadating ko lang sa bahay at agad naman ako sinalubong ni mama na may kakaibang ngiti at tingin sa akin..

"Kumusta janine?" pagkumusta ni mama habang nag mano ako sa kanya..

"ok lang naman ma., wala naman masyadong ginawa sa school eh.." sagot ko

"uhmm.. balita ko kakanta ka daw sa Acquaintance party nyo?" 

"OO ma.. si Nikka kasi eh lagi na lang ako sinisingit. wala na akong pahinga sa mga program na yan lagi na lang akong kasali dahil sa baklitang yun.." sabi ko napatawa naman si mama..

"hayaan mo na.. alam mo namang proud na proud din yun sa talent mo" natatawang sagot ni mama

"hmm.. alam ko namang crush ako ni nikka eh ayaw pa aminin.." natatawa ko naman dn sagot 

"Nako Dale wag ka na umasa. sa akin may crush yon.." sabat naman ni Kuya 

Eto ang gusto ko sa Pamilya ko eh.. goodvibes lagi nakakatangal ng pagod. hihi

"nak, sino si Edward.. jowa mo na ba yun? o soon to be? " biglang tanong sa akin ni mama..

napatayo naman agad ako sa pagkakahiga ko ng itanong sa akin ni mama yon..

"Paano nyo naman nakilala si Edward ma?" nagtatakang tanong ko..

"eh kasi--"

"ah.. sino pa nga ba naman ibang magsusumbong.. lagot talaga sa akin bukas yang baklang yan.."

"suuus.. Crush mo no?" sabat na naman ni kuya..,

"Kuyaaaaaa!!!" sigaw ko at binato ko sya ng unan..

"wag ka ng dumeny!! ok lang yan lampas 3 months na pwede na ulit.." pang-aasar ni kuya

sa pagkakataong ito ay hindi ko na kinakaya hinabol ko si kuya hanggang labas..atsaka ko binugbog..pero mas malakas si kuya kaya hindi ko napuruhan walang ka effort effort na binitbit nya ako pabalik sa bahay..Nakakaloka! pero bakit.. bakit ba ako naapektohan? di ko naman crush si Edward! hindi nga ba?? bigla ko naman naalala yung nangyari sa music room..

"maganda daw ako?" bulong ko sa sarili ko..at napangiti naman ako 

"ambot oy!!!nabuang ka na dale!" sigaw ko sa sarili ko sabay balik sa kwarto ko.


Sa School..

Antok na antok pa akong pumasok sa room, wala pa din ako sa mood makipag usap.. kasi naman si kuya pinagtripan na naman ako baguhin ba naman ang oras ng alarm ko? imbes na 6am naging 5am.. sayang din ang isang oras na tulog na yun noh.. kaya eto ang oras dapat ng pag gising ko andito na ako sa school nakakaloka sa aga diba?? 

Akala ko ako pa lang ang unang dumating sa room ng biglang may kumausap sa akin..

"goodmorning , beautiful." 

nagising ako ..kilala ko ang boses na to.. nillingon ko naman sya..tama ako si Edward nga.. bushaak!! di pa naman ako nagsuklay ng bonga bago umalis sa bahay..

"Ah.. goodmorning." nahihiyang sagot ko habang inaayos ang buhok ko. 

"bakit ang aga mo ?" tanong ko sa kanya..

"hindi kasi ako makatulog ng maayos eh.. kaya maaga na lang ako bumangon. " sagot nito..

awkwaaard ... wala na akong maitanong.

"siguro may nagiisip sa akin kagabi noh?" dugtong nya sabay tingin sa akin at ngumiti..

bushaak namang ngiti yan ...

You are the Music In Me (MayWard❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon