Chapter 2: Figaro

34 1 0
                                    

[ Now playing: Dyosa by Yumi Lacsamana ]

Pagka-tapos akong ayusan ni Elithe ay parang nagkaroon ako ng confidence sa sarili. Nagbago ang itsura ko, umayos ang buhok ko at maaliwalas tingnan ang mukha ko. Hindi ako yung nerdo na madaming pimples kaya okay lang hahaha.

"Ayan ang ganda mo! Bestfriend na talaga kita." Nakangiting sabi ni Kimadal este Kim.

"Salamat, wala kase talaga akong oras sa mga ganyang bagay eh ngayon alam mo na kung bakit may paganyan ganyan ka pa." Sagot ko. Oo wala talaga akong oras sa mga ganun dahil tutok ako sa libro. "Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya. " 11:15 palang, maaga pa tara sa Figaro? Baka di ka nila makilala nyan ah, laki ng ginanda mo beshie!" Natuwa naman ako sa sinabi niya dahil super supportive niya.

"Yieee, salamat!" Sagot ko.

Paglabas namin ng restroom ang daming nakatingin sakin mapababae o mapalalaki, nag-iba nga talaga siguro yung itsura ko.

"Hi miss, bago ka lang dito?" Tanong ng isang lalaki, isa pa yata sya sa pinagtawanan ako nung binubully ako dati.

"Ahh, hindi." Seyosong sagot ko at nagpatuloy na kami sa lakad ni Kim.

"Hi miss, ang ganda mo."

"Ate ano po number niyo?"

"Miss pwede po bang magpa-picture sa inyo?"

Ganun na ba talaga pinagbago ko? Ang daming bumabati sakin. Yung mga babaeng nang-aasar sakin parang hindi ako nakilala. May nagpapicture pa sakin!

Nakasalubong namin si Amber at Maja, sinalubong nila si Kim.

"Hi Kim! Mukhang hindi mo yata kasama yung magaling mong bestfriend? Punta tayo sa covered court, madaming pogi dun!" Natutuwang sabi ni Maja.

"Una sa lahat dahil hindi panghuli, wag na wag niyong sinasabihan ng ganon si Elithe. Kung tutuusin nga mas maganda pa sya sa inyong dalawa, pangalawa.. pwede ba wag na wag na kayong lalapit samin? Para kayong maarteng linta nakaka-irita. Hindi mo ba nakikilala kung sino yung kasama ko?"

Mukhang nainis ang dalawa. At matagal nila akong tinitigan.

"Sya ba si Eli- Oh my God!!" Literal na napanganga ang dalawa. Para silang nakakita ng multo.

"Oo, ako nga."

"At ano naman Kim ang ipinakain mo sa letsugas na babaeng 'to? Mukhang gala ang froggy. Yuckie!" Maarteng sabi ni Amber.

"Tara na nga, baka pati saatin kung ano pa gawin niyan. Let's go." Aayain na sana ni Amber si Maja pero bigla itong huminto at muling humarap saamin.

"Oh and by the way, you looked way uglier my darling." Pinilantik pa ni Amber ang kanyang kamay at tsaka ito umalis kasama si Maja.

"Ugh, I hate her presence." Nakairap na sabi ni Kim.

Hinayaan nalang namin ni Kim ang dalawa, masasayang lang ang oras namin kung papatulan pa namin sila.

Pumunta na kami sa Figaro.

---

May isang lalaki at babae sa labas at mukhang nagtatalo sila, nakita ko yung babae na umiiyak. Balak ko sana puntahan kaso ang sabi ni Kim hayaan ko nalang daw sila at baka madamay pa ako, pero kung titingnan.. mukhang mas nasaktan yung lalaki kahit na babae pa yung nakikita kong umiiyak. Bakit kaya sila ganun?

Pakielemera much? Lol hindi naman.

Umorder ako ng banoffee pie at umorder naman si Kim ng cappuccino. Wala pang 30 minutes ay natapos na kami.

BAD BOY'S PROPERTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon