Si Amber at Maja..
Naabutan namin ni Kim si Amber at Maja na napaupo sa sahig ng canteen, ang dami nang students na nakapalibot sa kanila. Laking gulat ko nang ibuhos ng babae ang juice kay Maja at ibinato sa hita ni Amber ang baso. Nakahanap sila ng katapat. Grabe, sino ba sya?
"I am Naomi Isabela Waldorf. You all should know me as the new queen bee of this school. Hit me once and my bullets will hit you twice." Taas-noo niyang sabi. Ang taray ha.
Napataob niya si Amber at Maja, ngayon ko lang sya nakita sa school na 'to. Transferee ba sya? Curious much here hello.
"Hanga ako kay Naomi, she's so maldita." Ngingiti-ngiting sabi saakin ni Kim na umarteng para bang gulat na gulat at naka-tapat pa ang kamay niya sa kanyang labi. Arte talaga nitong bestfriend ko.
"Paenglish-english ka na din dyan, lukaret ka." Nakangising sabi ko.
"Sa lahat ng mga stupidents na pakalat-kalat ngayon sa harap ng magandang tulad ko, umalis kayo at baka manghiram kayo ng face sa horse." Mataray niyang sabi at agad namang nag-alisan ang mga stupidents este students na nakapalibot sa kanya. Well sino nga ba naman kase ang gugustuhing manghiram ng mukha sa kabayo?
Naiwan si Amber at Maja duon na nakatulala, nagulat siguro sila sa ginawa niya, obvious naman eh.
"Elithe tingnan mo yung dalawa, nakahanap ng katapat. Hahaha." Natatawang sabi ni Kim.
Tumayo ang dalawa at tinabig ang mga students paalis. Nakakapag-taka lang, ngayon ko lang talaga nakita 'tong si Naomi.
Dumiretso na kami ni Kim sa hallway pagkatapos namin umorder ng brownies. Kaya siguro hindi pumasok ang dalawa ay dahil dun sa Naomi.
5 minutes nalang pala ay magsisimula na ang Science class nila ma'am Pestaño. Kailangan ko na magpaalam kay Kim.
"Kim mauna na pala ako, malapit na magsimula ang Science class ko eh, Bye." Paalam ko kay Kim.
"Ah ganun ba? Sige ako din eh, magsisimula na yung History class. Bye." Sagot niya.
--
Habang nagka-klase, may pumasok na mga taga ibang secrtion na students sa room namin, sa pagkaka-tantsa ko, mga nasa 7 siguro sila. Nagpakilala sila para daw mangampanya sa SSG. At nakita kong isa si Dianna doon, yung sinasabi ni Kim na katulong niya sa project. Ang ganda ni Dianna, hanggang balikat ang kanyang buhok na maputi at maamo ang mukha.
--
Mabilis na natapos ang Science class at maaga kaming pinauwi dahil may meeting ang mga teachers kasama nanang principal para sa SSG. Malapit na din ang acquaintance, siguradong gaganahan si Kim na maghanap ng mga gwapo. Ganyan sya eh.
Saktong dinala ko ang aking sasakyan kaya makakapunta ako sa mall upang makabili ng damit para sa acquaintance.
Nang makapunta ako sa mall, naalala ko ang babaeng nakasalubong ko sa school na nalaglagan ng ID. Papalabas na sana ako sa mall upang pumunta sa school pero nakita ko sya sa di-kalayuan. Nakaupo sya sa isang bench kaya pinantahan ko ito.
"Rachel!!" Tawag ko sa kanya.
"Ahm.. h-hello, pano m-mo nalamang p-pangalan ko?" Tanong niya saakin.
"Hindi mo ba ko natatandaan?" Malungkot na tanong ko sa kanya. Yayakapin ko sana sya pero agad nyang iniwas ang kanyang sarili.
"H-hindi.. may amnesia a-ako." Nauutal sya, kelan pa?
"Kelan pa?"
"Last m-month lang.. kaano-ano ba k-kita?" Inosenteng tanong niya.
"Childhood friend mo ko. Sayang nga lang lumipat na kayo ng bahay kaya di na tayo nagkikita, at nagka-amnesia ka pa kaya hindi mo ko nakilala." Pa-alala ko sa kanya. "Oo nga pala, eto yung ID mo. Nahulog kase sa school nung nagkabanggan tayo."
Inabot niya naman agad 'yon at tumayo.
"Alis na ko, hindi kita matandaan. Stay away from me." Deretsong sabi niya. Siguro kailangan ko muna sya bigyan ng space.
Pumunta na ako sa Robinson para bumili ng damit nakaka-lungkot dahil hindi ako matandaan ni Rachel.
Habang naghahanap ako ng mga damit, kapag nga naman minamalas ka.. nakita ko si Kevin. Hindi ko nalang sya inisip para makapag-focus ako sa mga damit, sakto may nakita akong maganda na sa tingin ko babagay saakin. Royal blue ang kulay niya at sleeveless ang style, pweee 'tong ternuhan ng blazer. Ang theme namin ay denim style kaya kailangan ko maghanap pa ng denim na blazer. Maghahanap nalang ako ng blazer sa bahay baka maubos pa ang pera ko dito.
Papapunta na ko sa counter at binayaran ito. Bumili ako ng ice cream para ibigay ito kay mama, paborito niya ang mango flavor kaya siguradong matutuwa sya sa ibibigay ko.
--
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay agad akong sinalubong ni Bokita. Wala parin si kuya James kaya walang manga-asar sakin wahaha! Si ate naman nasa Dubai, may inaasikaso siyang business doon.
[ Si James po ay kasali din sa story na "Inlove With an Unknown Guy" ]
Naabutan ko si mama na nasa garden at naglalaro ng Candy Crush, napatingin ito sakin at ako'y binati.
"Oh, anak kumusta?"
"Okay naman po mama. Agad din kaming pinauwi dahil may meeting ang mga teachers including principal para sa SSG at para planuhin na din ang gagawin sa acquaintance."
"Nakabili ka na ba ng damit mo?"
"Ah opo mama, nandon po sa sala. Eto po oh ice cream para sayo." Inabot ko sa kanya ang ice cream. "Thank you." Nakangiting sabi niya.
"Nasan nga po pala si papa?" Tanong ko sa kanya. "Nandun sa building nila kasama si tito Randy mo, balita ko maga-apply daw yung tito mo bilang tagapamahala sa opisina ng daddy mo."
"Ah, anong oras po sya babalik?" Napa-iwas ng tingin sakin si mama at binaling ang kanyang tingin sa cellphone. "Naku nak, baka sa isang araw pa makabalik yun. Marami kase syang inaasikaso na papers." Sagot ni mama.
"Ah, okay lang po. Naiintindihan ko." Nginitian lang ako ni mama at pumunta na ako sa aking kwarto para magpahinga. Wala paring pasok bukas dahil may isa pang meeting ang mga officers sa school.
Saktong tumawag sakin si Zia.
~~Zia calling..~~
Sinagot ko ang kanyang tawag.
"Ohmagee bestie! Excited ka na ba sa acquaintance? Maraming gwapo don for sure! Eek!" Tuwang tuwa na sabi ni Zia sa kabilang linya. Naku, isa pa 'to eh, gwapo din ang mga hanap tulad ni Kim.
"Ah oo naman! Pero di ako maghahanap ng mga gwapo nuh! Wag niyo ko itulad sa inyo ni Kim. Hahaha!" Natatawang sagot ko sa kanya.
"Sige na! Yun lang naman sasabihin ko sayo eh. Hahaha! Byeee!" Hinabaan niya pa talaga ang pagsabi ng 'bye'. Nakaka-aliw din 'tong babae na 'to eh.
Nag ayos ako para matulog ng maaga. Napagod agad ako sa paghahanap ng mga damit.
To be continued...
BINABASA MO ANG
BAD BOY'S PROPERTY
RomanceON-GOING STORY. "I'm so lucky to have this girl, and she deserves to be treated like a queen.." Si Kevin Maravilla Gozon ay kilala bilang ang handsome badboy sa JRL. At merong nerdo na ang pangalan ay Elithe Ryah Fuente. Handsome badboy + Good girl...
