Elithe's POV
Naka-upo ako sa bench ng school namin habang naggi-gitara. Mag isa lang ako dahil hindi naman kami magkaparehas ng schedule namin ng bestfriend ko. Siya si Kim. Pangkaraniwang student lang din siya dito. Siya lang ang naging kaibigan ko simula nung freshman year.
Hindi ko naman kase kasama si Kim ngayon eh, nagkaklase na sila tapos hindi pa nagsisimula yung samin. Wala sa isip ko magkaroon ng lovelife o kung ano, basta nakafocus ako sa mga responsibilities and goals ko to make my loved ones proud. Ajujuju, daming sinabi.
Kinakanta ko yung Back to December ni Taylor Swift ng pahina. Ayokong marinig nila ako dahil baka kung ano lang ang masabi nila, hindi din naman ganon ka-taas ang confidence ko.
Makapunta na nga lang sa room, maaga pa pero wala gusto ko lang dun, tahimik eh. Tatatayo na ko pero bigla akong may nakasalubong na tatlong lalaki. Ang angas nila, pinagtitilian din sila ng mga babae, sino ba sila?
"Niyaaaa!! Gurlsss! They are hereee!!"
"I love you Kevin!!"
"Oh my God!! Si Lim!"
"Marry me fafa Caile!"
Caile, Lim, at Kevin? Ahh okay alis na ko.
Naiilang ako habang naglalakad ng hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko kasi may nakatingin sakin. Lakad lang Elithe, wag mo ng pansinin yan.
~~PLAAAKK!~~
"Ano ba yan, ang tanga mo naman!" Ay ganon? Ode sige tanga na ko, nananahimik ako eh.
"So-sorry po.."
"Hahahaha!!" Sino ba yung tumatawa na yun?
Kinuha ko nalang yung mga gamit ko na nalaglag at naglakad ulit.
Pagpasok ko sa room, as usual wala silang pake. Si Maja at Amber naman ang sama ng tingin sakin. Lagi nalang talaga mainit ulo nila sakin, hays. Sakto dumating na si Ma'am Charlene.
"Good morning Ma'am Charlene, it's nice to see you!"
"Good morning, you may now take your seat."
Class
Disscuss
Disscuss
Report
Schoolwork
Recess
Pupuntahan ko na muna si Kim, free time din naman niya ngayon eh. Pakiramdam ko may nakatingin nanaman sakin. Walang katao-tao sa hallway.
~BLAAAAAAAGGG!~
*books falling*
"Panget na nga, tanga pa." Aba yung Kevin to ah.
"Inaano ba kita?! Hmf!" Sabi ko at kinuha ang aking makakapal na mga libro sabay alis!
Nakakabadtrip! Wala naman akong ginagawang masama ganon yung inaasta niya sakin. Porket pangit ako at nerdo lagi na kong pagtitripan. Hay nako! Pupuntahan ko na talaga si Kim.
Sa wakas!
"Kim anuna."
"Eto na nga po eh. Hahaha! Bakit ba naka-simangot ka nanamang bruha ka?" Nagtatakang sabi niya.
"Yung Kevin kase eh, pinatid ako. Nang-asar pa."
"Pag napikon ka lalo kang aasarin niyan." Sabi nya't kinagat ang binili niyang burger.
BINABASA MO ANG
BAD BOY'S PROPERTY
Storie d'amoreON-GOING STORY. "I'm so lucky to have this girl, and she deserves to be treated like a queen.." Si Kevin Maravilla Gozon ay kilala bilang ang handsome badboy sa JRL. At merong nerdo na ang pangalan ay Elithe Ryah Fuente. Handsome badboy + Good girl...