Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Maaga pa naman at 5:00 pa ang party.
Kinuha ko na ang damit na susuotin ko mamaya at pati narin ang sapatos.
--
Nandito ang artist ko na mag-aayos saakin.
Nilagyan nya muna ako ng primer para hindi ang makeup mismo ang maabsorb ng pores ko syempre masama kung yun agad ang madidikit sa skin mo diba? Paliwanag lang sakin yan ng artist.
Nilagyan na ako nito ng kung ano ano pa sa mukha. At maganda naman ang kinalabasan nito.
Kinuha ko na ang aking damit at sinuot iyon. Ito'y Royal Blue at fitted dress, ang sapatos ko naman ay 5 inches na silverish ang kulay. Classy lang yung dating hehe.
Bumaba ako at naghintay muna ng konting oras. May 50 minutes pa naman.
--
Nasa gate na ako ng JRL ngayon dala-dala ang aking white channel bag.
May makukulay na mga party lights, madaming students ang nagkalat, at bago ka makapasok ay ibibigay mo pa yung ticket sa isang teacher.
"Bestie! Buti nakadating ka agad, hinihintay kase kita eh." Bungad agad saakin ni Zia.
"Ay hindi Zia, picture lang 'to oh? Hahaha." Natatawang sagot ko sa kanya.
"Uy beshieee!" Sigaw naman sakin ni Kim with prolonging the E.
"Hello, kanina pa ba kayo ni Zia dito?" Tanong ko.
"Hindi, kadadating lang namin hihi." Makulit na sabi ni Kim.
"Tara na! Let's go party!" Biglang sabi ni Zia
[A/N: Naaalala ko dito si Taehyung na bias ko. Hehehe. :) ]
-
Ang saya sa gantiong party, mga nasa 2 oras na din kami sa kalagitnaan ng quadrangle.
Sinabi ko kay Zia at Kim na bibili muna ako ng lemonade at hindi na ako nagpasama.
"Ate magkano po yung blue lemonade niyo?" Tanong ko sa nagtitinda.
"15 pesos lang."
Biglang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na babae sa paningin ko. Siya nga ba yun?
"Pabili po ng isa."
May humarang naman na mokong ngayon sa harap ko nang pupuntahan ko na sana ang babae. Hmf, kahit kelan talaga!
Kasama nito si Caile at Lim.
"At ano namang ginagawa mo dito ha?!" Inis na sabi ko at tumawa lang ang bwisit.
"Humihinga." Papilosopong sabi ni Caile.
"I'm not talking to you. Psh." Sagot ko kay Caile at inirapan ko ito. Nakaka-asar ha.
"Totoo naman eh." Ngumisi si Kevin at kumindat ito. Naiinis ako sa pagmumukha niya, kala mo naman kung sinong gwapo.. ang yabang yabang niya kaya!
"Gusto mong ibuhos ko sayo 'tong lemonade?" Naaasar na tanong ko kay Kevin.
"Whoa whoa, calm down. You're too pissed off. Lalo ka tuloy pumapangit." Biglang sagot ni Kevin at nilagay nya pa talaga ang dalawa nyang kamay sa harap ko ha.
"Tss, tara na nga. Wag nyo nang patulan yan." Sagot ni Lim at niyaya sila paalis. Amg tipid niyang sumagot, psh.
Uy Lim notice me naman oh.
Lumingon ulit ako sa side kung nasan ang babae at nakita ko itong tumakbo papalayo.
Sa tagal na pagtakbo ko at pag hanap sa kanya sa wakas at huminto siya. Nasa likod kami ngayon ng special section ng grade 7.
BINABASA MO ANG
BAD BOY'S PROPERTY
Roman d'amourON-GOING STORY. "I'm so lucky to have this girl, and she deserves to be treated like a queen.." Si Kevin Maravilla Gozon ay kilala bilang ang handsome badboy sa JRL. At merong nerdo na ang pangalan ay Elithe Ryah Fuente. Handsome badboy + Good girl...
