Chapter 4: Who Is She?

19 1 0
                                    

Nagising ako dahil kay Bokita. Masyado pang maaga kaya pinakain ko muna sya sa baba. Mamaya pa yung pasok ko may 4 hrs pa.

Nilakad ko na din si Bokita sa labas. Masyado syang hyper ngayon, mabuti pa kainin ko nalang muna yung cake sa ref. Black Forest sya at galing iyon kay tita. Nagpunta sila dito nung hapon at hindi ko na naabutan dahil nasa Figaro kami nila Zia at Kim.

Nakatulog si Bokita, naligo na ako at nag-ayos. Nagreview muna ako at may oras pa. Si mama naman tulog pa. Hindi na din ako nagbreakfast at sa school nalang ako kakain.

Biglang sumagi sa isip ko si Amber, sana itigil nya na 'to. Hindi na sya nako-konsensya sa ginagawa nya. Kailangan ko na talaga syang harapin mamaya at sumosobra na sya. Hindi ko nalang muna 'to ipapaalala kay Kim at lalong lalo na kay Zia. Naku matindi pa naman magalit yun.

Yung LM, sino kaya yun?

Lucas Montefalco, Ganun din yung initial ng name nya at posible namang abutan nya ako ng panyo. Pero sa pagkaka-alam ko, magpapakita naman ito ng kanyang mukha kung sya yun.

Kailangan ko na umalis.

Goodluck nalang talaga saakin.

Sa gate palang, ang dami nang nakatingin sakin. At malakas ang kutob ko na dahil 'yon kay Amber, sa paninira nya.

"Sa pagkaka-alam ko bawal ang basurang pakalat-kalat dito." Nakangising bungad ni Amber.

Itigil mo na 'to Amber.

"At bakit nandito ka? Diba dapat nasa basurahan ka?" Dagdag ni Maja. Abah, nandito pala sya.

"Simple lang, dahil wala ako doon." Pamimilosopo ko. Halatang nainis bigla ang dalawa. Sige lang, sisiguraduhin kong saakin na ang huling halakhak.

Oo, sisiguraduhin ko talaga.

Nagsimula nang magbulungan ang mga students sa paligid namin. Dapat lang talaga, bibigyan ko ng leksyon ang dalawa at mapapahiya sila.

"Yung paninira mo nga pala, lubayan mo na 'yon. Wala ka lang mapapala."

"Wag mo kaming utusan. You're so ugly." Sabi ni Amber na umarte na para syang nandidiri.

"At sino naman ang nagturo sayong sumagot? Ang cheap kase ng answer mo eh. Pang-mahirap." Irap na sabi ni Maja.

"Hindi ako nainform na pang-mahirap pala ang sagot ko. Agaw pansin kasi yung pamulubi nyong mukha. Nakakahawa." Ngingisi ngising sabi ko.

"Ah ganon, wala kang karapatan na sagutin kami!" Sasampalin na sana ako ni Amber pero nahuli ko ang kanyang kamay.

"Bakit naman mawawalan ako ng karapatan? Batas ba kayo? Student lang kayo dito. Oo, reyna kayo ng school na 'to. Reyna kuno." Natatawang sabi ko na mas lalo oa nilang kinainis. Para silang mansanas.

"I hate you Elithe! Nag-ayos ka lang kala mo kung sino ka! Hindi ka naman maganda!" Galit na sabi ni Maja. "We hate you! We really hate you! Sagot naman ni Amber.

"Bakit? Sinabi ko bang mahalin nyo ako?" Sagot ko.

"Kahit ano pang gawin mo, maganda parin kami. You freak!" Galit na sabi ni Amber.

"Anong connect? Nakaka-tanga yung sagot nyo ha, oo ang ganda nyo, maganda kung ikukumpara sa igwana." Sabi ko sabay walk out.

I told you, sakin ang huling halakhak.

---

Papasok na sana ako sa classroom nang may nabangga akong isang babae, parang familiar sya sakin.

"Ahm s-sorry po miss! H-hindi ko p-po sinasadya!" Nagmamadaling sabi nung babae.

Teka, nalaglag niya yung ID niya. A-at.. hindi ako makapaniwalang sya si..

*Kimadal Calling..*

"Hoy babae ka! Punta ka sa Figaro mamaya ah? Pag-uusapan natin yung project namin ng classmate ko, tulungan mo ko hihi." Sigaw ni Kim sa kabilang linya.

"Kalakas ng boses mong bruha ka! Papasok na ko sa room, oo pupunta ako mamaya. Bye!" In-end call ko na agad. Sigurado akong marami nanamang sasabihin yon at baka malate pa ko sa class.

Pagpasok ko sa classroom, wala si Amber at Maja. Nadala siguro hahaha. Well kung ganon, buti nga sa kanila. Hindi ko na kinaya ang ginagawa nila sakin. Kailangan ko na lumaban.

Nag advance reading muna ako para sa magiging activity namin mamaya. Terror pa naman si Ma'am Adrineda. Laging nakasimangot at akala mong nangangain ng buhay!

Hehehehe..

Siya muna daw ang magtuturo samin sa ngayon dahil absent daw si Ma'am Charlene. May pinuntahan yata. Sana wala mamaya si Sir Mark, nakakainis kase lagi syang nangbabara ng walang dahilan. At pag wala si Sir, mahaba ang magiging recess namin at mabubulabog ko si Kim. Bwahaha!

Dumating na si Ma'am Adrineda at binati kami. Nagstart na ang lesson.

Mabilis na natapos ang lesson at sa tingin ko lahat naman ay nagets ang Math, madali lang naman kasi sya NGAYON.

-.-

Naghihintay kami ngayon sa subject ni Sir Mark. Sana talaga wala sya. Nagugutom na ko. Nagwawala na yung dragon sa tiyan ko. Hmp!

"Guysue! Wala daw si Sir ngayon! Matagal ang magiging recess natin! Yahoo!" Biglang sigaw ng classmate naming kpop fan, si Vanessa. Sa pagkaka-alam ko, Blink sya.

[Blink - BlackPink fan :)) ]

Agad na nagsilabasan ang mga classmate ko at ganun din ako syempre hahaha. Bubulabugin ko na si Kim. Masarap pa naman asarin yon, naalala ko tuloy yung inagawan ko sya sa burger. Para syang kawawang pusa nun.

Nakita kong nakatambay si Kim sa corridor at mukhang inaantok na. Kawawa naman hahaha!

"HOY!" Biglang sigaw ko sa kanya na muntik naman syang mahulog.

"Peste kang babae ka! Ano ba yon!?" Naiinis na sabi ni Kim. Alam ko namang hindi niya din ako matitiis.

"Sino ba yung kasama mong gagawa ng project sa classroom niyo?" Tanong ko sa kanya. Ang paungay pungay ng mata niya, kinulang siguro sya ng tulog.

"Si Dianna, gagawa kasi kami ng science project mula sa recycled bottles. Wala pa kong idea eh, baka sya meron na." Matinong sagot ni Kim. Himala, anong nakain niya?

[ Si Dianna po ay isang character sa "Inlove With An Unknown Guy"ang author po ng story na ito ay classmate ko :)) ]

"Nabalitaan ko yung eksena niyo ni Amber at Maja kanina, ang galing mo ah. Talbog sila don." Natatawang sabi ni Kim.

"Hindi nga pumasok kanina eh." Nagtatakang sabi ko.

"Baliw na ata, haha. Mabuti pa bumili nalang tayo ng brownies sa canteen, bagong labas kasi nila yun. Try natin." Pagya-yaya niya. Sumama nalang ako.

*blaagg!*

"OMG! ano nangyari?"

"Shocks! Bakit niya ginawa sa kanila yun! Kawawa naman!"

"Ay grabe!"

"Wag na wag niyo akong tatarayan, mali ang nakabangga niyo Maja and Amber. Better watch out."

Si Amber at Maja.

To be continued..












BAD BOY'S PROPERTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon