Chapter 8: Acquaintance Party 2

13 1 0
                                    

Ngunit may pumigil sa kamay ko...

"Aish Kevin! Anong kailangan mo?" Naiiritang tanong ko dito." "Wag mo nga akong hawakan! Sa tingin mo close tayo? Duh! No."

"Wag ka ngang assuming dyan! No choice lang ako sa makakasayaw ko!" Pagsusungit nito at bigla niya akong hinatak papunta sa gitna.

Tss, di pa nga ako pumapayag hinatak niya na ako agad.

--

Bigla niyang nilagay ang kamay ko sa kaniyang balikat at nilagay naman niya ang isa niyang kamay sa aking baywang, bigla niya akong sinandal sa dibdib niya gamit ang kaniyang kanang kamay.

"U-uy, di kasali sa slow dance yung ganyan!" Pagmamaktol ko.

"Alam ko, bakit ba? Gusto ko eh." Nakatawang sagot nito.

In fairness ang lambot ng kamay nya, at sh*t nararamdaman ko yung abs niya omo.

Ay nako Elithe! Lumubay ka nga! Diba enemy mo siya? Enemy! E-N-E-M-Y yun lang yon!

Well as if naman magugustuhan ko siya, kay Lim lang kaya ako hehehe.

Patuloy lang kami sa pagsasayaw ng mabagal, yung ibang nagsasayaw naman ay yung tipong nakayakap pa sa likod ng babae ang lalaki. Magbebreak din kayo nuh! Hahaha!

Patuloy padin ang paghawak ni Kevin gamit ang kanang kamay niya sa aking likod. Para din kaming magkayakap.

Siguro kung ibang tao ako tapos hindi ako si Elithe, iisipin kong couple kami.

Yuck! Why am I like this? Ghad.

"Huy masyado na kayong sweet enebe! Mamaya baka I-ship ko pa kayong dalawa diyan! Tapos na yung music oh!" Bigla akong naibalik sa reyalidad
nang biglang magsalita si Kim.

Ay shiete oo nga! Bakit ba ganito padin ang pwesto namin ni Kevin? Eh! >.<

Bigla kong tinulak ng mahina ang dibdib ni Kevin para makaalis na ako sa yakap niya at agad din niyang inalis ang pagkakahawak niya sa aking baywang.

Okay now this is awkward.

"Thank you dahil pumayag ka na maging date ko." Kinindatan niya pa ako at tsaka nag-wave sabay alis!

WALA AKONG SINASABING GANUN!

>////////////<

Nakakagigil kang bayabas ka!

"Yiee! Si Elithe pumapag-ibig na!" Nanunuksong sabi ni Zia.

"H-hindi ah! No choice lang kase sya kaya bigla nya akong sinayaw kanina!" Gulat na sagot ko at iniwas ko nalang ang aking tingin sakanya.

"At tsaka wala akong sinasabi na magiging date ko sya! Kaaway ko nga sya eh! Enemy!" Inis na sabi ko.

>.<

"Pumayag ka naman?" pang-aasar ni Zia.

"Hinatak lang niya ko nang hindi pa ko nakakapag-desisyon!" Sabi ko.

"Oh sige na sige na, masyado kang defensive." Natatawang sabi ni Kim na animo'y tinakpan pa ang kaniyang bibig sa pagtawa. Kahina-hina na nga ng tawa niya taktakpan pa niya yung bibig niya.

Laughing pretty lang ang peg? Psh.

"Hindi ako defensive! I'm just saying the truth." Irap na sagot ko dito. Ayaw pa kasing maniwala!

"Oo na kahit hindi naman totoo, hahaha!" Sabi ni Zia. Eto namang isa na 'to bigla nalang yung tawa.

Eh hindi naman talaga totoo eh, mga praning lang kayo.

BAD BOY'S PROPERTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon