CHAPTER 1

87 8 2
                                    

Author's note:

Maraming salamat at nagpatuloy ka sa unang kabanata. Ikinagagalak kong gusto mo itong mabasa.

Huwag mo sanang makalimutang bumoto at magkomento. Maaari mong sabihin ang nais mong sabihin patungkol sa kuwentong ito. :) Salamat!

-Kuya, JimLi20

***---***

"ISANG babaeng estudiyante ang natagpuang patay. Tinatayang nasa sampung saksak ang tinamo ng naturang biktima. Ngunit walang sinuman ang nakakaalam kung sino ang pangunahing salarin."

WALANG pagsidlan ang hinagpis ng ina ni Leila matapos makita ang kaawa-awang bangkay ng kaisa-isang anak. Mabait na bata ito at palakaibigan. Nakapagtataka na may sumalbahe sa kanilang anak gayong wala naman silang nababalitang nakaaway nito.

Hinimas ni Gener ang likod ni Marjorie habang nakasilip ito sa ataul ng anak na labing-anim na taong gulang.

"Hindi ko matanggap ang ginawa nila sa anak natin Gener," sambit nito habang patuloy pa rin sa pagluha.

Pinagmamasdan niya ang mala-anghel na hitsura ng kanilang unica hija. Napakasakit para sa katulad niyang ina na nagdala rito ng siyam na buwan sa kaniyang sinapupunan pagkatapos ay wawalanghiyain nang gano'n-gano'n na lamang.

Pinalis ni Marjorie ang mga luhang lumalandas sa kaniyang mga mata habang nakatitig pa rin sa bangkay ng anak.

Tandang-tanda pa niya noong isilang niya ito. Ang araw na una nitong nasilayan ang makulay na daigdig.

"SIGE MISIS, iiri mo pa," utos ng doctor na nagpapaanak kay Marjorie.

"Aaaaaaah!" buong lakas na ginawa ni Marjorie ang ipinag-uutos ng doctor at pagkatapos noo'y wala na siyang matandaan pa sa nangyari.

Pupungas ang mga mata niya ng siya ay magmulat at saka nagpalinga-linga. Napagtanto niyang nasa hospital pa siya. Dama ang sakit sa maselang bahagi ng kaniyang katawan dulot ng panganganak.

"Gising ka na pala, mahal," bungad ng asawa nitong si Gener. Nginitian niya ito bago siya makapagsalita.

"Nasaan ang anak natin?" nanghihinang tanong nito. Bahagyang nakapikit pa ang mga mata niya habang nakikipag-usap sa asawa.

"Nasa nursery pa siya mahal. Mayamaya lang ay dadalhin na rin iyon ng nurse dito. Masisilayan mo na siya." tumayo si Gener sa pagkakaupo at lumapit sa asawang nakahiga sa kama. Kinuha nito ang monoblock chair upang umupo nang mas malapit sa kaniyang misis. Hinahaplos-haplos pa nito ang buhok ni Marjorie.

"Salamat mahal at nandito ka para alalayan ako."

"Ama ako. Asawa mo. Dapat lagi akong nakaagapay sa 'yo mahal," paliwanag ni Gener sa asawa.

Sumilay ang ngiti ni Marjorie mula sa narinig sa kaniyang asawa. Wala talagang kupas ang kabaitan nito simula noong magnobyo't magnobya pa lamang sila, hanggang sa ngayon na sila'y opisyal nang mag-asawa.

Umingit ang pinto at tinapunan ito ng tingin ng dalawa. Doon ay nakita nila na pumasok ang nurse habang bitbit ang kanilang munting anghel.

"Here's your baby, ma'am and sir," sabi ng nurse habang hawak ang kanilang anak. Nang makadako ang nurse sa kama ni Marjorie ay inilapag niya ito sa tabi ng ina at saka tuluyan nang umalis.

Tila nawala ang sakit na nararamdaman ni Marjorie nang makita kung gaano kaamo ang mukha ng kaniyang anak. Ganoon din si Gener na hindi mawawala-wala ang mga ngiting namumutawi sa labi. Higit pa sa nanalo sa lotto ng milyon-milyong pera ang kanilang nararamdaman at walang salitang makapaglalarawan kung gaano sila kasaya ng mga oras na iyon.

The Missing Corpse of Leila Asuncion (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon