CHAPTER 8

36 2 0
                                    


"RAMIL, you don't have to do this. Hindi mo na kailangang sunduin ako dahil kaya ko naman ang sarili ko," wika ni Stacey sa dating nobyo.

"Sinasabi mo lang na 'yan para hindi na kita sunduin o sinasabi mo 'yan dahil wala ka na talagang pagmamahal na natitira diyan sa puso mo para sa akin?"

Nang marinig ni Stacey ang sinabi ng kaniyang ex-boyfriend ay agad siyang nakaramdam ng awa para sa lalaki. Ang totoo, mayroon pa siyang nararamdaman para kay Ramil at hindi talaga mawawala iyon.

Kahit pa pinagtaksilan siya nito at may kirot sa puso niya. Hindi naman agad nawala ang pagmamahal niya para sa binata.

"Sige na Ramil, we'll go ahead. Gabi na at kailangan ko na ring magpahinga," paalam ni Stacey sa lalaki at saka tuluyan nang hinila si Margot palayo.

"Bakit hindi mo naikuwento si akin si Ramil?"

"Hindi na dapat, Margot."

"Bakit...?"

Habang nauuna sa paglalakad ay dahan-dahang inilingon ni Stacey ang kaniyang ulo at masama ang tingin na ipinukol nito kay Margot.

"May tanong ako margot."

"..." hindi nagsalita ang dalaga.

"Bakit ang dami mong tanong? Why don't you shut your mouth at 'wag nang magtanong ng kung ano-ano?" Sa ilalim ng mga poste ng ilaw na nagbibigay ng malamlam na liwanag ay patuloy na naglakad si Stacey.

Batid ni Margot ang dinaramdam ng kaibigan kaya ganoon na lamang ang reaksyon nito nang mangahas siyang magtanong. Minabuti niyang huwag na munang kulitin ang kaibigan at manahimik. 'Yon ang ginawa niya hanggang sa sila ay makauwi. Ni hindi man nga lang sila nag-atubili na magpaalam sa isa't isa.

"LEILA, napansin kong malungkot ka kanina. Anong nangyari? May nararamdaman ka bang hindi maganda?"

Muli isang text message na naman ang natanggap ni Leila sa hindi niya matukoy na kung sinong tao. Napablikwas siya nang bangon sa kamang kinahihigaan at agad na ni-reply-an ang naturang text message.

"Sino ka ba?!" Iyon ang laman ng mensaheng ipinadala niya rito.

Muli, agad siyang nakatanggap ng mensahe sa misteryosong tao.

"Isa akong kaibigan, Leila. Kaibigan na maaari mong masandalan sa oras nang pangangailan."

Matapos mabasa iyon ni Leila at napakunot ang kaniyang na sinabayan niya pa nang pag-ismid.

"Wala akong panahon sa 'yo! Please delete my number or else ipapa-trace kita."

Kinakabahan si Leila dahil wala siyang kaide-ideya kung sino nga ba ang nagpapadala ng mensahe sa kaniya.

Muli, nakatanggap siya ng idang text mula rito.

"Leila. Magiging akin ka rin. Mahal kita..."

Tila binuhusan ng yelo sa kaniyang nabasa.Nanlamig ang kaniyang mga talampakan at binubundol ng matinding kaba ang kaniyang dibdib.

Iyon na ang huling mensahe nito sa gabing iyon. Hindi makatulog nang maayos si Leila. Papaling-paking siya ng puwesto sa kaniyang paghiga. Labis siyang binabagabag ng misteryosong tao na nagpapadala ng mensahe sa kaniya. Sino kaya iyon?Bakit hindi niya alan na mayroon nabg iba na nakaaalam ng kaniyang numero, gayong wala naman siyang binibigyan nito. Imposible namang ang nobyo niyang si Janver iyon sapagkat hindi naman baliw ang kaniyang nobyo para paglaruan siya nang ganoon.

Isa pa sa mga bumabagabag sa kaniya ay ang pagpunta niya sa Santa Nimfa. Ilang araw na lamang ay idaraos na ang kanilang tree planting program.

Dala ng labis na pag-iisip, hindi namalayan ni Leila na tuluyan na niyang iniwan ang realidad. Pasado alas-dos na noon nang dalawin siya ng antok.

***---***
Author's Note: Hello guys! Super slow update di ba? Hahahaha! Pasensiya na, nawala kasi ako sa momentum sa pagsusulat ko nitong TMCOLA. But, don't worry sa mga sumusubaybay nito, makakaasa kayong tatapusin ko 'to. Hindi man ngayon, bukas, nakay n'yo magpakailanman. Hahahahaha! Joke.

Hintay lang sa susunod na kabanata! :*

The Missing Corpse of Leila Asuncion (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon