CHAPTER 4

35 5 0
                                    

Author's note: Hellooo. Votes and feedbacks are highly appreciated. Thank you!

-Kuya, JimLi20

***---***

AKMANG ilalapat na ni Margot ang hapong katawan sa kaniyang kama nang 'di-kawasa'y tumunog ang kaniyang cellphone. Nasa ibabaw ito ng isang maliit na kabinet na nasa bandang uluhan ng kaniyang hinihigaan kung saan nakapatong ang lampshade.

Dali-dali niyang itong kinuha upang tingnan kung sino ang tumawag.

"Si Tita Abigail?" mahina niyang sambit.

Ang tinutukoy niyang Tita Abigail ay ang mommy ni Stacey.

Agad niyang pinidot ang answer button sa screen ng kaniyang cellphone at agad na sinagot ang tawag.

"Hello, Tita Abigail?" saad ni Margot.

"Hello, Margot? Nasaan kayo ni Stacey? Alam ko kayo lang ang laging magkasama, siguro ay naggala na naman kayo ano?" sabi nito.

Nagtaka si Margot dahil doon.

"No Tita Abi, I'm already home. Bakit ho?"

"Ano kamo, nasa bahay ka na?"

"Yes, tita."

"Wala pa kasi ang kaibigan mo rito sa bahay. Ang alam ko ay alas-siyete ang labas n'yo sa school," turan nito. Nahalata ni Margot sa boses nito ang pag-aalala para sa anak.

"Ano ho? Wala pa si Stacey?"

"Oo hija. Nag-aalala na nga kami ng kaniyang daddy. Do you have any idea kung saan siya pumunta? Ikaw lang kasi ang alam kong lagi niyang kasama."

Hindi nakasagot si Margot. Tama naman ang mama ni Stacey, sila lang ang laging magkasama. Pero sa mga oras na ito ay hindi sila nagsabay ng kaibigan dahil magkaiba ang ruta na kanilang tinahak pauwi. Wala rin siyang ideya kung saan ito pumunta.

Bumabangon ang kaba sa kaniyang dibdib. Nangangamba siya sa kung ano ang maaaring mangyari sa kaibigan. Madilim na sa labas at lumalalim na rin ang gabi.

Wala naman itong nabanggit sa kaniya na may pupuntahan ito.

Tinapunan niya ng tingin ang orasang nasa dingding sa gawing itaas ng kaniyang pintuan. Alas-otso y media na. Ibig sabihin ay mahigit isang oras nang nawawala si Stacey.

Nasaan kaya ito?

"Hello, Margot?" muling sambit ng ina ng kaibigan sa kabilang linya.

"Tita, sinubukan n'yo na ho bang tawagan siya?"

"Oo hija, pero cannot be reach siya," sagot nito.

Muli siyang nag-isip bago muling kausapin ang kaniyang Tita Abigail.

"Tita, susubukan ko hong mangalap ng impormasyon. I'll do my best po para ma-reach out si Stacey. Sa ngayon po, ipagdasal na muna natin na sana ay nasa mabuting siyang kalagayan," pagpapakalma niya rito.

"Salamat, hija. Magre-report na rin kami sa pulis para sa agarang aksiyon."

"Welcome tita, sa ngayon ay kumalma muna po kayo dahil baka kung ano pa hong mangyari sa inyo," wika ng dalaga.

Pinatay na niya ang tawag at agad na nag-isip kung ano ang dapat gawin upang malaman kung nasaan ang kaibigan.

"Stacey nasa'n ka ba! Pati ako pinag-aalala mo." pinisil ng dalaga ang kaniyang mga palad dala nang labis na pag-aalala.

Kahit naman napakamaldita nito at init-lamig ang ugali ay mahal niya ito bilang kaibigan. Pilit niyang iniisip kung sino ang maaaring tawagan nang agarang mahanap ang kaibigan.

"Isip, Margot. Isip!" aniya sa sarili.

Sa hindi malamang dahilan ay sumagi sa isip niya si Janrev.

Muli niyang kinuha ang cellphone at agad na ni-dial ang number ni Janrev. Ngunit bigo siya dahil wala din itong alam kung nasaan naroon ang kaibigan niya.

Tinawagan din ni Margot ang mga taong posibleng kasama ni Stacey ngunit wala siyang nakalap ng impormasyon na maaaring makapagturo kung nasaan ang dalaga.

Bagsak ang balikat niyang umupo sa gilid ng kama. Nababadya nang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata sa labis na pag-aalala. Nangako pa naman siya sa ina ng kaibigan na mangangalap siya ng impormasyon upang agad itong makita. Pero naubos na lahat ang ideya sa utak niya. Ubos na ang mga taong dapat niyang contact-in.

Inihiga niya ang kalahati ng kaniyang katawan at saglit na ipinahinga ang isip. Nakatitig lang siya sa puting kisame ng kaniyang kuwarto.

"RAMON, nag-aalala na ako para sa anak natin, nasaan na kaya siya?" niyakap ni Annie ang kaniyang sarili.

Kanina pa niya kino-contact ang anak na si Stacey ngunit out of coverage ito. Tinawagan na niya rin ang matalik na kaibigan nitong si Margot at wala rin itong ideya kung nasaan ang anak.

"Annie, relax." niyakap ni Ramon ang asawa pagkasabi niya noon.

"Pumunta na tayo sa tanggapan ng pulis upang ipagbigay alam ang tungkol dito," dagdag pa ni Ramon.

Ang totoo ay kinakabahan na rin siya. Pero kung ipapakita niya ito kay Annie, tiyak na panghihinaan din ito ng loob. Mahal na mahal ang unica hija nilang si Stacey at lintik lang ang walang latay kung may mangyari hindi maganda sa kanilang anak.

Agad na tumungo ang mag-asawa sa tanggapan ng pulisya upang ipagbigay alam sa mga ito ang nangyari.

Alas nuebe...

Dalawang oras nang nawawalala si Stacey, saan nga ba napunta ang dalaga?

The Missing Corpse of Leila Asuncion (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon