CHAPTER 3

38 5 1
                                    

"STACEY, wait nga," inalis ni Margot ang mahigpit na pagkakahawak sa kaniya ng kaibigang si Stacey matapos mag-walk-out sa harap nina Leila at Janrev.

Agad namang bumitiw si Stacey at humarap sa kaibigan na parang nilamukos ang mukha sa sobrang inis. Humalukipkip pa ito pagkatapos ay tumingin sa kawalan.

"Ano? Naiinis ka sa sarili mong kagagawan? Wrong move ka kasi e!" angil ni Margot habang nakangiwi at halatang nasaktan sa ginawang hawak kanina ng kaibigan.

"Whatever, Margot! Kahit kailan talaga, 'yang Leila na 'yan sagabal sa buhay ko."

"Hindi ka kasi marunong umisip ng tamang plano, Stacy. Basta ka na lang sungab nang sungab. 'Akala ko ba may naisip ka na, bakit hindi mo pa 'yon simulan? "

Tinarayan ni Stacey si Margot bago ito muling nagsalita.

"Hindi iyon ganon kadali, Margot!" sagot nito.

"Isinusumpa ko na sana mamatay na 'yang babae na 'yan." dagdag pa ng dalaga.

Inis na inis na si Stacey, kulang na lang ay humawak siya ng kutsilyo at itarak sa leeg ni Leila para mawala na ito at mapasakanya na ang dating matalik na kaibigan at tinatangi niyang si Janver.

"Wow! Alam kong galit na galit ka kay Leila pero hindi ko akalaing manggagaling sa bibig mo ang mga ganyang bagay." patuloy pa rin sa paghimas si Margot sa kaniyang namumulang braso.

Umabante sa paglalakad si Stacey at saka muling nagsalita.

"Kapag namatay 'yang Leila na 'yan, I will crushed her body into tiny pieces. Ganoon ako kagalit sa kaniya!" nanggagalaiting wika nito.

Napatingin lang si Margot sa kaibigang halos mamula na sa galit. Kulang na lang ay umusok ang tainga at ilong nito.

"Samahan mo nga ako sa CR," anyaya ni Stacey sa kaibigan.

"If that's what you wish, I'll go with you madam!"

Naghilamos ito sa loob ng CR. Itinuon nito ang dalawang kamay sa sink at saka humarap sa malaking salamin. Salubong ang mga kilay at tiim bagang pa rin sa nangyari ang dalaga. Samantalang si Margot naman ay pumasok sa isa sa mga cubicle.

Naaalala niya pa. Naaalala niya pa ang mga panahong walang paglagyan ang saya na nadarama niya. Naaalala niya pa kung paano sila nagkakilala ni Janver.

"BAKIT ka umiiyak?" tanong ng isang batang lalaki.

Nakatiklop ang mga tuhod ni Stacey at nakasubsob ang kaniyang mukha roon upang walang sinumang makakita na siya ay umiiyak. Inaway kasi siya ng mga kalaro niya kanina.

"Leave me alone!" singhal niya rito habang nasa gano'ng posisyon pa rin.

Katulad niya'y itiniklop din ng batang lalaking iyon ang mga tuhod nito at tumabi sa kaniya.

"Sabi ni mommy, ang babae, hindi pinapaiyak. Sabi ni mommy, dapat pinoprotektahan ang babae. May bad guys ba na umaway sa 'yo?"

Inangat ng batang si Stacey ang kaniyang ulo mula sa pagkakayuko at pinunasan ang mga luhang lumalandas sa kaniyang mga mata.

"Sino ka ba?!" galit nitong tanong.

Tumayo lang ang batang lalaki na tumabi sa kaniya at saka pinagpag ang puwitang puro buhangin. pagkatapos ay itinaas nito ang mga kamay na para bang isa siyang superhero.
"Ako si Super Janrev! At ililigtas kita gamit ang aking super powers." inilagay nito ang dalawang kamay sa baywang at muling nagsalita.

"Ibe-beat ko ang bad guys at isasakay kita sa likod ko para ilipad ka." muli nitong itinaas ang kaniyang kamay at pumorma na para bang lilipad.

Napahagikgik ang batang babae ng dahil doon.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at pinagpag ang mga duming kumapit sa kaniyang palda.

"Nakakatuwa ka naman," sabi nito.

"Siyempre, ako si Super Janrev e."

"Inaway kasi ako ng mga classmates ko e. Mga bad sila, at ayaw pa nila akong pasalihin sa laro nila," nakasimangot na paliwanag ni Stacey rito.

"Huwag kang mag-alala dahil nandito na ako. Puwede mo akong maging kalaro kahit kailan. Friends?" sabi ng batang si Janrev at iniamang ang hinliliit na darili nito sa batang babae.

Nagdalawang isip pa ang bata kung tatanggapin niya ang offer nito.

Ngumiti si Stacey. Pagkuwa'y iniamang din ang kaniyang hinliit at nag-pinky-promise silang dalawa.

"Friends."

MARGOT snap her fingers para maagaw ang atensiyon ng tulalang kaibigan.

"Anyare? Ba't tulala ka 'te?"

As usual, hindi siya sinagot ni Stacey kundi tinarayan lang siya nito. Agad nitong kinuha ang bag nakalapag at saka nagpatiunang lumabas ng CR. Dali-dali namang sumunod si Margot dito.

Paminsan ay hindi niya talaga maintindihan ang ugali ng kaibigan. Kapag naiinis ito, lahat ng nasa paligid niya ay nadadamay katulad ng lamang ng nangyari kanina. Kapag masaya naman ito, hindi mahahalata dahil naka-poker-face palagi.

Pumasok na sa loob ng classroom sina Stacey at Margot at nadatnan nila roon ang naglalambingang sina Leila at Janrev. Abot-langit na naman ang inggit na dumapo kay Stacey kaya naman hindi na niya lamang ito tiningnan at dire-diretsong umupo sa kaniyang puwesto sa loob ng silid-aralang iyon.

Lumipas pa ang ilang oras at...

"OKAY class, you may now leave the room," pahayag ng kanilang guro sa last subject.

Pasado alas-siyete na ng gabi nang makauwi ang mga estudiyante. Magkaibang kanto ang tatahakin nila Margot at Stacey sa pag-uwi. Walking distance lang ang kani-kanilang mga bahay sa paaralan kaya't minabuti na lamang ng mga ito ang maglakad. Nga lang ay magkaiba ang ruta na tatahakin nila.

Tahimik na binabagtas ni Stacey ang may kadilimang daan dahil sa mga pundidong streetlights---kundi man ay aandap-andap ang mga ilaw.

Tanging lagitik lamang ng may takong niyang sapatos ang kaniyang naririnig. Nang walang ano-ano'y makaramdam siya ng kung-ano sa paligid.

Saglit siyang tumigil at nakiramdam. Malikot ang dalawa niyang mata na tumitingin sa magkabilang panig ng daan. Nang wala siyang natanggap na tugon ay muli siyang naglakad. Mas binilisan niya sa pagkakataong iyon.

At... umulit na naman ang pakiramdam niyang may sumusunod sa kaniya.

Muli siyang tumigil. Dahan-dahan siyang humarap sa kaniyang likuran at ganoon na lamang ang gulat niya. Nanlaki ang mga mata at pigil ang hiniga ng mapagsino ang nasa harap niya.

Isang hindi niya kilalang tao na nakasuot ng sumbrerong itim at nakatakip pa sa ulo nito ang hood ng kaniyang jacket.
Tinakpan ng misteryosong tao na iyon ang kaniyang bibig upang maiwasan ni Stacey na gumawa ng anumang uri ng ingay.

Hilakbot ang dalaga at halos hindi makahinga. Mukhang malalagay siya sa peligro. Nagpupumiglas siya ngunit sadyang malakas ang misteryosong tao na iyon.

***---***

Don't forget to vote and leave some comment! Thanks, guys. :)

-Kuya, JimLi20

The Missing Corpse of Leila Asuncion (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon