CHAPTER 5

48 5 2
                                    

Author's note: nagugustuhan n'yo ba ang takbo ng kuwento? Kung hindi ay huwag kayong mahihiyang magkomento. Para iyan sa ikagaganda ng istoryang ito. Salamat! :)

-Kuya, JimLi20

***---***

"HUWAG kang maingay, Stacey!" bulong na sabi ng misteryosong tao habang nakatakip pa rin ang kaliwang kamay sa bibig ng dalaga.

Nang mga oras na iyon ay walang sinuman ang nadaan sa madilim na kalsada. Nagulantang si Stacey paano nito nalaman ang kaniyang pangalan?

Pilit siyang nagpupumiglas at labis ang takot na nararamdaman niya sa kamay ng misteryosong tao na iyon.

"Stacey ano ba? Sabi nang huwag kang maingay e!" ulit na sabi ng misteryosong tao.

Pigil ang mga tiling pinakakawalan ni Stacey dahil sa nakatakip ang bibig ng taong iyon sa kaniya.

Patuloy siya sa ganoong gawi ng 'di kawasa'y naramdaman niyang may inilagay ang lalaki sa tagiliran niya. Nakaramdam siya ng sakit dahil doon. Pagkatapos ay nawalan pa siya ng malay dulot ng mababang boltahe ng kuryenteng lumabas mula sa bagay na idinampi ng lalaki sa kaniyang tagiliran.

"NASAAN AKO?" iyon agad ang naitanong ni Stacey nang mawalan siya ng malay.

Nakalapat ang kaniyang katawan sa isang komportableng higaan at sa uluhan niya ay mayroong lampshade na nagbibigay ng malamlam na liwanag sa buong lugar kung nasaan siya.

Narinig niyang umingit ang pinto ng kuwarto at nang dahil doon ay napabalikwas siya ng bangon.

Kunot noo niyang tinitigan ang mukha ng pumasok. Malabo pa ang kaniyang paningin dahil kagigising niya pa lamang at hindi rin gaanong maliwanag ang ilaw.

Nang lumapit ito sa kaniyang kinaroroonan ay napaurong din siya at isinubsob ang likod sa headboard ng kama.

Papalapit ito nang papalapit.

Isa pang hakbang...

Napatda siya ng malaman kung sino ang misteryosong tao.

"Ramil...?"

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

Umupo ang lalaki ng tinatawg ni Stacey sa pangalang Ramil sa gilid ng kamang kinahihigaan niya kanina.

"Ayos ka lang ba? Pasensiya ka na. Gusto ko lang sanang kausapin ka, kaso bigla kang naghesterikal kaya napilitan akong gawin 'yon sa 'yo," wika nito pagkatapos ay hinaplos ang braso ng dalaga.

"Paanong...?" utal na wika ni Stacey.

"Nakalaya na ako, Stacey. Nakalaya na ako."

Umayos sa pagkakaupo si Stacey.

"Paano?" ulit na tanong nito.

Napatunayang wala akong kasalanan. Napatunayang hindi ko pinatay si Amira kundi nagpakamatay. Na-set-up lang ako. Pinaglaban ako ng abogado 'ko, malaki rin ang naging tulong ng cctv camera.

Niyakap nang mahigpit ni Stacey si Ramil.

"Salamat sa Diyos," usal nito at yumakap sa dating nobyo.

Si Ramil ay ang dating nobyo ni Stacy, maliban kay Janrev ay isa ito sa minahal niya nang sobra.
Napabigtangan itong pumatay sa isang dalagita na estudyante rin ng NorthWood High na si Amira Cruz. Naipanalo ng abogado ni Ramil ang kaniyang kaso.

The Missing Corpse of Leila Asuncion (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon