CHAPTER 6

42 2 0
                                    


Author's note: basa na! :)

***---***

"RAMIL..." untag ni Stacey sa dating nobyo.

Mataman pa rin itong nakatitig sa kaniya at tila ba nangungusap ang mga mata.

"Pag-iisipan ko." dagdag pa ng babae.

"Sana'y bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon...sana..." hiling ni Ramil.

MATAPOS magtungo sa tanggapan ng pulisya ng mga magulang ni Stacey upang i-report ang pagkawala ng kanilang anak ay agad na umuwi ang mag-asawa at namahinga.

Kahit anong gawin ni Annie ay hindi siya dapuan ng antok. Mula sa pagkakahiga ay umupo siya sa kama nilang mag-asawa. Sumasakit na ang ulo ni Annie kaiisip. Gano'n siya palagi sa tuwing mag-aalala para sa anak.
Naramdaman niyang hinimas ng kaniyang asawa ang kaniyang braso. Tinapunan niya ito ng tingin at batid ni Ramon ang pag-aalala nito.

"Mahahanap din siya. Kilala ko si Stacey, malakas 'yun. Palaban."

"Pero babae pa rin ang anak natin Ramon. Isa pa, iba na ang panahon ngayon."

Kahit papaano ay napaisip din ang lalaki sa sinabi ng kaniyang asawa.

"Dasal ang nataanging sandata natin, Annie. Sa ngayon...'yun muna ang magagawa natin," saad ni Ramon sa asawa.

NAPAMULAGAT si Margot nang marinig niyang tumunog ang cellphone. Hindi niya alam na nakatulog pala siya kakaisip sa kung sino ang maaaring tawagan upang ma-trace ang kaibigan. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at pupungas-pungas na tumingin sa screen.

Tumatawag si Stacey! Agad niyang pinidot ang answer button at nagmamadaling sinagot ang tawag ng dalaga.

"Stacey! Nasa'n ka ba? Masyado mo 'kong pinag-alala! Tumawag sa akin ang mommy at daddy mo, at ang sabi nila hindi ka pa raw umuuwi, nasaan ka ba?" iyon kaagad ang bungad ni Margot sa kaibigan.

Matapos niyang magsalita ay tinapunan niya ng tingin ang orasan at pasado alas-diyes y media na. May isang oras din siyang nakatulog at tatlong oras naman ang pagkawala mg kaibigan.

"Puwede pagsalitain mo muna ako, Margot?" mataray na sabi ni Stacey.

"Okay. Nasaan ka ba kasi?" itinuon ni Margot ang kaniyang kamay sa kaniyang kama at nagpakawala na malalim na hininga.

"Hindi ko masasagot kung nasaan ako. Pero ang importante ayos lang ako." Hindi tuwirang sinagot ni Stacey ang tanong ng dalaga, dahil sinabihan siya ni Ramil na ayaw muna nitong ipaalam sa marami na nakalaya na siya.

"Hindi kita maintindihan Stacey, bakit ayaw mong ipalam kung nasa-" naputol ang sasabihin ng dalaga ng sumabat si Stacey.

"Shut up, Margot! Ang importante maayos ako. Pakisabi kanila mommy at daddy para hindi na sila mag-alala, bye."

Maang ang bibig ni Margot hindi niya talaga maintindihan ang dalaga. Ngunit malaking kaluwagan din sa kaniya ang pagtawag nito, dahil sa wakas ay tumawag ito at nasa maayos na kalagayan. Sa ngayon ay hindi na niya kailangan pang mag-alala.

Naisip niya ang sinabi sa kaniya na si Stacey kanina. Agad niyang tinawagan ang mga magulang nito upang ipaalam na nasa maayos itong kalagayan.

Nang malaman iyon ng mag-asawang Annie at Ramon ay tila nabunutan sila ng tinik sa lalamunan.

"HI LEILA."

Isang text message ang natanggap ni Leila mula sa isang unknown number at kaniya itong ipinagtaka. Wala naman siyang nataandaan na pinagbigyan niya ng kaniyang cellphone number.

Nang reply-an niya ito upang tanungin kung sino ito ay hindi na siya nakatanggap ng tugon mula rito. Nagkibit-balikat na lamang siya sa nangyari at inilapat ang hapong katawan sa ubod ng lambot niyang kama.

The Missing Corpse of Leila Asuncion (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon