CHAPTER 10

5 0 0
                                    


“OKAY CLASS, maghanda kayo dahil sa susunod na araw na ang inyong Tree Planting Program at make sure na dala n'yo ang lahat ng kakailanganin okay? Nagkakaintindihan ba tayo class?”

“Yes, Maam!” sabay-sabay na sagot ng lahat.

“Maam question po, buong school po ba ang pupunta ng Santa Nimfa since ito po ay program na idadaos ni school?”

“Okay, ang Santa Nimfa ay maliit na lugar lang, so ibig-sabihin section n'yo lang ang naka-assign do'n. Napagkasunduuan kasi naming mga teachers at ni Principal Villanueva na per section ang magaganap na tree planting. So meaning sa iba't ibang araw siya idaraos at bawat sections yun. Nakadepende rin sa laki ng lugar kung ilang sections ang ipadadala. Since nasabi ko na nga na maliit lang ang Santa Nimfa, section nyo lang ang na-assign do'n.”

“Okay po, Maam! Thank you po!”

“Walang anuman.”

“Okay, bago ko kayo palabasin, tommorow gusto ko ay kumpleto kayo. Why? Bukas ay orientation n'yo about sa Tree Planting Program na gaganapin. Nagkakaintindihin ba?”

“Yes, Maam!” muling tugon ng klase.

“Okay, you may all go now.”

“Thank you, Maam!”

AH GUYS, uuwi na ba kayo?” biglang tanong ni Lenard sa magkasintahan.

“Oo sana, bakit Lenard?” magiliw na tugon ni Leila

“Gusto ko kasi sana kayong i-treat, kain tayo gano'n...kung okay lang naman sa inyo, kung hindi ako nakakaistorbo,” sabi nito na medyo nahihiya-hiya pa sa pag-alok sa dalawa.

“Sa akin okay lang, ewan ko ditobsa girlfriend ko.” sabay turo ni Janrev sa dalaga.

“Ah... Eh... Oh edi sige. Okay lang since kasama ko naman kayong dalawa.”

“ʼYun! Thank you guys!”

Ilang dipa ang layo ng tatlo kanila Margot at Stacey ngunit gayon man ay naririnig nila ang usapan ng mga ito.

“OMG! Ang landi talaga nitong si Leila! Biruin mo, katabi boyfriend niya tapos pati yung transferee na may pagka-nerdy, papatusin? Like, the heck Leila!”

“Malandi agad? ʼDi ba puwedeng lapitin lang ng lalaki kasi maganda talaga si---”

“Sige! Ituloy mo yang sasabihin mo kung hindi ihahambalos ko sayo ʼtong bag ko? Alam mo Margot, minsan hindi ko alam kung kaibigan ba kita eh! Minsan naman Margot gamitin mo ang utak mo! Pathethic!” pagkasabi niya niyon ay tinarayan niya ang kaniyang kaibigan at nagpatiuna sa paglalakad.

“Excuse me!” sabi ni Stacey ng sadyain nitong maglakad sa gitna ng tatlong nag-uusap.

“Hoy, Stacey, wait nga! Huy!” halos matapilok si Margot kahahabol sa malditang kaibigan.

Katulad ng nauna ay napadaan din siya sa gitna nina Leila, Janrev at Lenard.

“Ay, sorry guys, sorry,” sabi nito sabay hagikhik “Hoy! Stacey, wait!”

Walang nagawa ang tatlo kundi mapakunot na lamang ang noo at magtaka. Paano ba naman kasi'y napakalawak ng maaaring daanan ay sinadya pa talagang sa gitna nilang tatlo---na nag-uusap---dumaan.

“Anong trip ng tatlong ʼyun? Papansin lang? Weird...” wika ni Leila kapagkuwan ay napangisi siya at napailing.

“So paano...guys? Tara na?”

“Let's go!” tugon ni Janrev sabay akbay sa balikat ng nobya.

Dinala ni Lenard ang magkasintahan sa isang mall at do'n nila napagdesisyunang kumain.

“Guys dito muna kayo ah, ako na lang o-order, anong sa inyo?”

“Ikaw na bahala Lenard,” sagot ni Leila.

“Oo ikaw na bahala pre. Sige CR lang muna ako.”

“Ako rin babe, kanina pa ako naiihi.”

“Okay sige pagbalik nyo siguro tapos na akong um-order.”

Nagtungo ang dalawa sa CR habang si Lenard naman ay um-order ng treat niya sa dalawa.

Nang makabalik si Janrev sa kanilang  table ay tapos nang um-order si Lenard. Nahiya pa nga siya dahil hindi niya akalaing mangti-treat ʼto gayong ilang araw pa lang silang magkakilala.

“Oh, wala pa si babe?”

“Wala pa, eh,” sagot ni Lenard.

“Sabagay, matagal talaga ʼyon kapag nagsi-CR eh. Nga pala bro, thank yoi sa treat ah! If yoi want hati na lang tayo sa bayad nito. Nahihiya kasi ako saʼyo eh.”

“Ano ka ba bro! Kaya nga treat eh! Ha-ha! At saka isa pa parang pa-thank you ko na rin sa inyo ʼto ni Leila kasi nakatagpo agad ng gaya nʼyo, kahit na sabi ng marami eh, nerdy looking guy ako.” natawa siya matapos sabihin iyon.

“Nerdy looking guys ka lang bro pero hindi ka talaga nerd, siguro ganyan ka lang talaga manamit. At saka, wag mong pansinin ʼyung iba diyan na mahilig mamuna. We all have our different sense of fashion. Kung saan ka komportable at kung ano sa tingin mo ang bagay sa ʼyo, then go! After all sariling satisfaction mo naman yan at hindi sa kanila.”

“Wow grabe bro, sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakarinig ng ganyang payo sa isang kaibigan. Hindi nga ako nagkamali sa inyo ni Leila, salamt bro!”

“Oh, mukhang busy kayo ah! Mans talk? Naku eh mukha yatang nakaistorbo ako bigla, ah!”

“Ah, hindi naman ikaw talaga Leila, mapagbiro, ʼyan ang nagustuhan ko saʼyo eh!”

“What did you just say?” takang tanong Leila.

“I mean, sobrang nag-click ang personality nʼyong dalawa. Kumbaga perfect couple kaya thankful ako na kayo ang naging kaibigan ko sa Northwood.”

“Ah...sorry nga pala kung natagalan ako ah. Alam nʼyo naman kaming mga girls, basta magkaroon ng time para mag-retouch at pumunta sa restroom lulubus-lubusin na.”

“That's fine, basta ikaw...kayo ni Janrev! So what are we waiting for? Let's eat!”

***___***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Missing Corpse of Leila Asuncion (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon