Chapter 2

640 28 4
                                    

Chapter 2

Cindy POV

Monday na kaagad. Pasukan na naman.  Suot suot ko na naman itong napaka-cute naming uniform.

“Mommy, daddy, buh-bye po. Punta na po kami ni Terrence sa school.” Paalam ko.

Lumabas na ako kaagad. Di pa kasi ako kumakain eh. Baka pigilan ako nila mommy pumunta ng school.

Malapit lang naman school namin. Nilalakad lang namin ni Terrence. Lagi kasi ako niyayaya ni Terrence maglakad-lakad eh.

“Uyy Terrence, sa tingin mo ako kaya ang magiging 1st ulit sa class natin ngayong 4th year?” tanong ko kay Terrence.

“Syempre naman. Sino pa bang iba. Eh ako lagi lang naman sunod sayo, 2nd.” Sabi niya.

“Haha. Malay mo.” Sabi ko.

Naglakad-lakad lang kami ni Terrence hanggang sa makarating kami ng school.

“Terrence! Brad, hali ka, sama ka muna saamin. Na-miss ka kaya namin.” Biglang salubong ng barkada ni Terrence.

“Ah, eh kasi pupunta na kami ni Cindy sa room.” Sagot niya.

“Cindy, ayos lang ba mahiram itong bestfriend mo? Mamaya pa naman ang class. Tsaka lagi naman kayong magkasama.” tanong ng isang barkada ni Terrence which is classmate lang naman namin.

“Ah, sige, ayos lang.” sagot ko sabay kindat kay Terrence.

“Sige Cindy, mamaya na lang ulit.” Sabi ni Terrence.

“Sige.” Sabi ko tapos tumalikod na ko sakanila para pumunta ng room namin.

Naglalakad ako papunta ng classroom namin ng biglang: *Burp*

Oops! Di pala ako nakakain ngayong umaga. Nagugutom na ang tiyan ko. Kaya naman heto ako sa canteen namin para kumain. Sayang naman, balak ko pa naman sanang ilibre si Terrence. Matapos kong maka-order ng pagkain, umupo ako sa isang table na walang ibang kumakain.

“Aashh!” napasigaw ako bigla.

“Oops! Oh my gosh, girls. Sorry Cindy, I’m really sorry.” Sabi nitong malditang babae with a sarcastic tone of voice.

Freaks! Binuhusan nila ako ng tubig habang nakatalikod ako. Nakakainis talaga itong apat na mga babae na ito. Ano bang ginawa ko sakanila. Unang araw pa lang ng pasukan nangbuboysit na naman ang mga to.

“Ano ba nagawa ko sainyo?” sigaw ko.

“You just stole our new prince.” Sabi nung isa.

“Oo nga. Noon si Terrence tapos ngayon si, si, si new prince namin.” Sabi naman ng isa.

“Huh? Ano ba pinagsasabi niyo? Di ko kilala yang new prince ninyo na yan!” sabi ko.

“Wag ka ng mag-deny pa, nakita namin kaninang umaga na tinititigan ka niya. Dapat kami ang tinititigan niya.” Sabi nila.

“Ano ba pinagsasabi niyo?”

Tumayo ako at aalis na sana mula sakanila ng bigla nila akong tinulak at napasubsob sa nagniningningang tiles ng canteen namin.

“Aray!”

 Naiinis na talaga ako ng sobra sa mga to. Sa lahat ng estudyante dito sa school namin, sila lang naman ang mga walang hiyang pakialaman at guluhin ang buhay high school ko.

“Excuse me, ayos ka lang ba?” May nagsalita mula sa tabi ko at nag-offer ng kamay niya.

Tiningnan ko siya at napa-nganga. Woah! Napakagwapo niya. Perfect yung pagkakahugis ng mukha niya. Gwapo na gentleman pa. *_*

“Uhum, excuse me? Hindi ka ba tatayo?” sabi niya ulit at habang inooffer yung kamay niya.

Namalayan kong natulala na pala ako sakanya habang naka-nganga.

Lumapit yung mga kamay niya sa mukha ko at bigla niyang isinara yung bibig ko.

Ayy, $#!t, nakakahiya. >_<

“Ah-emm.” Sabi ko.

Tinulungan niya akong makatayo at inalalayan.

“Nasugatan ka ba?”

“Hindi naman.” Sagot ko.

“Mr. prince? Bakit mo siya tinutulungan?” tanong nitong isang warfreak na babae.

“Excuse me, sorry, I have no time for you, girls.” Sabi niya.

Nagwalk-out yung apat na warfreak girls na yun. Nasaktan siguro sila sa sinabi nitong lalaking tumulong saakin.

“Ayos ka lang ba talaga?” Tanong niya.

“Ah, oo. Sige, alis na ako. Salamat pala.” Sabi ko.

“Wait. Ano nga pala pangalan mo?” tanong niya.

“Ah, ako, Cindy. Ikaw?”

“Ah, ako, eh, ehm, ako? Ah! Mavy. Oo, mavy ang pangalan ko.” Sagot niya.

Ang weird niya naman. Tinatanong lang naman ang pangalan.

“Sige bye Mavy.” Sabi ko.

“Sige, bye Cindy.”

So, siya pala yung tinutukoy ng mga babaeng yun na new prince nila. Infairness, ang gwapo niya naman talaga at mabait pa. Ba’t naman nila sinabi na tinititigan ako ni Mavy. Hmm, ewan nga. Nakakainis kasi yang mga freaky girls na yan. TSK. Nakakabadtrip ng araw. Mga feelingera!

 Pumunta ako ng comfort room for girls at nagpalit ng uniform. Mabuti nga’t may dala ako ngayon ng isa pang uniform. Dumiretso ako sa classroom namin pakatapos magpalit.

Mavy POV

Hi. I am Mavy Collein. Isa akong bampira, secret lang ha. Pero hindi pa ako matanda. 15 yrs. old pa lang din ako.  Ako lang nagpangalan sa sarili ko kanina. Tinanong niya kasi kung ano ang pangalan ko. Naisipan ko yung Vam sa Vampire. Ni-revise ko lang tapos dagdag ng “y”. Oh diba, pwede na. Ang totoo kong pangalan as a vampire is Shawn Collein. Namental block ako kanina sa babaeng kaharap ko eh kaya nakapag-imbento ako ng pangalan. Kahit bampira ako, gwapo ako.  Ganyan talaga kapag galing sa pamilya ng mga gwapo’t magaganda. Yung mga babaeng tao nga diyan nagsisitilian pagnakikita ako eh. Especially, yung mga nakakainis na mga babaeng yun, awayin ba naman ang prinsesa ko. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi nasusunog itong balat ko kahit na umaga ngayon? Pinahiram kasi saakin ng dad ko yung kwentas niya na protekta ng isang bampira. Tumutulong para makapagkunwaring tao kami kahit na umaga. Hindi kasi masusunog ang balat ko.  Ngayon ang unang umaga na nakalabas ako sa bahay namin. Ang masasabi ko lang ay masaya. May sinusundan kasi ako eh. Isang magandang babae. At ayun nga, tinanong ko kanina ang pangalan niya, Cindy raw. Napakaganda niya. At para malaman niyo na rin, ako pala ang laging dumadalaw sa bahay nila tuwing gabi. Gusto ko lang naman siyang makita. Napakaganda niya kasing titigan. Nakakainis lang talaga yang bestfriend niyang dumidiskarte sakanya. Narinig ko nga mga usapan nila noong Friday ng gabi eh kaya nasuntok ko yung bubong nila ng sobrang lakas. Hindi ko naman yun nasira. Ang masaya naman, sabi niya, ako raw ang soulmate niyang bampira. Noong ipinanganak ako, namatay ang mom ko. Isa siyang tao at ang dad ko, isang bampira. May kapatid akong babae na mas matanda saakin ng tatlong taon, siya’y isang tao. Hindi siya nagkaroon ng lahing bampira. Pero tanggap niya kami at tanggap namin siya bilang pamilya. Noong bata pa ako, hindi ako pinapayagan ng dad ko na lumabas. Nakakulong lamang ako sa napakalaki naming palasyo. Lagi kong nakikita si Victoria, ang ate ko, na lumalabas ng palasyo namin at nakaporma, habang ako, nakaupo lamang sa may bintana namin at pinagmamasdan si Victoria habang papalayo sa palasyo. Minsan naman ay nakatingin lamang ako sa napakalaking buwan. Noong mga taon na yun, gustong-gusto ko makita ang mundo ng mga tao na mula bata ako ay ipinagkait saaking ipakita. Nang dumating ang 15th birthday ko, tinanong ako ng dad ko kung ano raw ang wish ko. Sabi ko, gusto ko makita ang mundo ng mga tao, ang makalabas sa aming palasyo. Tinanong ko siya kung mabibigay niya ba ang aking hiling ngunit di siya sumagot. Pagsapit ng gabi, sabi niya oo. Pinapayagan niya na raw ako. Sobra kong saya ng gabi na iyon. Pumunta ako sa tirahan ng mga tao at doon ko nakita si Cindy. Nagtago ako sa may puno  sa kanilang bahay, may pagdiriwang din noon sa kanila. Napakaganda niya noong gabi na iyon. Gabi kung saan kaarawan niya rin pala katulad ko.

Ang Soulmate Kong BampiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon