Chapter 4

507 30 0
                                    

Chapter 4

Cindy POV

It’s a beautiful day. Di ko alam kung bakit, pero napakasaya ko ngayong araw. Kahit simula pa lang ng umaga naninira na naman ng buhay yung apat na babae na yun, may nakilala naman akong mabait na gwapo. Simula pa kanina ng umuwi kami ni Terrence, iniisip ko si Mavy. Kewll. :3 Pero nakita ko siya kanina kasama si Vanessa pag-uwi. Parang may something sakanila eh. Nandito na ako sa kwarto ko, nakahiga. Di pa ako inaantok. Binuksan ko yung bintana at naupo sa may bintana. Bilog yung buwan, napakaganda tingnan.

Mavy POV

Nakasarado na yung bahay nila Cindy. Nandito na naman ako. Pero may isang kwarto na bukas pa yung ilaw. Lumapit ako ng lumilipad  sa bintana nung isang kwarto na nakabukas yung ilaw. Biglang bumukas yung bintana, mabuti nga at mabilis akong nakapunta sa gilid ng bintana. Sinilip ko kung sino yung bumukas ng bintana, si Cindy pala. Tinitingnan niya yung bilog na buwan. Napaka-cute niya naman. Kung pwede lang sana magpakita sakanya. Tiningnan ko na lang din yung buwan. May dala pala ako sa bulsa ko. Isang papel na ilalagay ko sana sa may pintuan nila Cindy noong kumakatok ako. Nakasulat dito “Hi Prinsesa :)” Maya-maya sinarahan na ni Cindy yung bintana. Sinarahan niya na rin yung ilaw. Noong hawakan ko yung bintana, hindi siya masyadong nakasara. Pinalusot ko yung letter sa bintana tapos nahulog sa loob ng kwarto niya. Sinara ko ng mabuti yung bintana at umalis na para bumalik saamin.

Cindy POV

*ring* *ring* *ring*

Nakakabulabog naman itong alarm clock ko. Ang sarap sarap na sana ng tulog ko. Saturday naman pala ngayon eh, matutulog na lang ako ulit. Pumikit ako ng konti tapos bigla akong napatayo mula sa kama. Sinarado ko yung alarm clock. May pasok pala ngayon. Tuesday pa lang pala. Nanyare ba saakin? Pagkatayo ko, may nakita akong papel sa baba ng bintana ko. Pinulot ko at binasa. May nakasulat na “Hi Prinsesa :)”. Naku, si Terrence naman oh. Kung anu-ano ang nalalaman. Nilagay ko yung letter sa bag ko at nagasikaso para pumasok sa school.

“Cindy?” narinig kong tawag ni Terrence sa labas ng bahay namin.

“Oo, Terrence, nandyan na. Wait lang.” sigaw ko.

Nagpaalam ako kila mommy tapos lumabas na ng bahay.

“oh? Terrence. Tara.” Yaya ko.

“Sige.” Sagot niya.

Naglakad na kami papunta ng school. Pagdating sa classroom, nandoon na sina Vanessa at Mavy sa upuan nila. Umupo kami ni Terrence sa upuan namin. Ah, oo. Yung letter pala.

“Uyy. Terrence. Ikaw ba  nagbigay nung letter?”

“Ha?”

“Ashh.” Kaagad kong sabi. “Oo. Ikaw lang naman magbibigay nun.”

“An—“

“Ashh.” Kaagad kong sabi ulit. “Oo na. wag ka ng magpapaliwanag, Prinsipe.”

“Bahala ka nga diyan Cindy, Cinderella.” Sabi niya.

Tumalikod na ako kay Terrence tapos nakita ko si Mavy for the second time na parang naiirita yung mukha. Ano kaya nangyari sa taong ito.

“Uyy Mavy? Bakit parang naiirita ka?” tanong ko.

“Ah wala ito. Di naman ah.” Sagot niya.

“Oo kaya.”

“Hindi naman. Baka kasi nagagwapuhan ka lang saakin.” Biro niya.

“Haha. Ewan ko sayo.” Sagot ko.

“Hihi. Biro lang.” sabi niya.

Ngumiti ako sakanya tapos siya naman nakangiti na. Natapos na yung class namin ngayong araw. Sa canteen kami kumakain ni Terrence kaninang lunch. Nilibre niya nga ako ng maraming pagkain. Tapos pakatapos maglunch, pumunta kami sa bench sa gilid ng pagkalaki-laki naming ballground para tumambay. Andito ako ngayon ulit sa bench. Wala naman si Terrence. Ewan ko kay Terrence kung bakit nauna siya umalis kaninang uwian. Di man lang ako niyaya pag-uwi. Nagmamadali siyang tumakbo eh. Nakakainis naman.

“Cindy?”

“’Oh? Mavy? Bakit ka nandito?”

“Ah. Wala naman. Ikaw? Ba’t ka nandito? At tsaka bakit di mo kasama yung bestfriend mo?” tanong niya.

“Ah. Wala naman. Ewan ko eh. Umalis kaagad. Di nga ako niyayang sumama pag-uwi eh.”

“Ah. Ganoon ba, sasamahan na lang kita.” Alok niya.

“Naku, hindi na. Nakakahiya naman sayo.” sagot ko.

“Hindi, ayos lang. Para may kasama naman ang seatmate ko. Hihi.”

“Sige, ikaw bahala.”

Umupo si Mavy sa tabi ko. Nagkwentuhan kaming dalawa. Ang sarap niyang kausap. Pero mga walang kwenta yung pinagusapan namin. Tungkol sa monsters, mga ganoon. Para nga kaming bata eh. Haha. Pero masaya.  Hindi namin namalayan yung oras. Isang oras na pala yung nakalipas. 6:00 p.m. na pala.

“Tara uwi na tayo?6 p.m. nap ala.” sabi ko.

“Sige. Tara, hatid na kita.”

“Sige. Ikaw bahala.”

Naglakad-lakad kami ni Terrence, ay hindi pala ni Terrence, ni Mavy papunta sa bahay namin. Malapit lang naman eh.

“Salamat Mavy. Bye. Ingat ka,ha.” Sabi ko.

“Sige. Bye. See you bukas Cindy.” Sabi niya at kanina pang nagtatago ng ngiti.

Pumasok na ako ng bahay. Asan kaya si Terrence? Nagpalit ako ng damit. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa labas ng bahay nina Terrence.

“Terrence?” sigaw ko.

Nagdoor bell ako ng paulit-ulit sa gate nila Terrence.

“Terrence? Si Cindy ito.” Sigaw ko ulit.

Bumukas yung  pintuan nila Terrence.

“Salamat naman at andito na si…”

Si manang pala. Yung yaya nila.

“Asan po si Terrence?” tanong ko.

“Ah. Umalis sila Cindy. Pumunta ng England. Nagkasakit daw kasi yung lolo niya na naroon sa England eh. Dalawang weeks daw sila bago babalik.” Sabi ni manang.

“Ano!?” sabi ko. Nakakabigla naman kasi. Di man lang nagpaalam si Terrence.

“Sorry po. Sige po, salamat.” Sabi ko.

Bumalik na ako ng bahay. Nakakainis naman si Terrence. Hindi man lang nagpaalam. Di ako sanay na wala siya. Sana ayos lang yung lolo niya. Hmm. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Terrence. Pero nakailang call na ako, di naman niya sinasagot. Bahala nga siya.

Ang Soulmate Kong BampiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon