Chapter 1

802 33 0
                                    

Chapter 1

Cindy POV

Friday evening ngayon, last Friday ng summer. Kasi sa Monday, may pasok na at 4th year high school na kami. YIPEE! 11:45 p.m. na nga eh, hindi pa rin ako natutulog pati itong bestfriend kong si Terrence. Wala kaming balak matulog. Wala lang trip namin. HAHAHA. Ang bahay nila Terrence sa tapat lang naman ng bahay namin kaya okay lang yan. Foodtrip kami ngayon ni Terrence. Enjoy nga. hihi. Tulog na sila mommy tapos daddy. Nagkakilala kami ni Terrence noong lumipat kami ng family ko ng bahay dito noong 5 years old pa lang ako. Si Terrence 15 na rin kagaya ko. Mas matanda lang siya saakin ng 2 months.

“Cindy, busog na busog na ko kakakain. hahaha. tingnan mo tong tiyan ko, ang laki na. hahaha” sabi niya sabay pakita ng kanyang tiyan.

Ewan ko dito, may tama siguro to sa ulo. hahaha.

“Hahaha. Ikaw kasi, ang takaw takaw mo!” sagot ko.

"Hindi kaya" belat niya.

*knock* *knock* *knock*

Nasa sala kami at may biglang kumatok sa pintuan.

“Sino po yan?” tanong ko.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng...

“Uyy Cindy wag mong bubuksan. Baka magnanakaw yan.” Kaagad na pigil sakin ni Terrence.

*knock* *knock* *knock*

Kumatok na naman. Pano naman ito nakapasok ng gate namin?

“Sino nga po yan?” tanong ko ulit.

*knock* *knock* *knock*

“Sino po ba yan?” tanong ni Terrence.

Natandaan ko si kuya Mike pala lumabas ng bahay kani-kanina. Pero doon siya sa likod lumabas. Sinarahan ko yung pintuan sa likod pero di ko naman ni-lock.

“Kuya Mike, ikaw ba yan?” tanong ko.

Hindi naman sumagot. Instead, kumatok ulit ng tatlong beses.

“Doon ka sa likod dumaan. Nakalock na dito ang pintuan.” sabi ko.

*knock* *knock* *knock*

Binuksan ko yung bintana namin ng kaunti, yung malapit sa pintuan.

“Uyy kuya Mike, sa likod ka na lang dumaan.”

Tapos sinarahaan ko kaagad. Di ko naman kasi nakita si kuya Mike eh.

Biglang tumahimik. Hindi pa rin pumapasok ng bahay si kuya Mike. Natakot ako bigla. Binuksan ko yung pintuan kahit naka-lock na sana. Wala namang tao. Sinarahan ko kaagad. Tapos may kumatok na naman.

“Ano ba yan. Bahala ka nga.” Sabi ko.

Tiningnan lang ako ni Terrence. Tapos biglang nagtahulan ang mga aso sa labas. May narinig din kaming sound pataas. Whaaat!? Napaka-creepy naman. Pumasok si kuya Mike ng bahay mula sa pintuan namin sa likod.

 “Papasok ka rin lang pala kuya, nangtatakot ka pa.” sabi ko kay kuya.

“Huh? Ano bang pinagsasabi mo?” sagot niya.

“Kakatok katok ka pa nga eh.”

“Hindi ako yun. Galing ako sa likod. Tiningnan ko si Macky.”

Si Macky, yung aso namin.

“Oo nga po kuya. Katok ka ng katok.” Sabi naman ni Terrence.

“Hindi nga ako yun. Bahala nga kayo. Pahingi nga.” Sabi ni kuya habang kumukuha ng isang piraso sa pizza namin.

“Sino pala,yung soulmate kong bampira?” biro ko.

“Hahaha.” tumawa si Terrence.

“Ewan ko sainyo. Matutulog na ko! Matulog na rin kayo. Good Night.” Sabi ni kuya.

Umakyat na si kuya para matulog.

Hmm. Napaka-creepy talaga. Sino yung kumatok. Nakakainis naman ni kuya oh. Nangtatakot pa.

“Hoy Cindy, ba’t ka tulala?” sabi ni Terrence tapos tinulak ako.

“Ano ka ba Terrence. Wala, iniisip ko lang yung Soulmate kong Bampira. Hahaha!” Biro ko ulit.

“Haha. Ako kaya Soulmate mo.” Sabi niya tapos nag- tounge out saakin.

“Ewan ko sayo Terrence.”

Imagination ko lang naman ang bampira na yan. Bigla na lang lumabas sa bibig ko. Mahilig kasi ako sa mga movies about vampires. Kumain na lang kami ulit ni Terrence at nagkwentuhan hanggang sa mag 3 o’clock na ng umaga.

“Antok na ako, Cindy.”

“Talo pala kita eh. Ako hindi pa. Sige na nga matulog ka na. Sama ka saakin.”

Pumunta kami sa taas.

“Oh dito ka na matulog. Sarilihin mo muna yan.” Sabi ko.

“Sige. Good night, Cindy. matulog ka na rin ha.”

“Sige, Good Night. Ikaw din.”

*BLUG*

May narinig kami bigla na parang nahulog sa taas.

“Ano yun?” tanong ko.

“Wala yan. Matulog ka na lang.” sabi naman ni Terrence.

Pumasok na siya sa isang kwarto tapos ako naman pumunta na sa kwarto ko, ni-lock ko yung pintuan at nahiga.

Ang Soulmate Kong BampiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon