Chapter 12

323 19 2
                                    

Chapter 12

Cindy POV

Pagkapasok ko ng bahay wala pa sila mommy at daddy. Busy sila sa work eh. Si kuya Mike naman ito, busy, may ginagawa sa laptop niya. Hindi ko na lang guguluhin. Hindi niya ako nakita kaya naman pupunta na sana ako sa taas. One step sa hagdan…

“Psst! Hindi mo ba ako nakita? Bakit late ka na?”

Bigla akong lumingon kay kuya Mike at kinindatan siya.

“Hihi. Sorry kuya. Busy ka kasi eh. Errm. May mga reports po akong tinapos sa school.”

“Halika nga dito.”

Lumapit ako sakanya. Pero ang ginawa lang naman niya saakin ay ginulo ang buhok ko.

“Haha.ikaw talaga. Siya, sige na. akyat ka na.” sabi niya.

“Hihi. Tse ka kuya. Ginulo mo buhok ko. Sige. Akyat muna ako.”

May pasuspense suspense pa yung boses niya ah. Akala ko papagalitan na ako. -_-

“Baba ka kaagad ah. Sabay na tayong kumain. Nakapagluto na ako. Wala pa sila mommy eh.”

“Sige po.” Hihi. Astig ng kuya ko. Masarap yan magluto. Kaya naman pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis. Kanina ko pa napapansin na parang may kulang saakin. Hmm. ewan ba. Napatingin ako sa gamit ko. Parang wala naman ah. Hay naku, makakain na nga. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto ko ng may natandaan ako.

“Oo nga! Yung libro. Yung libro na bigay ni Mavy. Oh jeez. Nalimutan kong pulutin ng nadapa ako. Saan kaya yun tumilapon? Huhu naman.”

Maaga ako bukas na pupunta sa school. Kailangan kong mahanap yun. Naku naman kasi yung creepy voice na yun. :3

Bumaba rin ako kaagad at kumain kasama si kuya Mike. Sarap ng pagkain. Si kuya nagluto eh. ^__^

Morning---

Cindy POV

“Eojjeoda ireoke neoreul mannasseulkka museun inyeoninji

Neol bomyeon bolsurok gaseumi ttwineun ge isanghaejyeo

Sarangilkka nega neomu johajyeo durudururup

Geudaeneun ireon nae mameul algo isseulkka”

 Hay! Napakaaga pa. :3 sinara ko yung alarm ko sa phone ko. Ang ganda ng song. Two as one by lyn. ^_^ Hindi ko pa pala nasasabi, may lahing Koreana ako. Si daddy kasi pure Korean. Kaya nakakaintindi ako ng Korean language. Errm. 4 a.m. pa lang. Medyo matagal kasi ako magasikaso kaya maaga ako gumigising. Tsaka nga di ba? Hahanapin ko pa yung book. Baka kasi may makapulot na iba. Sana wala naman. Nagasikaso na ako kaagad and I’m already done pagsapit ng 5:30 a.m. Nakapagbreakfast na rin ako with mommy, daddy and kuya Mike.

“Mommy? Pupunta na po ako sa school.” Paalam ko.

“Ok. Get inside the car. Ihahatid ka na namin ng dad mo.” Sabi ni mom.

“Why so early, anak?” tanong ni daddy.

“Errm. I missed my book dad and I have to search for it.”

“Ok, sweetie.”

Sumakay ako ng car namin at sumabay na kila mommy. Maaga kasing umaalis sila mommy para magtrabaho. Malapit lang yung school kaya bumaba rin kaagad ako.

“Bye mom, dad. Love you po.”

“Ok, bye. Take care.” Sabi nila.

 Pumasok ako ng school. Wala pang mga students. Medyo creepy ulit pero mas ayos na rin kasi masmadali kong mahahanap yung book. Naglakad lakad ako at tumingin tingin sa mga tabi tabi. Hindi ko nakita kaya dumiretso na ako sa 1st floor kung saan ako nadapa. Urggh. Nakakainis naman tingnan ang place na to. Malas kasi eh.

Ang Soulmate Kong BampiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon