Chapter 7

408 23 1
                                    

Chapter 7

Terrence POV

Pauwi na kami ngayon ng pilipinas. Sa wakas, makikita ko na rin ang makulit na si Cindy. Matapos namin magpaalam kay lolo, dumiretso muna kami ng mall. May binili kasi sila mommy eh. Tapos may nakita akong napaka-cute na dalawang magkapartner na teddy bear at binili ko. Ibibigay ko yung isa kay Cindy. Medyo maliit lang naman. Pakatapos ay dumiretso na kami ng airport. Sa loob ng plane, hindi pala sila mommy ang makakatabi ko. Hmm. Nakaupo ako ngayon sa likuran nila. Nasa may bintana ako at nakatingin sa labas.

“Excuse me?”

Tiningnan ko kung sino yung nagsalita, nganga.

Cindy POV

Excited na ako. Pauwi na kasi ngayon sila Terrence. Anong oras kaya ang flight nila? Sunday pala ngayon.

Ibig sabihin walang pasok. Pumunta na ako ng simbahan kaninang umaga at nag-attend ng mass. 6 p.m na ngayon at nakabukas ang aking mga bintana sa kwarto. Inaabangan ko kasi pagdating nila Terrence.

*tick* *tack* *tick* *tack*

7 p.m. na wala pa rin sila. Bumaba muna ako at kumain ng dinner tapos bumalik lang kaagad sa may bintana ng kwarto ko.

*tick* *tack* *tick* *tack*

8 p.m. na…

9 p.m…

*yawn*

10 p.m…

Sumasarado na yung mga mata ko. Nakaupo pa rin ako sa may bintana. Hinihintay ko si Terrence.

Mavy POV

Simula pa ako kaninang 8 p.m. dito sa labas ng bahay nila Cindy. Nakaupo ako sa kahoy malapit sa kwarto niya. Ba’t kaya tatlong oras na siya nakatunganga diyan sa may bintana niya? Parang may hinahantay siya eh. Napakaganda talaga ng prinsesa ko. Maya maya’y namamalayan ko tulala na pala ako sakanya at nakangiti. 10:30 p.m. na ngayon at nakatulog na siya sa may bintana niya. Lalapitan ko sana siya, kaso baka may makakita saakin.

Cindy POV

“Anu ba yan.”

Nagising ako ng may pumatak sa mukha ko. Umuulan pala. Anong oras na ba? Tiningnan ko yung relo ko.

“11 p.m. na!?”

Naku nakatulog ako ng isang oras. Tiningnan ko yung bahay nila Terrence na katapat lang ng bahay namin, parang wala pa rin sila. Sabi niya 10 days lang naman ha. Hmm. Malakas yung buhos ng ulan. Sinarahan ko na yung bintana ko at sinara na rin ang ilaw. Nahiga ako sa kama ko at binuksan yung lamp ko.

“Oo, bukas ko na lang sasalubungin si Terrence.”

Mavy POV

Giniginaw ako. Bigla kasing bumuhos ang ulan. Sinarado ni Cindy yung bintana niya at ang ilaw. Alam kong safe na siya kaya umalis na ako. Habang tumatakbo ako, nadadapa ako. Ginaw na ginaw kasi ako dahil sa ulan. Naluha nga ako eh. Pagdating ko ng palasyo namin, basang-basa ako ng ulan, kahit napakabilis kong tumakbo.

“Shawn? Bakit ngayon ka lang,anak?” tanong ni dad. “at tsaka bakit basang-basa ka at may mga sugat?”

“Sorry po,dad. Umulan po kasi sa labas, nadapa ako ng tumatakbo ako sa sobrang ginaw.” Sagot ko.

“Pinayagan kitang lumabas at makapag-aral kasama ang mga mortal na tao pero mag-ingat ka naman, ha.” Sabi niya.

“Opo, dad.”

“Sige, magpalit kana at magpainit.”

“Sige po.”

“Zii! Paghanda niyo ng pagkain si Shawn at tsaka gamutin ang mga sugat.” Utos ni dad.

Ang Soulmate Kong BampiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon