Chapter 18

258 19 0
                                    

Cindy POV

Inunahan ko na si Terrence. Kung anu-ano kasi sinasabi eh.

Pero, bigla na lang may pumatak sa katawan ko. I open my right hand at may pumatak na tubig-ulan. Napatinggin ako sa taas at bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Mainit naman kanina ah. Ba't bigla na lang umulan? Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at pinagmasdan na lamang ng mga mata ko yung mga students habang nagsisitakbuhan. Teka, si Terrence?

Tumingin ako sa likuran ko. Hindi gumagalaw si Terrence sa kinatatayuan niya. Bawal pala siya maulan. May singing event pa siya next week.

"TE--" tatawagin ko na sana siya ng biglang may humigit sa kamay ko mula sa likuran ko. Yung pagkakahigit niya medyo malakas kaya napaharap ako sakanya... ng nakapikit. Idinilat ko kaagad ang aking mata.

"Ay unggoy." bigla kong nasabi. Medyo mahina lang.

Nabigla kasi ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. kyaah! >//<

"Ma--" hindi ko naituloy ang pagbigkas ng kanyang pangalan.

"Wag mo akong tatawaging unggoy. -_- Gwapo naman ako, ah. Teka nga lang. Balak mo bang magkasakit? Umuulan na nga di ka pa naghahanap ng masisilungan. Tss." pinagsabihan ako ni Mavy. Daig pa ang mommy ko kung pagsabihan ako. Pero, mahangin pa rin siya. Kaya pala umuulan. Tss.

"Teka lang nga. Si Terrence." kaagad kong sagot.

"Si Terrence? Siya pa iniisip mo? Tingnan mo nga bestfriend mo." sabi niya.

Huh?

Tumingin ako sa likuran ko. Sino siya? May pumapayong kay Terrence. Ngayon ko lang nakita yung babae na yun. Yung mukha ni Terrence parang nabigla. Anu ba talaga nangyayare? Kilala siya ni Terrence?

"Oh. anu, Ok na. Tara na nga." -Mavy, at bigla na lang hinawakan ang kamay ko at tumakbo.

"Hoy!" "Aba, Saan naman tayo pupunta. Teka nga, si Terrence."

Di niya naman ako pinakikingan. Tss. ><

Maghawak ang kamay namin habang tumatakbo.

"Bilisan mo naman. Bagal mo talaga tumakbo."

"Kasalanan ko bang bigla ka na lang sumusulpot."

Di na siya nagsalita pa. Basang-basa na kami. Napakalakas talaga ng ulan eh.

Binitawan niya na ang kamay ko pero tuloy pa rin kami sa pagtakbo.Nakatinggin lang ako sa baba. Sinusundan ko lang ang takbo niya. Bigla siyang huminto kaya nakatama ako sa likuran niya.

"ARAY!" sabay pa kami.

Napahawak ako sa noo ko habang siya, nakahawak sa may likuran niya at yung mukha niya parang nasaktan. Epss, sorry. Di ko sinasadya. Hihihi. Masakit din naman sa noo, ah.

"Ehmm, sorry. Di ko sinasadya." sabi ko.

"Ah. Hindi, ayos lang ako." sagot niya.

Kita namang hindi siya ok eh. Malakas kasi yung pagkakatama ko sakanya. Yung tipong mapapasubsob na sana siya. Ermm, sorry talaga Mavy. *peace sign* Kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya at may tinawagan.

"Yes."

"Sa labas po."

"Uhmm."

"Uhmm. Thank you. Pakibilisan niyo na lang ho."

"Ok." -siya

Sino ang tinawagan niya? o_O

Moment of silence. Di kasi siya nagsasalita eh. Awkward naman.

Ang Soulmate Kong BampiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon