Chapter 8

403 24 0
                                    

Chapter 8

Cindy POV

Tapos na yung class namin ngayong Monday. Si Mavy naman, parang puyat na puyat kanina. Tulog lang siya sa lahat ng subjects namin ngayon. Mabuti nga yun eh. Tahimik ang araw ko. Kasi parang araw araw na lang siyang gandang gandang asarin at pagtripan ako. Naglabasan na lahat ng classmates namin. Siya parang natutulog pa rin.

“Mavy?” *poke*

“Mavy? Uwian na.” *poke ulit*

“Bahala ka nga diyan. Uuwi na ako.”

Lumabas ako ng room. Naglalakad ako sa may side ng pagkalaki-laki naming ballground. Pauwi na ako. Dito ako dumaan  kasi presko dito, marami kasing puno. Syempre loner pa rin ako kasi wala pa si Terrence. May mga naglalaro ng soccer dito sa ballground. Hmm. Bakit parang iba ang ihip ng hangin? Parang may sumusunod saakin at parang may mangyayaring hindi maganda? Tumingin ako sa likuran ko pero wala namang nakasunod saakin. Napaka-weird naman. Naglakad na lang ulit ako.

“CINDY!!!”

Napahinto ako sa paglalakad ng may biglang tumawag saakin mula sa likuran. Titingnan ko sana kung sino ng biglang..

*boogsh*

“Aray!”sigaw ko.

Natamaan lang naman po ako ng bola sa ulo ng mga naglalaro ng soccer. Aray naman. Napakalakas ng tama. Napayuko na lang ako habang nakaupo sa gilid ng ballground at nakahawak sa aking ulo.

“Cindy? Ayos ka lang?”

Teka, teka, sino ba to? Kung hindi niya ako tinawag eh di hindi sana ako hihinto at hindi ako matatamaan ng bola. Teka, kilala ko ang boses na to ah. Tiningnan ko kung sino.

“Ay unggoy!” bigla kong nasabi. siya nga! Akala ko ba tulog itong unggoy na to.

“Unggoy? Sa gwapo kong ito, unggoy?” sabi niya.

“Kapal mo talaga. Mahangin! Sobra. Baka magbagsakan yung mga puno!”

“Hihi. Sorry sinasabi ko lang ang totoo na, GWAPO ako.” Sabi niya at may matching kindat kindat pa.

“Urggh! Ikaw na unggoy ka! Alam mo ang malas ko talaga sa tuwing nariyan ka. Sana di mo na lang ako tinawag para nakapaglakad ako paunahan at hindi ako natamaan ng bola. Ha!” sigaw ko sa kanya.

“Hindi ko naman sinasadya. Sorry, ayan sorry na, halika ka, tayo na.” sabi niya habang ino-offer ang kamay niya.

“Ewan ko sayo. Tayo na? feeling mo! Alis nga.” tinabig ko yung kamay niya at tumayo. Kaya ko kaya tumayo ng mag-isa. Tsk!

“Cindy? Uyy. Sorry na.” tingnan mo naman. Marunong din pala magsorry itong unggoy na to. Haha. Akalain mo, may puso rin pala. Moody nga lang. -_-

At dahil pansin ko na pinagtritripan niya lang naman ako all those days na wala si Terrence, Haha. *evil grin* ako naman ang mangtitrip ngayon. Hahaha.

Pero not now. Kasi kailangan ko nang umuwi. Syempre hindi ko tatanggapin ang sorry niya. Kasi pagtinanggap ko, eh baka asarin na naman ulit ako. Kapag hindi ko tinangap eh di iisipan niyang galit ako sakanya. Bwahihihi. Wait nga lang, aalis na ako at may bibilhin pa akong libro sa mall. Pinapabili ni teacher Tin, English teacher namin.

“Ewan ko sayo. Alis nga diyan, uuwi na ako.”

“Ah, hatid na kita?”

“Ayoko. Mamaya niyan pati sa daan malasin pa ko.”

“Grabe ka naman.”

“Ah. Eh, sorry, hindi naman. Pero alis kasi! Galit ako sayo. Alis.” At tiningnan ko siya ng mga nanlilisik kong mga mata.

Ang Soulmate Kong BampiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon