Uno:

329 23 0
                                    

I am still striving to become a better writer. I am writing out of passion, so please bear with me.


Uno.


I v a n o v i c h
   M a t t h e w
      S u p a m a c h o



“Brother Matthew, sigurado kana ba sa desisyon mo?”

I sighed before facing at my math prof. It was his 7th question for this day.

“Yes po, sure na po.” — sagot ko ng may sapat na pag galang.

Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya na para bang hindi sang'ayon sa sinabi ko.


“Sayang naman ang tinapos mong kurso kung magpapatuloy ka sa pagpapari.” — aniya atsaka sinipat ako mula ulo hanggang paa.

Ngiti lamang ang sinagot ko. “Bakit po prof? Being a priest is my greatest dream. Ang tagal kong inintay na makapag-tapos para tuluyan nang makapasok sa seminaryo.. and now that I already have a college degree, malaya ko nang magagawa ang gusto ko — ang mag silbi sa Diyos.”

I am smiling as I say those words. Pakiramdam ko ay may kung anong tuwa ang namumuo sa puso ko sa katotohanang pagsisilbihan ko ang Diyos sa loob ng simbahan.

Since I was young, it has already been my dream to become a priest. I joined a lot of religious organizations and taught catechisms to the less fortunate. I am an active preacher in our church that's why a lot of people calls me Brother Matthew. Mark the respect.

“Buti hindi tutol ang mga magulang mo?” — tanong niya, bakas parin ang panghihinayang.

Suportado po nila ako.” — nakangiti kong sagot.

“Hindi madali ang pagpapari ijo, baka nadadala ka lang.” — wika niya na huminto pa sa paglalakad dahilan para mapahinto rin ako. “Nakita kitang lumaki sa loob ng paaralang 'to, Matthew.. and I know that you're aware that this is an all boys school. Bukod sa mama at mga lola mo ay hindi ka naging malapit sa ibang babae simula pagkabata. You never had a female friend since lahat ng mga estudyante at propesor sa school na 'to ay puros lalaki.” — mahabang paliwanag niya, hindi ko mawari ang pinupunto.

I stared at him with confusions. Professor Jethro, age 62, is one of my favourite prof. Sa lahat ata ng bagay na ikinalilito ko ay sa kanya ako humihingi ng payo.

“What I'm pointing out is.. you never enjoyed your teenage years. You never hanged out with your friends and go bar hoppings. You never dated any girls since the past 23 years.” — he continued. “Bata ka pa, Matthew. Bente-tres kapa lamang. Ngayong graduate kana sa kursong business management, paglabas mo ay haharapin mo na ang totoong hamon ng mundo kung saan talamak ang temtasyon.. In your case who doesn't have tasted any sins yet, baka mabigla ka sa mga katotohanan at kasalanang ipapakita sa iyo ng mundo.”

“Pero gusto ko pong mag pari.” — mahinahon kong sambit, tila nanghihinayang sa kanyang pag-kontra.

“Wala namang nagpipigil sa iyong gawin 'yan ijo. Ang akin lang, bakit hindi mo muna bigyan ng chance ang sarili mo na makita ang totoong hamon ng mundo? Enjoy your life for awhile. Tansyahin mo ang sarili mo kung pagpapari ba talaga ang sinisigaw ng puso mo. Dahil sa oras na makapasok ka sa seminaryo, wala nang atrasan yan. Eh paano kung habang nasa seminaryo ka ay makita mo ang babaeng para sayo? Masisira ang lahat ng plano mo.” — he answered.




Saddest AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon