Cinco:
Mabilis kong sinundan ang babae habang nangungunot ang noo. Hindi tama ang ginawa niya! He just disrespected Mr. Teñoso!
“Hey miss!” — I called her attention with enough authority, pero hindi siya noon natinag. I know that she heard me clearly dahil kaming dalawa lang naman ang naglalakad sa hallway. “Miss!”
Nag patuloy siya sa paglalakad ng may mabibigat na hakbang. Her baggy clothes are swaying at the wind, making her petite body emphasized.
“Miss! Stop right there!” — malakas kong wika.
Suminghal ako ng malakas dahil sa inis ng muli ay hindi siya huminto.
“Miss! I said stop right ther--”
“Eh kung hatawin kita nitong skateboard ko?”
Mabilis akong natigilan ng sambitin niya iyon ng walang lingon-lingon. Her voice was soft, but so serious. Bigla akong natakot sa katotohanang baka hatawin niya nga ako ng skateboard na hawak niya.
I gulped hard.
“Hehe, it's a prank!” — mabilis niyang wika at nilingon ako. “Bakit ba?”
Halos matigilan ako sa paghinga dahil sa pagbabago ng mood niyang iyon. Parang kanina lang ay nagagalit siya, tapos ngayon ay nagbibiro na siya ng ganito. Pambihirang nilalang.
“W-why did you do that?” — tanong ko, di pa naiwasang mautal.
“Yung alin?” — she casually asked na para bang hindi nangyari ang mga kaganapan kani-kanina lang.
“Y-yung sa canteen kanina.” — I bit my lips when I stuttered again.
How does this girl, so little, intimidate me bigtime?
“Ah 'yon ba? Wala hehe, trip lang.” — usal niya atsaka humagikhik sa pagtawa. “Break it down.” — at iyon nanaman ang kanyang signature pose.
Hesucristo!
Naikunot ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. So, nagbigay siya ng punishment kanina dahil lang sa natripan niya?
“Ang lakas ng topak mong babae ka.” — mahinang wika ko na mabilis naman niyang ikinatawa.
Walang emosyon akong tumitig sa kanya habang siya ay halos maubusan na ng hangin sa kakatawa. Ano bang nakakatawa? God! This woman is weird.
“Pasensiya na, tarantado talaga 'ko nito minsan.” — wika niya atsaka ngumiti ng matamis.
Hindi ako naka-imik at napabuntong-hininga nalang. Pasimple ko pang nakamot ang aking noo dahil sa kanyang kakaibang trip.
I remained silent as she continued to walk, not minding my presence. Nalilito naman akong sumunod sa kanya sa mabagal na paraan.
Nagtataka akong nag-angat ng tingin ng makarating kami sa harap ng principal's office at pumasok siya roon ng walang katok-katok.
“Herbs!” — malakas niyang wika na muling nakapagpamaang ng aking labi.
Herbs? He called our reputed principal as Herbs?!
“Jusko Jo! Kahit kailan talaga nakakagulat ka!” — bulyaw ng matanda sa loob ng opisina.
Dahil sa nakabukas na pinto ay naging malaya sa akin ang marinig ng maayos ang takbo ng usapan nila.
BINABASA MO ANG
Saddest Afterglow
Non-FictionSa istorya ng isang epitomya ng binatang filipino at isang babaeng gustong gawin lahat ng kasalanan sa mundo, susugal kaba? (Supamacho series #2) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved