Joyeux – Joyuks
Siete:
Ang matayog na sikat ng araw ang gumising sa akin kinabukasan. Everything happened so fast.. just as fast like a moving car. Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos ang insidente ng aking pagkahulog sa bike, at sa dalawang linggong iyon ay hindi ko na ulit nakita si Joyeux.
I don't know what to feel about it actually. I feel like it's a bit unfair on my side. Pagkagising ko sa ospital kinabukasan ay wala na siya. Ang tanging andoon lang ay si professor Jethro. He was the one who guided me home kaya naman sa bahay ako ng aking mga magulang umuwi habang nagpapagaling. They were worried and it's normal.
Sa dalawang linggong iyon, hinayaan ako ni principal Herbert na hindi muna magturo para makapag-pahinga. He gave me a 3-week leave. Isang linggo pa bago ako muling makapasok sa trabaho.
I checked my phone before I stood up from the bed. Hindi ko iyon masyadong ginagawa, but then a sudden hope is emerging on my insides. The thought of Joyeux texting me one day is what I am thinking right now...
Napaka-unfair naman kasi noon. Nagising ako nang wala na siya. Hindi manlang nagsabi o nagpaalam. Well, maybe she's at her boyfriend? Mon? Probably busy with him? Hindi ko manlang nakita kahit ang anino niya lalo na noong tatlong araw pa muna akong nanatili sa aking dormitoryo bago umuwi sa aking parents.
Hindi niya ba alam yung daan papunta sa dorm ko? Hindi niya ba alam na nakauwi na 'ko mula sa ospital?
I sighed with my thoughts. This is hard. Really really hard.. and now I am thinking that she would at least text me kahit napaka-imposible niyon dahil una sa lahat, wala naman siyang numero ko. Ano nga ba ang iniintay ko? Bakit ko siya iniintay? Bakit pakiramdam ko kailangan niyang mag explain? Saan naman siya mag-eexplain? Maybe sa akin, kasi iniwan niya ako sa ospital. Yeah. That's it.
Natanggal na ang benda sa aking paa at nakakalakad na rin ako. The doctor told me that I can already work, but my parents insisted me to rest. Sabi nila ay tapusin ko nalang daw ang tatlong linggong pahinga na binigay sa akin ng principal bago bumalik sa trabaho, and I agreed.
Mabilis akong bumaba para makapag-almusal. Another boring day went by. My parents will work kaya maiiwan ako sa aking mga lolo at lola. They are old and need lots of time to rest.
Our routine goes that way everyday. Sabay-sabay kaming mag-aalmusal bago umalis ang aking mga magulang, at ang susunod na meal na magsasabay-sabay ulit kami ay sa gabi na. They are so busy, but I understand.
“Lola Jayda?” — I called my lola's attention when I got real bored one afternoon.
Kasalukuyan siya ngayong nasa garden at nagdidilig.
“Yes Matty?” — nakangiti niyang tanong.
Lumapit ako sa kanya at marahang yumakap.
“Bibisitahin ko po si Matmat ngayon, gusto mo po bang sumama?” — tanong ko. Nitong mga nakaraang araw kasi na binibisita nila si Matmat ay hindi ako nakakasama dahil sa aking sitwasyon.
“Naku apo, may darating kaming mga bisita eh. Hindi muna kami makakasama ngayon.”
I nodded at her. Ilang saglit pa kaming nag-usap hanggang sa malaman kong ngayon nga pala bibisita ang iilan sa mga matatandang business partners nila. They'll probably can't come with me.
It's already 4:30 in the afternoon when I decided to move my way out. Hindi ko na inabala sina lola at nag commute nalang papunta sa aking pupuntahan. I am not used of commuting in any public transportation kaya naman kapag ginagawa ko iyon ay nagtataxi or nagga-grab lang ako. By that, I'll be alone.
BINABASA MO ANG
Saddest Afterglow
Non-FictionSa istorya ng isang epitomya ng binatang filipino at isang babaeng gustong gawin lahat ng kasalanan sa mundo, susugal kaba? (Supamacho series #2) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved