Ocho:

132 18 0
                                    

Ocho:


Buong gabi akong hindi pinatulog ng pag-iisip. I always contradict to any guy's opinion saying that girls are hard to comprehend. Para kasi sa akin ay ang lahat ng tao madaling maintindihan kung sisikapin. But now, I really don't know. I think I now agree on that. Mahirap nga pala talagang maintindihan ang mga babae.

Sabado na ngayon at simula pa kagabi hindi na mabilang kung ilang beses kong sinilip ang aking cellphone para lang icheck kung may text na ba siya. How dare her ask for my number and not even text me? Ang sabi ko naman ay sisikapin kong magreply sa kanya, so bakit hindi parin siya nagtetext?

Napabusangot ako sa pag-iisip. Hours went by and silence became my best company. Bukod sa pagdadasal at pagbabasa ng bibliya ay wala na akong ibang ginawa maghapon.

I isolated myself until the next thing I knew was it's already nearing dusk. Maya-maya ay uuwi na sina mama. My lolas are for sure preparing a dinner already.

I checked my phone once again. Walang kabuhay-buhay iyon. I don't have any social media accounts kaya naman bukod sa bible app ay wala na itong ibang laman. I once tried to download games but I'm not really fond of it.

Napabuntong-hininga ako. The darkness outside is slowly invading the spaces of my room. Mula sa bukas na veranda ng aking kwarto ay nakarinig ako ng sasakyan, an indication that my parents are already here.

Just like the usual, they will go to my room to greet me then sabay-sabay kaming magdadasal ng rosary for 6:00 pm prayer at tuloy-tuloy na iyon hanggang dinner.

My parents are quite busy kaya naman kailangan nilang magpahinga ng maaga, making me left alone again.

Sa ganoong paraan tumakbo ang oras. Tahimik at payapa. Dati rati ay ayos lang iyon sa akin. Usually after we had dinner, I will just sleep. But now seemed to be different. Pakiramdam ko ang lungkot.. parang may kulang.

Like a whirling wind, my decision came that fast. Huli na ng mapagtanto kong tinatawagan ko na pala si principal Herbert para sa isang napakahalagang impormasyon.

“B-brother Matthew..” — he stuttered in the line, halatang nagulat sa biglaan kong pagtawag. "Napatawag ka? It's already late."

Mabilis akong napatingin sa aking relos at napapikit ng mariin ng makitang 10:25 na pala ng gabi. Nakagat ko pa ang labi ko ng makaramdam ng konting hiya. Bakit nga ba hindi ko nalang ipinagpabukas ang usaping ito?

"U-uhm.. Hi." — iyon lang ang nasabi ko.

I don't know what to say next. I don't have any plans in my mind. Ang tanging gusto ko lang gawin ay ang mahinge ang number ni Jo mula sa kanya. But now that shame is invading my system, para akong naduduwag.

"Uhm, sorry. Wrong dial."

Sa huli ay iyon ang nasabi ko. Naduwag ako.. nahiya. Pakiramdam ko napakababaw na rason ang tumawag ng dis oras ng gabi para lang manghinge ng numero ng isang taong... nakalimutan atang itext ako.

Kasabay ng pagbaba ko sa linya ng tawag ay ang pagbaon ko ng aking mukha sa unan.

Nabibilang lang sa kamay ko ang mga katangahang aking nagawa, at isa ang pagtawag ko kay principal sa mga iyon.

Like how the hands of the clock slowly move, I felt how my body and soul seemed to drift apart. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Para akong naiinis na hindi.. parang gustong magalit na hindi. Ewan.

"Simpleng text lang eh." — bulong ko. "Magrereply naman ako." — tunog naghihimaktol na bata.

Pasadya kong binilang ang bawat segundong dumaraan sa orasan, hanggang sa bigla akong natigilan ng marinig ang pagtunog ng aking telepono.

Saddest AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon