Onse:

84 15 0
                                    

Once:


She brought me to a place somewhere in BGC. Dito niya rin ako dinala noong minsan ko siyang nakita na mag DJ.

"What do you want? My treat." — she asked while looking at the menu.

Hindi ko maiwasan ang mahiya. Dapat ako itong nanlilibre since ako naman itong mas nakakatanda at may trabaho na.

Umorder ako ng pagkain at hindi na nakapagbigay ng reaksiyon nang siya ang nagbayad sa bill. We're currently having the lunch that she promised.

Napatingin ako sa buhok niya at pinagmasdan iyon saglit. May kulay. Kung tititigan ay parang totoo. Hindi ko akalaing wig lamang pala iyon.

"I just live nearby. Walking distance lang. Isa sa mga condo around the place. "— biglang usal niya kahit wala namang nagtatanong.

Tumango lamang ako at nagsimula nang kumain.

Her presence is making me uncomfortable, and yet heto ako't nakikipag-lunch sa kanya. There's something inside me that wants her out of my life, but at the same time, parang hindi ko kaya.

I recalled what just happened awhile ago and can't help myself to pucker my lips.

"18 ka lang?" — tanong ko ng walang pag-aalinlangan.

Mabilis siyang lumingon sa akin at marahang ngumiti. "Yeah." — she simply answered.

God! "Young." — I accidentally uttered that, halatang nagugulat.

She laughed and pinched the pick of my nose dahilan para iiwas ko ang aking mukha.

"Why? Is there something wrong with being 18?" — she asked, giving me an optimistic grin. "Ikaw? Ilang taon kana?"

I gulped at her reaction. Her expressions are too boyish for me, napaka-intimidating niyon.

"I am 23." — mahinang sagot ko. A sudden relief emerged in my chest as I didn't got to stutter. I guess I am improving then? Kinakabahan man ay hindi na ako nauutal kapag kaharap siya.

She nodded and smiled sweetly, nadala ako niyon at napangiti rin, pero agad ring napawi iyon dahil sa kanyang sinabi.

"Naks, kuya!" — wika niya at nag signature pose. "break it down!"

I puckered my lips again and just focused my attention to the food.

Kuya? Che!

Natapos ang aming tanghalian ng hindi ako nagsasalita. I just let her talk hanggang sa magsawa siya. Para bang bigla akong nawalan ng gana.

Hinatid niya ako sa school para sa aking panghapong klase, and just like the usual, she's walking with me again na para bang hinahatid niya ako papunta sa aking dormitoryo.

"Yung tae ko nung isang araw kulay green, share ko lang hehe." — biglang wika niya na mabilis ko namang ikinakunot ng noo. Bigla niya kasi iyong isiningit ng biglaan. "Diba sabi ko sayo iuupdate kita kapag may pagbabago sa tae ko?" — dugtong niya habang nagkakamot ng pisnge.

Natawa lamang ako at napailing. God knows how much I wanted to pinch her cheeks at this very moment.

"Hmm. Yung sakin yellow. Medyo matigas, constipated kasi ako hehe." — usal ko habang nagkakamot ng batok, medyo nahihiya.

"Putic! Ako naman may LBM. Solid." — sagot niya habang umiiling na para bang normal na topic lang iyon.

Another smile flashed on my cheeks. This kid is giving me an overwhelming feeling.

Saddest AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon