Doce:

103 15 0
                                    

I don't edit my works. :>

Doce:



Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng malapad nang makita si Joyeux na nag-aangas habang nag d-DJ. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong eksena, aangasan kana, matutuwa ka pa.

The audience roared as she dropped the beat. Tulad noong huli kong punta, may mga buttler ulit sa paligid upang bantayan ako, making it looks like I own a huge space inside the club.

Now, everything is in place. Pakiramdam ko ay protektadong-protektado ako mula sa mga tao na kahit noong nag banyo ako ay nahahawi talaga ang lahat ng kusa para sa espasyong kailangan ko.


“So, naka-ilan ako ngayon?” — tanong nito patungkol sa kinita niyang tip ngayong gabi habang sumimsim ng gatas na dekarton.

Kasalukuyan kami ngayong nasa gilid ng kalsado habang kumakain ng inorder namin kanina sa drive thru.

“150,000 ulit.” — sagot ko nang matapos bilangin ang pera.

She smiled cooly and removed her wig in a swift move. Bahagya pa akong nagulat ng sumimbwalat sa akin ang kalbong-kalbo at nangingintab biyang buhok.

“Sorry, ang kati e.” — wika niya at mabilis na kinamot ang tuktok ng kanyang ulo. “Putic, pakiramdam ko tuloy may dandruff ako hahaha.” — she laughed at that, and so do I. Nagkakadandruff ba ang kalbo? Hehe. Lokong babae 'to.

Mabilis siyang lumingon sa akin ng marinig ang aking pagtawa. I suddenly stopped at that, bigla akong nahiya.

“Ang cute mo pala no?” — mahinang wika niya sabay iwas ng tingin. “Ang cute mo palagi-lagi. Pero mas cute ka ngayon.”

I saw how her pale cheeks blushed. God. Di ako nakasagot.

“Kapag tumatawa ka ang cute mo. Hehehe.” — wika niya habang nakangiti.

“Uhm.. ikaw rin hehe. Mukha kang itlog.”

It was supposed to be a compliment, pero nang lumingon siya at bumusangot ay natigilan ako.

“Tarantado ka ah!” — Wika niya habang nakanguso. “Anong itlog yan ha?!”

My eyes dilated as I raised both of my hands for surrender. Did I offend her?

“I didn't mean to--” I was about to explain.

“Anong itlog sabi?” — pamumutol niya.

“Uhm..” — Hindi pa ako agad nakasagot. “Itlog ng ostrich.”

Ostrich. Yeah right. Kasing laki ng ulo niya yung itlog ng ostrich. Pero pwede rin naman yung itlog ng dinosaur.

“Phew!” — wika niya na para bang nakahinga ng maluwag, tumitig naman ako sa kaniya. “Buti naman itlog lang ng ostrich. Akala ko itlog ng tao eh.. hahahaha! Putic! Kinabahan ako.”

Ilang segundo muna ang lumipas bago ako makasabay sa kanyang pagtawa. Hindi ko kasi na-gets agad ang kanyang joke.

I laughed hard to the highest extent but when I realized that it was a dirty joke, I stopped. Mabilis rin akong nag sign of the cross. God!

Saddest AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon