C H A P T E R 26

1K 41 4
                                    

Nagliliyab na halik

MARGARETTE

"MA'AM, nandito po ang amiga niyong si Ma'am Claudette."

"What?" Iyon lang ang nasabi ko sa alipin ko habang binabasa ko iyong important documents ng mga board of directors na hindi ko naman naintindihan.

"Hi, amiga!" Pagtaas ko ng mukha ko, nagulat na lang ako nang biglang may yumakap sa'king babae na magara ang suot.

"Ack! Ano ba! Nasasakal ako!" sabi ko sa kanya kasi nakaipit ng mahigpit iyong braso niya sa leeg ko.

"Teka nga, sino ka ba!?" sigaw ko nung kumalas siya sa pagkakayakap sakin.

Ngumiti siya, tinanggal ang shades at kumurap-kurap.

Hi-nead to foot ko siya. Wavvy ang buhok niya, on fleak ang kilay, red lips, naka-animal print ang suot niyang coat jacket na pang-Korean, kita ang leegs, may suot na boots na may mataas na heels na sa pagkaka-alam ko ay kaisa-isahang boots na gawa ng LV sa buong mundo na alam kong nagkakahalaga ng milyones.

"Jusko!" Napaluhod ako habang nakatakip ng bibig dahil sa sobrang pagkagulat ko sa boots niya. How could she afford to buy that boots? Pinapangarap ko lang 'yan dati pero ayaw akong bilhan ni Henry kaya I envy this girl too much talaga.

"Ukay-ukay lang 'yan, tanga!" bulong niya kaso hindi ko narinig kasi occupied much ako ng thoughts ko.

"My Gosh girl, kahit hindi kita matandaan, amiga na kita ngayon! Beshyy!" Niyakap ko siya dahil sa sobrang happiness na nag-rush sa brain ko.

"Gosh Beshy, mukhang ang bata-bata mo pa rin hanggang ngayon ah! Ano 'yang mukha mo? Belo ba ang gumawa? Upo ka." Pina-upo ko siya at nakita kong patingin-tingin siya sa buong mansion ko.

"Saan 'yung third floor?"

"Ha?" Nawala 'yung ngiti ko noong tinanong niya kung saan ang third floor. Mayaman this girl pero tanga much. Saan ang third floor? E 'di nasa third floor. Tawa much ako. Dami tawa. LT much. Lol.

"Ikaw talaga amiga, you're so funny." Sabi ko sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Patingin-tingin pa rin sa loob ng mansion ko, parang may hinahanap. Pero 'di ko na napansin 'yung kagagahan niya kasi naka-focus ako sa boots niya.

"Gosh Amiga, magkano mong nabili 'yan?"

"Dalawa sengkwenta."

"Ha?" Nalito ako sa sagot niya.

"Ahh. Pares kasi 'to kaya dalawang sapatos. Isang sapatos, 25 million pesos. Eh sa dalawa, e 'di sengkwenta. 50 million."

"Ha? Ba't ang mura?" tanong ko. Ang alam ko kasi nasa 67 million 'yung dalawa. Mas mahal pa sa mansion namin. Baka fake? Gosh. Pero totoo talaga e, shet.

"Ok. E 'di, 1 billion. Masaya na?" tanong niya. Palinga-linga pa rin sa paligid.

"Hahahahaha. You're so funny talaga amiga. Uhm, amiga, tutal amiga naman tayo, pwede akin na lang 'yang boots mo?"

"Oh, eh 'di sayo na."

"Whaaat?" Halos lumabas ang eyeballs ko nang bigla niyang hinubad ang boots niya at itinapon niya sa haraan ko. Umiiyak ako habang tumatawa sa ginawang act of charity niya.

"Bye ma, alis na kami." Hindi ko na napansin 'yun anak kong si Santinielle at 'yung mga alipin kong nagwawala nang makita ang Five Fingers. Dahil sa sobrang happiness na nararadaman ko, at this very moment ay lutang na lutang ako. Clould 9 feels be like har har har.

"Hoy, Heaven! Saan kayo pupunta? Si Cheesy, nakalabas na ba? Ano na? Sisigaw na ba ako na 'MAYROONG BOMBA?', Hoy Heaven!"

Parang nagsalita 'yung amiga ko patungkol sa bomba kaya sinagot ko siya habang kilig na kilig akong nakayap sa boots na ibinigay niya. "Oo Amiga. Nagbo-bombahan ngayon sa Marawi para mamatay 'yung mga inutil na Maute. Salamat sa boots, amiga!"

Chasing the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon