C H A P T E R 47

899 46 4
                                    

A Picture that Paints a
Thousand Words

CHEESY

New day, new starting point.

Maaga akong nagpre-pare para ayusin ang sarili ko dahil isa iyon sa mga requirements ng training namin; ang maging maganda, mabango at maayos sa katawan.

Nag-make up ako ng light shade colors at sinuot ko 'yung best attire ko.

Color orange na blazer na pinaresan ko ng lame orange at iba pang shade of orange na terno pangbaba, pang inside dress at pati na ng high heels.

For the first time, nagmukha akong diwata lalo pa't hapit na hapit iyong buhok ko na nakapony-tail at parang dinilaan ng kalabaw sa kintab.

Pagdating ko sa Airline Company, napanganga iyong mga guards sa'kin at napagkamalan pa talaga akong V.I.P, kaya mahabang-mahaba iyong buhok ko noong pumasok ako.

Kaso ako naman 'yung napanganga kasi wala pang tao pagkarating ko roon sa training area.

Sabi ng isang staff sa'kin, dalawang oras daw akong napaaga.

Out of exhaustion, lumabas muna ako para makapaglakad-lakad. Gusto ko sanang tignan iyong mga demo planes sa take off area kaso bawal daw kasi intended lang daw 'yun para sa mga ganap na talagang attendants.

May mga coffee shop naman sa labas kaso hindi ko naman afford. Iyong isang kape kasi, parang pang-ulam ko na rin ng dalawang kainan.

Kaya no choice ako kundi maghitay ng dalawang oras sa isang waiting shed hanggang sa medyo naidlip ako't nakatulog ako kaso nagising naman agad nang biglang may tumawag sa'kin sa hindi kalayuan.

"Chessy!"

"Cheesy!"

Napakapamilyar sa pandinig ko iyong boses na tumawag sa'kin. Lumingon-lingon ako sa palagid hanggang sa may nakita akong isang babaeng nasa mga late 20's na may kasamang batang lalaki.

"Cheesy!" Nang naanigag ko na ng maayos iyong babaeng sinisigaw ang pangalan ko at kumakaway-kaway pa ay bigla akong kinabahan nang makilala ko kung sino iyon.

Tatalikod sana ako at akmang maglalakad ng mabilis kaso huli na...

"Cheesy! Maryusep, namiss kitang bruha ka!" Nagulantang na lang ako nang bigla akong niyakap ng babaeng 'yun habang nasa likod naman niya ay iyong batang lalaki na nakasimangot.

"F-fear?" Iyon lang ang tanging nabanggit ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.

Maya-maya pa ay kumalas na siya.

"Oh.." awkward akong natawa. "Paanong napunta kayo rito?" tanong ko. Aminado akong hindi ako prepared na makita si Fear ngayon at ang inaanak kong si Kevin na binata na. Sa loob ng ilang taon, nagtago kami ni Niko sa kanilang lahat. Sobrang baba kasi ng nilagpakan namin at ayaw naming makita iyon ng mga kaibigan namin.

Fear looks very much successful right now. Kagaya ko ay 29 years old na rin siya pero aminado akong walang nagbago sa pangangatawan niya. Para pa rin siyang gaya ng dati. Parang college student pa rin.

Maya-maya pa, bigla akong naiyak. Sobrang na-miss ko siya pero nahihiya akong makaharap siya ngayon.

"Anong klaseng tanong 'yan? Lika nga! Samahan mo muna kami! Gutom na gutom na kami! Kakalabas lang namin sa airport, tara!"

Nang hilain ako ni Fear ay wala akong nagawa. Kinabahan ako kasi sobrang liit lang ng dala kong pera at alam kong hindi iyon magka-kasya sa aming tatlo.

Gusto ko man sanang sabihin sa kanya na medyo nagtitipid ako eh wala pa rin akong nagawa, nahila pa rin ako ni Fear papunta sa isang restaurant na naging dahilan para mas lalo akong mahiya sa kaniya at kay Kevin.

Chasing the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon