C H A P T E R 3

1.9K 60 4
                                    

Ang Pagsibol ng Niyebe sa Winter Street

TAGLAMIG. Gustong-gusto ko ang panahon ng taglamig.

Sa umaga mararamdaman mong ayaw mo ng gumising dahil sa sobrang ginaw.

Sa tanghali, kahit tirik ang araw, malamig pa rin.

Sa gabi naman, mapapasuot ka ng sweater sa sobrang lamig habang tinatanaw mo ang mga bituin mula sa kalangitan.

Oo gustong-gusto ko ang panahon ng taglamig pero mas gusto ko pa rin ang panahon kung saan sumisibol ang mapuputing niyebe sa winter street.

*  *  *
Noong nakatulog na ang mga kapatid ko, napagdesiyunan kong magbenta ng balut at chicharon taba sa winter street malapit lang sa'min.

Namamaga 'yung mga mata ko habang naroon ako sa bench at nagtitinda.

Minsan naiiyak ako pero pinpigilan ko lang.

Kailangan kong magbenta buong gabi.

Lumayas si Mama kaya kailangan ko ng pangkain namin bukas.

Hindi rin naman kaya ng konsensya kong pumunta sa bar ngayon kasi kakapangako ko lang kay Jen-Jen na hindi ako pupunta roon?

Pero hindi nga nga ba?

"Bwesit na man oh!" Napamura na lang ako nang hindi ko namalayan na naubusan na pala ako ng suka.

Maya-maya pa ay nakaradmam na ako ng panggiginaw. Minsan namimilipit ako pero okay lang. Tinitiis ko lang.

Napatingin ako sa malaking playground na nasa likuran ko at napahinga na lang ako ng malalim. 'Yung mga kaninang tao na nandun, e wala na kasi nga sobrang gabi na talaga at malapit na ring mag-alas onse.

Uuwi na ba ako?

Pero sayang rin eh. Baka may mga driver pang gustong bumili ng balut.

Maya-maya pa, sa hindi ko pinakainaahasahang pagkakataon ay biglang may sumigaw sa may likuran ko... "Miss hold-up to!"

Natulala ako, nangatog ang mga paaa ko pero pilit akong kumalma para malabanan ang laba.

Nilingon ko si Kuya at nagtanga-tangahan ako... "Ikaw si Hold-up? Hindi kita kilala. Bibili ka ba ng balut?" ani ko.

"Tanga! Sabi ng hold-up 'to eh!" Naramdaman kong tinutok siyang baril sa'kin noo ko. Kasing lamig ng baril niya ang gabi ngayon.

Nang hindi na tumalab ang pagtanga-tangahan ko'y naiyak na lang ako, "Sige! Patayin mo na lang ako!" sabi ko habang dinidiin ko 'yung baril niyang kakalipat lang sa leeg ko.

Natulala ang holdupper sa sinabi ko.

"Hindi mo naman pala kaya eh!" napahaghol ako at nangisay sa daan.

Noong nangisay ako, kasamang natapon 'yung mga balut at chicharon ko.

"Pagod na pagod na ako! Pagod na pagod na tapos ho-hold-up-in pa ako? Anong klaseng buhay 'to?" umiyak na usal ko haban tinatadyak-tadyak ang paa sa aspalto.

"Sige! Patayin mo ako! Bilis!" umiiyak na sigaw ko sa hold-upper habang naglulupasay pa rina ko sa daan.

"Hoy Miss! 'Yung pera mo! Ibigay mo sa'kin!"

"Kunin mo sa loob ng panty mo kung kaya ng konsensya mo!" ani ko. Grabe hindi ko na kaya! Iiyak na lang siguro ako ng iiyak. Nakakapagod na talaga eh.

"Hoy Miss! Sabi ko akin na pera mo!"

Habang umiiyak, sinigawan ko siya, "Ikaw na nga tong nanghohold-up, ikaw pa tong maraming utos! Kunin mo nga sa panty ko!" ngumangawang sigaw ko.

"Aba! May sira sa ulo 'tong babaeng 'to ah!" Noong akmang lalapitan na sana ako ng lalake ay may isang kotse ang huminto sa harap namin.

Chasing the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon