C H A P T E R 10

1.2K 47 3
                                    

Colorful

Ang pag-ibig ay parang ta.e. Minsan, mahirap ilabas.

*  *  *
CHEESY

"ATE, ano 'yan? Ang baho!" Nagsialisan iyong mga kapatid ko matapos kong kunin sa ilalim ng kama ko ang tupperware na may lamang mga dumi.

Tinignan ko lang iyong mga kapatid ko tsaka ako pumunta sa kusina at binalot iyong tupperware na may lamang mga dumi, "Para 'to sa medical exam namin. Kailangan kasing i-test 'yung mga dumi namin, pati na dugo at ihi."

"Para saan ate?"

"Para malaman nila kung may sakit ba kami o wala," pagpapaliwang ko sa mga kapatid ko.

"Ate Cheesy, ganyan ba talaga kadami ang ta.e na kailangan?" tanong ni Jen Jen. Sinusundan pa rin ako ng mga kapatid ko hanggang sa makalabas ako sa may pintuan.

"May, iyong mga kapatid natin ha? Ikaw na bahala." Tinarayan lang ako ni May-May nung sinabi ko iyon sa kanya.

"Bye-bye Ate, good luck sa medical test mo!" sabay-sabay na nag-wave ng hands iyong mga kapatid ko sa akin. Natuwa na naman ako at napahalukipkip ng 'di oras. Anu ba 'yan. Para kasing tanga mga kapatid ko eh. Medical test lang 'to. 'Di naman final exam. Muntanga talaga.

Wala rin silang mga pasok kasi may regla 'yung principal nila.

"Ano ba 'yang dala-dala niya, ba't ang baho, jusko." 'Di ko na lang pinansin iyong mga taong nililibak ako habang dumadaan ako dito sa may eskinita sa'min. Palibhasa 'di nila alam ang medical test eh.

Habang naglalakad ako, biglang tumunog telepono ko. Si Fear, tumatawag. Sinagot ko naman agad.

"He--"

"May ta.e ka na?" 'Di pa ako nakaka-hello 'yun na ang sinabi niya.

"Oo madami," sagot ko.

"Ha? Anong madami?" inis siya. Anubayan. Minsan na nga lang kami mag-usap banas pa.

"Geh diyan ka na sa Heaven Chavez mo, wala ka ng time para sa friendship natin. Bye."

Ibaba ko na sana iyong call kaso... "Cheesy, teka lang. Anong sabi mong madami ang ta.e--" Halos mangiyak-ngiyak ako nung binaba ko iyong telepono. Iba na talaga 'pag nagka-nobyo na 'yung matalik mong kaibigan, wala ng time sa'yo. Dati, palagi kaming nagnanakaw ng santol ni Fear pampalipas oras pero ngayon hindi na kasi doon na naka-focus ang lahat ng oras niya sa Heaven Chavez na 'yon.

Bunga noong nalaman niyang may cellphone na ako, first time niyang tumawag sa'kin sa week na ito tapos ang una pa niya talagang tinanong e 'yung ta.e ko. Sana pala naging ta.e na lang ako.

Sumakay na ako ng jeep papuntang Wilson University. Iyong mga pasahero ng jeep, panay ang takip nila sa ilong nila. Medyo awkward sa pakiramdam kaya niyakap ko na lang 'yung tupperware na may lamang ta.e ko.

Kawawa naman ang mga ta.e ko.

"Maluwag ba turnilyo ng babaeng 'yan?"

"Parang estudyante yata ng Wilson University."

"May dala yata siyang ta.e."

"Isang Tupperware-ran, grabe ha."

"Ta.e niya lahat 'yan?"

"Iba-iba kulay, bakit ganun mga momshie?"

"G*go."

Hindi na lang ako kumibo sa kanila. Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanila na para 'to sa medical test namin pero pinangunahan na ako ng hiya kaya nagbayad na lang ako at bumaba noong nasa tapat na kami ng Wilson University.

Chasing the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon