C H A P T E R 41

878 40 7
                                    

Concerned

NIKO

"Ano ba! Nagagawa mo ba talaga ng maayos ang trabaho mo? Tignan mo nga itong mga petchay, inuod! At hindi 'to basta-bastang magkaka-uod kung ni-sprayhan mo 'yung mga petchay ng tama!"

"Pasensya na po!" Yumuko ako sa harap ng may-ari at humingi ng pasensya sa kanya kahit na.... hindi ko naman talaga kasalanan kung bakit inuuod ang mga petchay sa taniman.

May breakout virus ngayon ang Seoul na inaatake ang mga pananim na may dahon, at kahit anong insecticides na ii-spray sa mga halamang iyon ay nagiging imune lang ang virus at mas lalong dumadami.

"Bwesit!" tinapon ng may-ari sa akin iyong sobreng may lamang pera sa akin. Nang pinulot ko sa lupa ang sweldo ko ay bumigat ang pakiramdam ko pero hindi ko iyon inalintana.

Sa loob ng ilang taong pamamalagi ko rito sa Korea, nasanay na ako aa mga ganoong bagay.

Para hindi masyadong masakit, minsan iniisip ko na lang na isa 'tong malaking karma na sinalo ko mula sa mga pinaggagawa ng Mama at Papa ko dati noong nasa kanila pa ang lahat; ang kapangyarihan at pera.

Sabi nga nila; "Nothing too good shall last." Kaya ganun na nga ang nangyari, isang malaking karma ang sumampal sa pamilya ko.

Noong nangyari ang lahat dito sa Korea, naisip kong hindi totoo ang sinasabi nilang imperyno na nag-aapoy at susunugin ang katawan mo. Ang totoong impyerno ay ang mga alaalang pauli-ulit na nag-re-replay sa utak mo. Mga alaalang mas masakit pa kaysa sa sinasabi nilang pagkasunog ng katawan. Mga alalaang nanunuot sa bawat kalamnan. Mga alaalang hindi nabubura kahit kailanman.

Nagpahinga ako sa loob ni Argus. Iyong mini-plane na ginagamit ko pang-spray ng mga petchay.

Noong nasa loob ako at nakatingin lang sa napakalawak na taniman ng petchay, biglang bumalik ang mga alaala kung saan nawala sa'kin ang lahat. Ang pagkakulong ng Papa ko dala ng iba't-ibang kaso, ang pagkabaliw ni Mama at pati na rin ang pagkawala ni Zarah; ang anak namin ni Cheesy.

Kinuha ko iyong wallet ko kung saan may picture ako kay Zarah habang natutulog siya.

I smiled and then flashbacks continued appearing inside my head....

Tuwang-tuwa ako noong araw na nagli-labor si Cheesy.

Halos hindi ako mapakali noong araw na nanganak siya at una kong narinig ang pagiyak ng baby namin.

Zarah was a very small baby.

Hawig na hawig sa'kin ang features ng mukha niya.

Madali akong mainis sa bata pero noong una kong kinarga si Zarah, parang gumaan bigla ang mundo ko.

Suddenly, naramdaman ko ang pagiging ama.

It was the most precious feeling I've ever felt na tipong naluha ako sa unang pagkakataon na nakarga ko siya.

So innocent yet so fragile.

Nasa listahan na namin ni Cheesy kung ano ang plano namin ni kay Zarah. Sa kung saan ito mag-aaral, sa kung ano ang cake na ihahanda namin sa bawat birthdays niya.

But all the plans shattered nang habang kinakarga ko si Zarah sa pinakaunang pagkakataon ay napansin kong nangangasul ito na tipong naka-stuck lang ang dugo nito sa balat.

Nagpanic ako nang makita ko ang estado ng anak ko.

Iyong mga tuwang-tuwang doctor na sobrang saya dahil successful ang normal delivery ni Cheesy ay bigla nagulat nang marinig nila akong umiyak habang karga-karga ko ang baby.

Chasing the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon