Blood
MAY-MAY
"Ano ba? Mga pisti ba kayo! Huwag nga kayong mag-ingay!" sigaw ko sa mga kapatid ko dito sa loob ng kotse ni Kuya Niko. Mga ignorante eh. First time nakasakay ng kotse kaya sigaw ng sigaw, parang mga buang.
Dahil nasa may tabi ako ng window at sobrang naingayan na talaga ako, binaba ko 'yung bintana.
Pagbaba ko, nakita ko 'yung dalawang body guard ni Kuya Niko na nasa tapat din lang ng bintana at sinasabayan ng lakad ang mahinang pagtakbo ng kotse namin.
Nairita ako kasi ngumiti 'yung dalawa sa'kin.
Kanina pa sila ganyan sa akin noong kumakain kami sa loob ng chicken resto.
Tingin lang sila ng tingin sa akin, parang mga buang.
"Hoy mga kuya! Anong tinitingin-tingin niyo ha!"
"Hoy ka rin miss!" sabi nung isa. Cris yata ang pangalan. Pakiramdam ko, ka-edad ko lang yata sila kaya hindi ko alam kung bakit ako nag-kuya sa kanila.
"Ayaw mo ba nun miss, may poging tumitingin sa'yo?" sabi naman nung si Raymond tapos nagtawanan sila.
Umirap lang ako.
Mga buang talaga.
"Pero seryoso Miss, crush ka naming dalawa nitong si Pareng Raymond. Ako pala si Cris."
Nilahad niya ang kamay niya sa bintana.
Umirap ako tapos nakipag-shake hands.
Shet, ba't ang guwapo ng mga body guards ni Kuya Nikooooooo?
"Ako naman si Raymond. Ray for short!" Nilahad nung mas matangkad ang kamay niya kaya nilagad ko rin 'yung sa'kin, akala ko ishi-shake hands niya 'yung kamay ko pero hinalikan pala.
Animal!
Bigla akong nangisay sa kilig.
Tanong lang sa'kin ng tanong 'yung dalawa pero sinasagot ko lang sila ng irap.
Tama nga ako. Ka-edad ko lang sila.
16 si Cris.
17 naman si Ray.
Nahiya ako ng konti kasi nag-aaral pala sa Wilson Academy. Jusmiyo!
Guwapo ba lahat ng nandun?
Noong dumadaa 'yung dalawang guwapong bodyguard, bigla akong napalingon nang may matumba sa legs ko.
Pagkatingin ko, si Jen Jen pala.
Sasampalin ko sana kasi baka nangti-trip lang pero nagulat ako kasi nadatnan kong wala na siyang malay at may dugo rin sa paldang suot niya!
"Ate! Tulong!" sigaw ko at biglang nagkagulo ang lahat.
* * *
CHEESY
"Jen! Jen! Gumising ka Jen!" umiiyak ako habang pinapasok si Jen-Jen sa loon ng emergency room.
"Sorry po, pero hindi po kayo puwedeng pumasok."
Napaiyak na lang ako nang isinira na iyong pinto nang emergency room.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari.
Nag-uusap lang kami ni Niko sa pavements kanina at bigla na lang sumigaw si May-May sa loob ng kotse.
At 'yun nga, nagsiiyakan iyong mga kapatid ko sa loob ng kotse nang makita nilang namumutla si Jen-Jen, wala ng malay at may dugo sa palda.
BINABASA MO ANG
Chasing the Wind
ChickLitAll of us has our own dreams, but what if chasing those dreams already feels just like chasing the wind? Would you still do what it takes? Never count an egg until it cracks. Well, Cheesy Demoiselle was not far different from an egg. She's perfectl...