Chapter 1

260 4 0
                                    

==audrey's pov ==

Asar! imbes na natutulog pa ako eh, kailangan ko pa pala mag exam ng midterm ngayong araw, kaya nagmadali akong pumasok sa eskwelahan, OMG! tanga tanga ko talaga, nalaglag pa yata yung wallet ko napaka malas ko naman ngayong araw oh, nandun pa naman ung pangtuition ko, lagot ako nito sa magulang ko, ang tanga mo talaga audrey, anu na gagawin ko, paano ko ipapaliwanag sa kanila na naiwala ko yung pera, haist

bumalik ako at pinuntahan ko lahat ng dinaanan ko,. nagbabakasakaling makita ko pa ung wallet ko, tumakbo ako sa simbahan kung saan ako huling nagpunta, dahil sa pagmamadali nakabangga pa ako ng isang lalaki "sorry po"  sabi ko, at pumunta na sa inupuan ko, tumingin ako sa paligid ngunit wala doon, napaupo nalang sa tabi, parang gusto ko umiyak, hindi ko alam ang gagawin ko, 

==ethan's pov==

"pre ok lang bang pumasok ako dito? paano kung malaman nilang hindi ako taga dito, baka mahuli ako nito,"

"wag kang mag-alala ethan, akong bahala sayo, hintayin mo lang ako dito"

"cge pre basta bilisan mo, may pupuntahan pa ako eh" pero ang totoo kinakabahan talaga ako dahil hindi naman ako dito sa st. bart nag-aaral, taga st. lukes kaya ako. 

malawak at malaki ang eskwelahang ito, habang nag-aantay sa kanya,. naglakad lakad muna ako tapos pumasok ako sa simbahan ng school, buti nalang walang ganong tao dito, puro babae at nagdadasal sila, naupo ako sa may harapan, nang mayroon akong maapakang isang bagay, yumuko ako para tignan kung anu yun, nakita ko isang pangbabaeng wallet, kulay dilaw, spongebob ung drawing, kanino kaya ito? baka may nakaiwan nito, kaya kinuha ko toh, tapos biglang may tumawag sakin

"ethan! alis na tayo." tumayo ako at lumapit sa kaibigan ko

"pre teka lang, siguro naman may lost and found kayo dito sa school? " tanong ko habang naglalakad papalabas ng simbahan

"bakit?"

"kasi may napulot akong isang wallet"

"ah ganun ba, ou meron yata,. tara punta tayo,. samahan kita." naglalakad na kami sa hallway

"ethan, teka lang, labas na tayo dali" napansin kong may guard na papalapit sa amin

"wait! paano itong wallet?"

"saka muna yan isuli, mahuhuli tayo ng guard" tumakbo na kami palabas nang biglang may makabangga akong isang babae,.

"sorry po" sabi nya sabay alis,. umalis na din kami baka maabutan pa kami ng guard,.

WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon