Chapter 10

103 1 0
                                    

N/P: You first Belived - Hoku

simula ng makilala ko si ethan, naging masaya ang bawat araw ko na dumaan, sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko mapigilang ngumiti, hindi ko din mapigilang mainlove, maraming beses na din akong nabigo, akala ko yun na ung soulmate ko, sa una natutupad yung mga sign, pero hindi na sa mga sumunod, pero iba si ethan, hindi dahil sa nakaka-apat na syang sign, kundi yung feeling ko para sa kanya, kahit siguro wala na yung mga sign, basta ang alam ko sa sarili ko mahal ko siya, sana ganun din yung nararamdaman nya para sa akin, pero may isang sign pa, ang pinaka importante sa lahat, .. siguro hihintayin ko nalang, last na naman ito eh, sana ethan ikaw na nga ang hinahanap kong soulmate..

dahil sa december na, malapit na naman yung christmas vacation, ang pinaka hihintay ng lahat, maagang natapos ang aming klase dahil sa wala namang kaming ginawa, nagpunta ako sa gate ng school, nagbabakasakaling makita ko siya, nagtext ako kay ethan.

"nasan ka ngayon ethan?" ang tagal bago sya nakapagreply

"dito pa ako sa school, may tinatapos lang" madami nga siyang ginawa, super buzy, kung ako naman kaya ang magpunta sa school nila, gusto ko siyang surpresahin,.

lumabas na ako ng school, habang naglalakad ako, may nakita akong nagtitinda ng mga stuff toys, may pumukaw ng atention ko, isang falcon na simbolo ng aming school, at ang katabi nyang eagle, binili ko yung dalawang stuff toys, balak kong ibigay sa kanya itong falcon at sa akin naman itong eagle, 

malapit na ako at tanaw ko na ang kanyang eskwelahan,  excited na ako na makita siya, anu kaya magiging reaction nya pagnakita nya akong nandito, matutuwa siguro yun, itetext ko sana siya na nasa labas ako ng kanilang school, nang napansin kong palabas na siya ng eskwelahan, lalapit na sana ako nang biglang may isang babaeng lumapit sa kanya .. niyakap siya, kinuha nya yung dalang libro nung babae, saka sila umalis....

WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon