Chapter 20

79 1 0
                                    

N/P: ill Never go by: Erik santos

== ethan's pov ==

matagal na rin pala simula nung nakakita ako ng wallet, ito ang dahilan kung bakit ko siya nakilala, ang babaeng nagbigay buhay sa puso ko, 

si audrey 

pero matagal na iyon isang taon na din ang nakakaraan, marami narin ang nangyari, pero isa lang ang alam ko mahal ko parin si audrey at hindi na yata magbabago iyon.

pagkatapos niyang sabihin sa akin na layuan ko na siya, pinilit ko ang sarili kong kalimutan siya, paulit-ulit ko yan sinasabi sa sarili ko,. ginawa ko nalang buzy ang sarili ko, nagfocus ako sa pag-aaral, hindi ko na muling sinubukang kausapin pa siya, ayoko na kasing guluhin pa ang buhay niya, hindi ko man naitama ang lahat pero sana balang araw magawa ko,

sana magawa ko na ang ikalima at huling sign, kasi sa lahat ng sign yung panglima lang ang totoo, yung marinig niyang sabihin kong

audrey mahal kita

tuluyan ng bumagsak ang agila sa lupa dahil sa tama ng pana sa kanyang pakpak masaya na rin naman ang agila kasi kahit papaano nakita niyang ligtas ang falcon kasi mahal na mahal niya ito, kahit alam ng falcon na iniwan siya nito,

siguro nga hindi talaga kami ni audrey

hindi talaga kami para sa isa't isa wala talaga siguro kaming happy ending, hindi yata ako yung tinatawag nila knight in shinning armor niya, hindi ako yung lalaki para sa kanya, hindi ako yung soulmate niya, 

pero bakit ganun? kahit anong pilit ko sa sarili ko na kalimutan siya, siya parin ang nilalaman at sinisigaw ng puso ko, siya parin ang babaeng mamahalin ko ikaw parin audrey

flight ko na bukas, papunta na kami ng London at doon na yata kami titira, paalam na audrey sana balang araw magkita tayong muli, sana malaman mo yung totoo, 

sana masabi ko na kung gaano kita kamahal at sorry kung hindi ko kaagad nasabi saiyo ang lahat, 

ilang oras nalang, at aalis na ang eroplano magsisimula na ang bagong buhay ko, na malayo sa pinakamamahal kong babae, 

ako yung agila na handang gawin ang lahat para mapasaya siya at sasamahan siya kahit saan,. yung ipaparamdam ang pagmamahal na nararapat para sa isang falcon na bumago ng buhay ko

malayo man ako sa piling niya kasama kong iiwan ang puso ko sa kanya 

"ethan! lets go"

"yes! mom" kinuha ko na yung mga gamit ko

heto na talaga at aalis na ako

paalam na, paalam na audrey

naglalakad na ako papunta sa eroplano, parang ang sakit, maiiwan mo kasi yung taong pinakamamahal mo

WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon