Chapter 8

107 1 0
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

lahat tayo may nakaraan, masaya, malungkot, nakakatawa o nakakaiyak na nakaraan,

may mga sikretong tinatago, may mga pangyayaring gusto nang kalimutan

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

nang makilala ko si bianca, ang sabi ko sa sarili ko siya na yung babaeng papakasalan ko at mamahalin ko habang buhay, ang babaeng dahilan kung bakit ako nabubuhay, siya na yung kahati ng puso ko, siya na siguro,

humiling ako sa isang shooting star, na sana bigyan nya ako ng pagkakataong maging kami ni bianca,  hindi naman ako binigo at natupad ang hiling ko, naging kami nga ni bianca. nakilala ko si bianca sa isang birthday party ng kaibigan ko, 3 years narin ung nakakalipas, naalala ko pa kung paano kami naging magkaibigan, madalas lumabas na magkasama, hanggang sa dumating ung araw na pinangarap ko,

" bianca.... ! can you be my girl? " 

"Yes! Yes ethan" niyakap ko siya

"i love you bianca"

"i love you too ethan" malaki ang pasasalamat ko sa shooting star na yun, tinupad nya yung wish ko na mahalin din ako ni bianca,  ito na yata yung pinakamasayang nangyari sa buhay ko

sa unang taon naming pagsasama, palagi kaming masaya, palagi kaming magkasama kahit saan magpunta at sobrang mahal namin ang isa't isa.

sa sumunod na taon,, may isang problemang dumating, hindi na kami masyadong nagkikita dahil magkalayo ang aming eskwelahan, nawala na din yung communication namin..

hindi ko na matiis, sobrang miss ko si bianca,

" Sorry ethan! kung nitong mga araw hindi na tayo masyadong nagkikita, naging buzy lang ako sa school" 

"naiintindihan naman kita bianca, basta nandito lang ako palage sa tabi mo" minsan may tampuhan, may hindi pagkakaunawaan at may hindi pinagkakasunduan, pero siguro normal lang iyon sa isang relationship, ang importante mahal namin ang isa't isa.

"ethan we need to talk, may sasabihin ako" iba yung na feel ko pagkasabi nya nun, bigla akong kinabahan,

"okay! puntahan nalang kita sa inyo" ang daming tumatakbo sa isip ko, ano ang sasabihin nya

dumating ako sa kanila, nakaupo lang kami sa terrace ng kanilang bahay, tahimik lang kaming dalawa, walang gustong maunang magsalita,

" ethan! " napatinging ako sa kanya, "pupunta kaming america, doon na ako mag-aaral at doon na din kami titira, pero promise ko naman na babalik ako" parang huminto ang tibok ng puso ko sa mga narinig ko, gusto ko isipin na panaginip lang ang lahat ng ito, panaginip lang ang lahat ng ito, niyakap nya ako, hindi ko na mapigilan ang bawat patak na lumalabas sa aking mga mata, 

"i love you bianca hihintayin kita"

shooting star babalik paba si bianca? ingatan mo sya, mahal na mahal ko sya, pero mahal nya parin ba kaya ako?

WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon