Chapter 9

104 1 0
                                    

== audrey's pov ==

last two signs nalang, sana matupad na sya, para malaman ko kung we are meant for each other, kung may monthsarry lang ang pagkakaibigan, pangatlo na namin ito ni ethan, kaso, napapadalas yung hindi namin pagkikita, hindi ko na sya nakikita sa school, siguro hindi na sya nagpupunta, madalang narin siyang magtext, siguro buzy lang yun sa school kaya hindi kami masyado nagkikita 

isang araw, nakita ko yung kaibigan ni ethan sa school si jake " hi! jake, kumusta na si ethan?"

"ok naman yung lokong yun, marami lang daw ginagawa sa school" 

"ah ganun ba! salamat ha" sabi ko na nga buzy lang yun, tas umalis na ako

ano na kaya ang nangyari sa kanya, anu ba yan lagi nalang siyang pumapasok sa isip ko, namimiss ko na siya siguro, yung ngiti nya, at yung kakulitan nya, para saakin isa siyang angel na laging nakabantay sakin, yun lang , buzy ngayon ang angel ko, pero ok lang yun, naiintindihan ko naman,,

ang lamig ngayon, december na kasi, halos lahat ng tao masaya, mahahalata mong excited silang lahat sa pasko, dapat ako din masaya, pero kahit anung gawin ko parang may kulang eh..... si ethan, halos one month na rin kaming hindi nagkikita, 

"ate audrey! hindi kaba sasama sa amin?" tanong ng kapatid ko, habang  kumakatok sa pinto ng aking kwarto, "magsisimba kami nila mama"

"sige kayo nalang at masama ang pakiramdam ko ngayon" 

"sige ate alis na po kami"

ayun umalis na nga sila, ako nalang ang natira dito sa bahay, tapos may narinig akong kumakanta, lumabas ako ng bahay para tignan yung kumakanta, aba may nangangarolling mga lolo at lola, nakakatuwa silang panourin, kaya pumasok ako sa loob para kunin yung aking wallet, pagkatapos lumapit ako sa kanila, tinapos nila ung isang buong kanta, at inabot ko na yung pera, papasok na sana ako ng bahay, nang biglang may tumawag sa akin,

"audrey!" lumingon ako., slow motion naman ang lahat, may nakita akong papalapit

"ethan?" nakangiti siya sakin, hindi ko alam ang gagawin ko

" pasensya kana ha, may inayos lang ako sa school kaya naging buzy ako" 

"ok lang yun ethan, naiintindihan ko naman" pinapasok ko sya sa loob, sabay din kaming kumain, tapos nagkwentuhan, may narinig ulit kaming nangangarolling kaya lumabas kami, nakita ko mga bata na nakacostume ng angel, kinuha ko ulit yung wallet ko para magbigay ng pera, nangbiglang may nalalag na isang papel galing sa aking wallet, 

Audrey's Wishlist

4.) makausap si soulmate

sign:

sa araw na magkasama kami, makakakita ako ng angel at kapag nangyari yun, sya na talaga si soulmate.

WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon