Chapter 19

84 1 0
                                    

== bianca's pov ==

kung alam mo lang ethan kung gaano mo ako nasaktan? minahal kita ng sobra-sobra, pero bakit tayo nagkaganito? bakit nangyari ang lahat ng ito sa atin,? oo! inaamin ko, nawalan ako ng oras at panahon sayo.

pero bumalik naman ako ah, para punan ang lahat ng pagkukulang ko sayo, pero anong itong ginawa mo, alam mo ba na sa bawat oras na hindi kita nakakausap noon ay parang isang araw na ang nararamdaman kong sakit, miss na miss na kita ethan,  kaya ko lang naman nagawa ang mga ito, dahil sa pagmamahal ko sayo at sa pag-iwan mo sa akin, nasaktan mo ako, kahit ilang beses kong isipin na OK lang ako, bumabalik parin ang sakit, kasi mahal na mahal kita ethan, kaya wala kang karapatan na husgahan ako,  wala ka ding karapatang sabihing masama ako, kasi mas nauna kang nanakit sa akin ethan, mas nauna mong patayin ang puso ko, kaya ako ganito ngayon, 

pinuntahan ko si audrey may kailangan lang naman akong gawin bago ako bumalik sa amerika

"hi! audrey" nakita ko siyang naglalakad sa eskwelahan nila

"anong kailangan mo sa akin bianca?"

"wag kang mag-alala, may gusto lang akong ibigay sa iyo," may kinuha akong papel sa bag ko,

"audrey's wishlist sayo to diba?" natulala siya nung makita niya yung hawak kong papel

"bakit nasa iyo yan?" bigla niyang kinuha yung papel sa kamay ko,

"pinaphotocopy yata yan ni ethan.. part of his plan siguro?" nilukot niya yung papel at napansin ko din na nagsimula ng tumulo ang luha sa mga mata niya

"im so sorry for you audrey.. ganyan talaga ang buhay  may nananalo at may natatalo.. pero unfortunately talo ka.. ang sakit diba? kaya sa susunod pumili ka ng taong kikilalanin mo, yung hindi ka lolokohin, yung hindi ka sasaktan, at hindi ka papaasahin"

"bianca! please! tama na, nagpunta ka lang ba dito para sabihin sakin yan" patuloy parin siya sa pagluha

"Goodbye audrey!" tumalikod ako, iniwan ko na siyang umiiyak, 

hahahaha kawawa ka naman audrey tama lang para sa inyo yun wala ng happy ending., wala na. nakaramdam ako ng saya na kahit papaano nakapaghiganti ako sa mga taong sumira ng lovestory ko

WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon