Chapter 6

128 1 0
                                    

Oh My Gosh ,! tatlong sign na ang natutupad, dalawa nalang, dalawa nalang, si ethan na siguro ang soulmate ko, nafofall na nga ako eh, ewan ko ba iba talaga pakiramdam ko pagnakikita ko sya, ito na yata ung tinatawag nilang love at first sight? korni man pero un nga siguro un

11:00am

St. Bart

habang naglalakad ako sa school, nakita ko ethan sa labas ng gate, may kasama syang isang lalaki at nag-uusap silang dalawa, lalapit ba ako? kaso nakakahiya ako eh, pero yung mga paa ko patuloy sa paglalakad papalapit sa kanila, tatakbo sana ako papalayo kaso may tumawag sa pangalan ko

"audrey " lumingon ako tapos nakita ko si ethan kumakaway at nakangiti, Oh My Gosh, kinikilig ako, wag kang papahalata audrey ,  ngumiti din ako saka ako lumapit, habang papalapit ako sa kanila, nakatitig lang ako kay ethan, ang ganda talaga ng mga mata nya, yung mga ngiti nya haists, ang gwapo nya talaga, bumibilis ang tibok ng puso ko, parang tumigil lahat ng gumagalaw sa paligid ko, para akong nasa langit, nang biglang umikot ang mundo ko

"audrey! audrey! ok ka lang?" dahan dahan kong dinilat ang mata ko, nakatingin ako kay ethan habang nakangiti parin ako, hanggang sa matauhan ako, nakaupo ako sa sahig at nakasandal naman ako sa braso ni ethan, medyo nahihilo pa ako,

"anong nangyari ethan?"

"nabangga ka ng isang lalaki, tapos bigla ka napahiga?" ah ganun pala ang nangyari, nakakahiya naman"my masakit ba sayo?"

"ok naman ako medyo nahilo lang ako"

"pauwi ka na ba audrey?"

"ou pauwi na ako"

"oh hatid na kita audrey" hala!tama ba yung narinig ko? ihahatid nya ako, anu isasagot ko, 

"naku ethan! wag na nakakahiya naman sayo"

"wag ka nang tumanggi, baka kung ano pang mangyari sayo, hatid na kita ah" hindi na ko tumanggi, chance na toh nuh, para makasama ko sya. hihihi, inalalayan nya ako tumayo tapos nakahawak sya sa hips ko habang naglalakad kami, 

pagkatapos nang pangyayaring iyon... kinuha nya yung number ko,.. at un na ang simula ng pagkakatext namin, madalas ko na rin syang makita sa school, hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya laging nagpupunta doon,masaya ako kasi nakikita ko sya palage,  minsan sinusundo nya ako at hinahatid, lumabas din kami minsan, parang date feeling ko my something na talaga eh, masaya naman ako pagkasama ko sya.. kahit hindi ako sigurado.. paano kung ako lang pala ang nagiisip na may something. paano kung tuluyan na akong mafall sa kanya tapos hindi naman nya ako magugustuhan? pero, ang mga sign ko natutupad naman, may dalawa pang natitira, sana nga si ethan na.

halos 2 months na pala ang nakalipas, 2moths na narin simula ng makilala ko ang superhero ng buhay ko. simula ng makilala ko sya, naging masaya ako, may dahilan na ako para ngumiti, nagkaroon ng kulay ang mundo ko, lalo na nung nagkaroon ako ng pag-asa, akala ko kasi hindi ko na sya makikilala

WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon