Chapter 2

188 4 0
                                    

ang boring naman ngayong araw, weekend kasi kaya walang kaming pasok sa eskwelahan, tinatamad naman akong gumawa ng takdang aralin kaya nagpunta nalang ako ng manila..... mga 5:00pm para gumimik., pumasok ako sa isang bar ang gaganda kasi ng mga nakatambay na babae doon, nagorder ako ng maiinom, tapos biglang may lumapit sa aking isang babaeng sexy, blond  at mahaba ang buhok, maputi at may contact lense pa, aba kung susuwertihin ka nga naman eh, nagkwentuhan lang kami syempre, pero hindi ko namalayan na alas onse na pla ng gabi, kaya nagmadali na ako at nagpaalam na rrin ako dun sa babae, lumabas na ako ng bar para humanap ng taxi..

time check 11:30pm na

nakakaasar talaga naman ok na sana eh may nakausap akong magandang babae, yun nga lang hindi ko na napansin ung oras, baka hinahanap na ako sa amin, yare.! wala pa akong masakyang taxi, ang malas naman, wrong timing,. dahil kanina pa ako nag-aantay dito at masakit na ang aking paa, sumakay nalang ako ng jeep..

habang nasa byahe may sumakay na dalawang lalaki, tapos biglang tumabi sa magkabilang gilid ko, "wag kang sisigaw, akin na cellphone at wallet mo" naramdaman kong may naka tutok na kutsilyo sa tagiliran ko, gusto ko sanang sumigaw pero baka matodas ako ng wala sa oras, kaya wala na akong nagawa, sobra na ang takot ko, binigay ko nalang ang cellphone at wallet ko, 

"sa tabi lang" bumaba ung dalawang lalaki at tumakbo papalayo 

malas talaga, malayo pa ang bahay ko, paano ako makakauwi nito, wala na yung cellphone ko, paano ako makakahingi ng tulong, wala na yung wallet ko, wala ako pamasahe pauwi, bag ko nalang ang natira sa akin,  wala din dumadaang taxi, bakit ba ngayon pa ito nangyari, nakakaasar talaga, bakit ako pa,

sa sobrang galit ko naibato ko yung bag ko, tapos may narinig akong tunog ng barya, kinuha ko ung bag at binuksan tinignan ko yung loob, yung wallet na napulot ko, kinuha ko at binuksan ko, nakakita ako ng pera at picture ng isang babae, napansin kong medyo pamilyar yung mukha nung babae, peram muna ng pera mo ha, kailangan ko lang ngayon babayaran ko din promise. dahil sa pera nya nakauwi ako ng bahay alas dos pasado narin yun, tulog na mga tao sa bahay patay na kasi lahat ng ilaw, buti nalang dala ko yung duplicate susi na pinagawa ko, kaya dumiretso nalang ako kagad sa kwarto ko, humiga ako kaagad dahil sa sobrang daming nangyari ngayong araw, kinuha ko ulit ung wallet at tinignan ung litratong nasa loob nito, simple lang naman sya, ang ganda ng ngiti niya, thanks you ha dahil sayo nakauwi ako.  tinignan ko pa ung ibang laman ng wallet, may nakita akong ID. audrey khiel yung name niya at isang piraso ng papel, pero unti-unti nang napipikit yung mga mata ko,

pagdilat ko, nasa isang lugar ako nakakita ako ng agilang lumilipad, lumilipad siya pababa at nilapitan niya yung isang ibong sugatan, tinignan ko yung ibon, isang sugatang Falcon, nilapit ng agila ang kanyang tuka sa falcon tapos tinabihan niya yung falcon, siguro mahalaga yung falcon doon sa agila, mahal nila siguro ang isa't isa, pero may isang agilang lumapit sa kanila, 

"ethan! wake up " dinilat ko akin mga mata

"may pasok ka ngayon diba.? oh cge alis na ako ha" nakatulog pala ako habang tinitignan ung wallet

"bye mom take care"  bumangon na ako ng kama, dahil nga may pasok ako, at exam ko pala ngayong araw,naku dali-dali kong inayos lahat ng gamit ko, nang biglang may nalalag na isang piraso ng papel, pinulot ko at binasa, audreys wishlist: dapat magkatotoo ang limang sign para makita ko na ang soulmate ko.. 

WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon