Chapter 1 - Encounter

3.6K 61 13
                                    

Posted: Apr 6, 2014

Edited: Dec 12, 2015


- - -

Tinakpan ni Heaven ang kaniyang bibig at yumuko dahil sa kahihiyan. Kasalukuyan kaming nagkukwentuhan sa cafeteria tungkol sa mga nakakatawang nangyari sa buhay namin habang hinihintay ang kaibigan niyang ipapakilala niya sa akin. Napailing na lang ako dahil kumuha na naman ng atensyon ng mga tao sa paligid namin ang tawa niyang pagkalakas lakas.

"Bakit ba napakaeskandalosa ng tawa mo? Halos lahat ng hangin sa katawan mo, lumalabas tuwing tumatawa ka." Ngumuso siya sa reklamo ko.

"Not really. Stob being exaggerated, ate," saad niya. Pumalatak ako't humalukipkip.

"Ang tagal naman ng kaibigan mo." Pagbabalewala niya sa paratang niya sa akin. Napatingin ako sa wrist watch ko at napabuntong hininga dahil sa pagkainip. "Aabutin 'ata tayo ng dekada rito."

"You're so impatient, you know?"

"Am not."

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at naglaro na lang. Maaga pa naman at matagal pa ang susunod kong klase kaso ilang minuto na kaming naghihintay dito. Hindi pa naman mahaba ang pasensya ko. Ilang minuto ang lumipas ay napansin kong may isang lalaking ang umupo sa tabi ni Heaven-ang kapatid ko- at nakipagbeso pa ito sa kaniya.

"Ate," pagtawag ni Heaven sa akin. "This is Kristoffer, my friend."

Ngumiti ito sa akin at kumaway pa. Ngumiti naman ako pabalik sa kaniya. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang tindig niya ay lalaking lalaki ngunit may kakaiba sa kaniya lalong lalo na sa kilos niya.

"Kris, she's my sister." Dugtong ni Heaven.

"Are you sure that he's your friend?" I asked and empasized the word friend. Knowing my sister, she's not friendly. Lalong lalo na sa mga lalaki. Kaya nakapagtataka dahil may pinakilala siyang lalaki sa akin bilang kaibigan lang.

Pareho silang natigilan dahil sa tanong ko. Nakatitig lang sila sa akin at sa tingin ko ay natakot ko ang kaibigan kuno niya. Kung sakaling manliligaw niya ito, kailangan ko pala talagang takutin ang lalaking ito.

"What do you mean, ate?" Tanong ni Heaven.

"I know you very well, Heaven. Umamin ka nga, manliligaw mo ba 'to?" I asked, emotionless.

Nabalot ng katahimikan sa aming tatlo. Walang umimik ni isa sa amin ng ilang segundo. Mataman ko namang binabantayan ang bawat reaksyon nilang dalawa. Maya maya pa ay narinig ko ang marahang pagtawa ng mga ito. Hindi ko matansya kung kinakabahan ba sila o natawa lang talaga.

"Oh, my gosh. I'm not lesbian. And I know, I'm more beautiful than your little sister." Tatawa tawang saad ng binata, napangiwi ako sa aking isipan, binabae pala ito.

"Feeler naman 'tong babaitang 'to," saad naman ni Heaven at inirapan ang kaibigan.

"Well, honey, that's life. May mga tao talagang nalalamangan ka lalo na sa kagandahan." Pangongontra na naman ni Kris sa kaniya.

Hindi ko na naiwasang mapangiti dahil sa kontrahan ng dalawang ito kung sino ang mas maganda sa kanilang dalawa. At doon ko na nga napagtantong hindi talaga tunay na lalaki si Kris. Isa siyang lalaking may pusong mamon.

"Shut up both of you," saad ko dahilan para matigilan sila. Napatingin silang dalawa sa akin. "Mas maganda ako sa inyong dalawa kaya manahimik na kayo."

Otomatikong tumaas ang kilay ng mga ito. Nagkibit-balikat na lang si Kris at tumawa. Napangisi naman ako habang si Heaven naman ay inirapan ako.

Heaven's friend is really jolly and funny. He keeps on talking and talking about random stuffs. Hindi siya nauubusan ng kwento at madali siyang pakisamahan. Confirm!

The Predictable LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon