Maldito #2 - Classmates

2.1K 49 12
                                    

Part II - Classmates

--

*Clover's POV*

Nakadama ako ng pagkahiya kaya tumakbo ako palayo. Tumakbo na ako patungo sa room namin sa next subject namin. Ayokong makipag-usap sa iba. Ayokong isturbohin ako. Badtrip naman. Isang buwan pa lang ako sa pagiging 4th year may nakaaway na ako. Kainis kang unggoy ka. Akala mo ganon ganon na lang. Gagawa ako ng paraan, Gorilla, para makabawi sa'yo. Gusto kong mapahiya ka, matsing ka. Sabi nga ng kababata ko "WAG KANG MAGPAPATALO." Hindi ako magpapatalo sa baboon na tulad mo! Humanda ka.

Dumating na yung teacher namin sa subject na 'yon. Siyempre nag-explain sila ng 'che-che-bureche'. Habang nakikinig, nag-iisip na rin ng paraan para makabawi sa Nick na yun. Paghahandaan ko 'to. Babawi talaga ako. Mamaya ay nag-ring na ang school bell, lilipat na kami sa last subject namin. While walking may nakita akong piso sa sa sahig. Sayang naman eh kaya pupulutin na lang. Yumuko ako, pinulot ko at binulsa ko. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang biglang..

"Hey, miss. That's mine."

Parang pamilyar ang boses nung taong nagslita kaya napatingin ako sa kaniya..

"YOU???!!!" bulalas ko. Naku naman oh. Yung unggoy na naman?!

"Oh. Hi babe. Namiss kita agad." wika niya na mas kasamang kindat. ew.

"Ang kapal nga talaga ng mukha mo! Umalis ka sa dinaraanan ko." sabi ko at umalis. Sinagi ko pa nga ang balikat niya eh.

Hinawakan niya ang kanang balikat ko at pinaharap niya ako sa kaniya. "You forgot something."

Gahd!  Parang piso, hindi pa ibigay. -.- Kinuha ko yung piso sa bulsa ko at idinuldol sa dibdib nito. 

"Hayan."

"No. Kahit sa'yo na lang yan."

"Akin na pala eh. Kaya bitawan mo ako dahil may klase pa ako." sinusubukan kong alisin yung kamay niya pero hinawakan naman niya ang kaliwang balikat ko kaya di ako makaalis.

"May nakalimutan ka pa nga." wika niya.

"Peste. Ano ba ang nakalimutan ko?!!" sigaw ko sa kaniya.

Tinuro niya ang labi niyang nakanguso. "Goodbye kiss ko."

ABA!! Nasisiraan na siya ng ulo. Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha niya. Sing-kapal ng katawan ng dinosaur. Sa inis ko inapakan ko ang paa niya na dahilan ng pagsinghap niya at pagbitaw sa'kin. Tumakbo ako para iwan siya. Baka ano pa magawa ko sa kaniya, mahirap na. Nakarating na ako sa room ng last subject namin. Ang last subject namin ay mismong adviser namin. Pinagsulat kami ng lecture namin pagkatapos nilang i-explain yun. Nung tapos na akong magsulat ng lecture, nagdrawing naman ng mga anime.

The Predictable LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon