Maldito #48 - Paper

624 14 3
                                    

Part XXXXVII - Paper

*Clover's*

Pabalik balik ang mata ko sa pisara at sa aking kwaderno. Habang kinokopya ang bawat salitang nakasulat sa tatlong manila paper na nakadikit sa pisara. As usual, pinakokopya kami ng lectures ng Science teacher namin kapag tapos na silang mag-explain o hindi kaya'y trip nilang lumabas ng classroom para mapayapa man lang ng konting sandali ang kanilang tainga't lalamunan dahil sa kasusuway ng pasaway na mga estudyante at hindi ko maipagkakailang is rin ako sa mga iyon minsan. Sa totoo lang, nagiging childish or immature tayo minsan nang hindi mo namamalayan kahit na tayo ay nasa tamang edad ng pagma-mature.

Isang kalabit ang naramdaman ko sa aking braso galing sa katabi kong si Andrea. Mababakas sa kaniya ang pagkaantok.

"Nakakatamad magsulat." walang ganang saad niya sa akin habang ako ay nakatitig sa inaantok niyang mga mata.

Napabuntong hininga ako. "Magsulat ka na nga. Isumbong kita kay Tita eh." pagbabanta ko sa kaniya. "Baka mahawaan pa ako ng katamaran mo kaya tumigil ka diyan." Dagdag ko.

"Nakakatamad talaga eh. Sobrang dami kaya." exaggerated na reklamo nito at napanguso. Otomatiko namang tumaas ang kanang kilay ko dahil sa ikinilos niya.

"Stop pouting, Andrea! It won't help you. And always remember na hindi bagay sa'yo ang pagpa-pout, okay? You look like a duck."

"Ano na naman bang nakain mo natripan mo ang labi ko para barahin?" Tanong niya sa akin. "Hindi ko nga alam kung bakit kita napiling maging bestfriend. Samantalang lagi mo akong binabara."

"Sometimes, it is good to be honest. Samahan mo pa ng sarcastic. Almost perfect siguro." Tatawa tawang wika ko.

"Baliw."

Nakangiti siyang nangopya ng lectures. Inaamin kong mapambara talaga ako at alam kong dumadating sa puntong halos humantong na sa pag-aawayan ang pagiging pilosopo't sarkastiko naming dalawa ni Andrea. We're not the type of bestfriends na we say 'I love you' to each other. Dahil pareho kaming naniniwalang mapapakita mong mahal mo ang isang tao kung sa gawa mo ito ipinapakita at hindi sa mga salitang hindi ka sigurado kung ito ba ay totoo o pambobola. At ako yung tipong hindi ko kayang purihin ang mga malapit sa akin, idinadaan ko na lang ito sa pambabara. Alam nilang lahat iyon. At alam kong sanay na sila sa gano'n.

Aasarin ko pa sana si Andrea nang may tumama sa ulo ko. Nakita ko ang isang nkabilog na papel na nasa sahig. Pinulot ko iyon at inilibot ang aking paningin para hanapin ang salarin hanggang sa madaanan ng mga mata ko si Mr. Nick Dela Fuente na nakapeace sign sa akin habang yumuyugyog ang kaniyang balikat dahil sa kakatawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Napangiti na lang siya sakin at mamaya maya ay ngumuso siya sa papel na hawak ko. Napatingin naman ako dito at ibinalik uli ang patingin ko sa janiya habang ako ay nakakunot noo.

"Ano 'to?" Bulong ko kahit alam kong di niya maririnig ang sinabi ko. Pero alam kong mababasa niya sa mga labi ko kahit siya'y malayo sa akin. Matalinong unggoy 'yan eh.

Yumuko siya at nagsulat sa kaniyang kwaderno. Maya maya'y itinaas niya ito at binasa ang nakasulat doon.

'Papel. Pansin mo?'

Naningkit ang nga mata ko dahil nagsisimula na naman siyang asarin ako. Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko. Inirapan ko na lang siya at ibinaling ang paningin na nakabilog na papel na hawak ko. Naisipan kong buksan 'yon at nakita kong may nakasulat din doon kaya binasa ko. Wala pang ilang segundong lumipas ng mabasa ko iyon ay nakadama ako ng pag-init ng aking paligid, hindi normal na pagtibok ng puso ko't hindi maayos na paghinga.

The Predictable LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon