Maldito #34 - Lost and found

733 15 6
                                    

Part XXXII – Lost and found

*NARRATION*

Sa paglilibot libot ni Clover, hindi niya namalayang dumilim na ang kalangitan. Naglakad na siya pabalik pero mukhang naliligaw siya. Malayo na ang nalakad niya at hindi niya alam ang daan palabas.

“Nasaan na ba ako?” tanong niya sa sarili niya.

Inilabas niya ang cellphone niya para magtext sa mga kasama niya pero wala siyang signal. Bigla na lang bumuhos ang ulan at mas dumilim pa ang daan. Tumakbo siya ng tumakbo para hanapin ang daan palabas ngunit masyado ng madilim.

*Heaven’s POV* 

Dumungaw ako sa bintana. Dumidilim na ang kalangitan. Mukha atang uulan ng malakas. Pumunta ako sa kusina kung saan nagluluto na si kuya Nathan. Kasama niya si ate Andrea.

“YUM YUM YUM!! Chef Nathan LOGRO!” wika ni kuya Nathan. Tinawanan naman siya ni ate Andrea.

“Anong niluluto mo?” tanong ko sakaniya.

“Secret recipe ng mga pogi.” sagot niya.

“Weeh?”

“Pabayaan mo na lang siya, Heaven, tinupak na naman siya eh. Siya nga pala, gising na ba si Clover?” tanong sakin ni ate Andrea.

“Hindi pa ata eh.”

Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat. Naalala ko si ate Clover.

“Magigising na si ate mamaya. Pero di rin lalabas sa kwarto.” sabi ko.

“Ha? Bakit?” tanong ni ate Andrea.

“Takot siya sa kulog at kidlat eh.” natatawang sagot ko.

“Talaga?”

“Yup! Pag malakas na ang ulan, nagkukulong siya sa kwarto. Nagtatago sa ilalim ng kumot o sa loob ng aparador.”

“Samahan mo kaya siya. Kawawa naman eh.” wika ni ate Andrea.

Tumango ako at naglakad na ako papunta sa kwarto namin. Pagpasok ko sa kwarto, wala siya sa kama. Hindi rin siya nagtatago sa kumot at wala namang closet na pwede niyang pagtaguhan dito. Dali dali akong lumabas sa kwarto at tinanong silang lahat kung nakita ba nila si Clover. Napalingon silang lahat sa akin.

“Bakit?” tanong ni Gino.

“Wala kasi siya sa kwato namin eh.”

“Baka nasa kwarto namin?”

“Wala siya doon. At kung sakali man, bakit siya pupunta doon? Eh para sa mga boys lang yun eh.” sagot ko.

“Baka lang naman eh.” wika ni Gino at nagkamot ng ulo.

“Baka siya yung lumabas kanina? May narinig kasi akong lumabas kanina eh. Hindi ko naman na napansin.” wika ni Queenie na katabi ni Nick sa sofa habang nanonoood ng tv.

The Predictable LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon