Maldito #30 - Sister's Quarrel

787 18 3
                                    

Part XXX – Sister's Quarrel

 

--------------

*Clover’s POV*

 

 

Tabi ko si Andrea sa upuan at katapat ko naman si Gino .

“Clover, samahan mo ako maya ha?” tanong ni Gino .

“Saan?” nagtatakang tanong ni Andrea.

“Ito-tour niya ako sa school. Siya ang tour guide ko.” sagot ni Gino .

“Tour guide ka diyan!” pangongontra ko.

“Joke! Basta samahan mo ako.”

 

“Oo na. Ang kulit eh.”

 

 

Di ko maiwasang di lumingon kay Nick. Siyempre kasama ko siya ngayon kaya hindi imposibleng di mapadaan ang mata ko sa kaniya. Ang tahimik niya ngayon. Para siya istatwa sa isang tabi.

-------------------------

*Nick’s POV*

 

 

 

Kahit gusto ko siyang kausapin, ayaw niya naman akong pansinin. Kaya nagpanggap akong hindi ko siya nakikita dahil pag pinapansin ko siya di niya ako tinitignan. Atsaka baka pahiyain niya ako.

Nasa lunch counter kami together with Gino , ang kinakapatid ni ate Andrea at ang bagong lipat sa school. Habang kumakain nabanggit ni Gino  na ito-tour siya ni Clover sa school. Ang unfair naman ni Clover. Bakit nung ako ang bagong lipat dito sa school, hindi siya medaling napapayag. Ang dami pang reklamo. Samantalang isang salita ni Gino , payag na siya. Hindi kaya may gusto si Clover kay Gino ? :3

-------------------------

*Clover’s POV*

 

 

 

Pagkatapos ng lunch, bumalik na kami sa kani-kaniyang klase namin. Habang nakikinig sa teacher namin, binuklat ko ang notebook ko. May nabasa akong “CLOVER TABABOY” at may naka-drawing na baboy sa gilid nito. Iisa lang naman ang tumatawag nito sakin, si Nick lang. Sinulat niya ito nung vacant namin. Pinakialaman niya ang notebook ko at sinulat yun. Nung nakita ko naman, hindi ko na pinunit. Natutuwa kasi ako sa baboy na naka-drawing eh.

Natapos ang klase namin sa hapon, pinuntahan na naman ni Gino  ang classroom namin at hinihintay ako.

The Predictable LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon