Maldito #55 - The Bet

369 10 6
                                    

(A/N: Hello! Sorry kung umepal na naman ako sa update na 'to. Pero gusto ko lang tanungin kung blanko ba 'to noong nakita niyong nag-update ako. Iyon lang! SALAMAT!)




*Clover's POV*

Lumabas na kami ng rest house para maligo. Ang ilan sa amin ay nakaswimsuit habang ang iba naman ay naka-two piece. Kabilang kami ni Andrea doon. Hindi dapat ako magto-two piece kaso inaway pa ako ni Andrea kaya napilitan akong magsuot.


"Sunod ka na sa labas, ha? Dalian mo." Saad ni Andrea habang ako ay nagpapalit ng damit sa banyo.


Hindi pa ako nakakasagot nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng bahay. Excited din ba ang isang iyon? Samantalang sila may-ari nitong rest house nito pero parang ngayon lang nakapunta rito.

Lumabas na ako ng banyo nang matapos akong magpalit. Napasigaw na lang ako dahil sa gulat nang makita ko si Nick sa sala. Seryoso ang kaniyang mukha at nakahalukipkip habang ito ay nakatingin sa akin at nakatayo. Biglang namula ang mukha ko sa hiya dahil sa suot ko ngayon.


"Hindi ba sabi ko bawal kang magsuot niyan?" patukoy niya sa suot ko at seryoso parin ang kaniyang mukha.

"S-si Andrea kasi. Atsaka b-beach naman 'to, eh." nauutal kong sagot. Bakit ba ako nauutal at kinakabahan?


Nilapitan niya ako sa aking kinaroroonan. Hindi ko nagawang kumilos sa tuwing humahakbang siya papalapit sa akin. Parang nasemento ang paa ko habang ang mata ko ay nakatingin lamang sa kaniya at ang kaniyang mga mata ay nakatitig lang sa akin.


"'Wag kang lalabas ng ganiyan. Baka bastusin ka lalo na't hindi lang tayo ang naliligo sa beach ngayon bukod sa mga kaklase natin." paalala niya at may inabot siya sa akin.


Kinuha ko iyon at tinignan. Otomatikong tumaas ang isang kilay ko nang makita ko iyon.


"Seryoso, Nick? Seryoso?" sarkastiko kong tanong at itinaas ang inabot niya sa akin.

"Bakit?" seryoso niyang sagot ngunit alam kong nagpipigil siyang ngumiti.

"Sino bang siraulo ang magsusuot ng jacket kapag maliligo sa beach?" sigaw ko sa kaniya at inihampas ang jacket na bigay niya sa kaniyang braso.


Ang kanina pa niyang pinipigilang pagngiti ay tuluyan na ngang lumabas. Hindi lang siya ngumiti dahil tumawa pa ito. Iniinis ba ako nito? Lagi na lang ako pinagtitripan ng lokong ito.


"Sino bang may sabing isuot mo 'yan? Inabot ko lang naman, eh." tatawa tawa niyang sagot.


Inirapan ko lamang siya at bumalik sa kwarto para magpalit. Hindi ko na naabutan si Nick sa sala nang makalabas ako ng kwarto. Baka naliligo na siya sa labas. Sumunod na rin akong lumabas at hinanap sila. Nasilayan ko sa 'di kalayuan ang mga kaklase kong naglalaro ng beach volleyball at nagtatawanan. Naglakad ako papalapit sa kanila.


"Tara. Sama ka, Clover." anyaya ng isa sa mga kaklase ko.

Umiling ako. "Manonood na lang ako." sagot ko at ngumiti.

The Predictable LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon