Maldito #41 - It hurts?

820 12 2
                                    

Part XXXXI - it hurts?

*Gino's POV*

Nagsa-soundtrip lang ako habang nakasakay sa sasakyan namin kasama sina Mama at Papa. Napilitan akong sumama sa kanila dahil ako rin daw ang hahawak ng company namin kaya kailangan ko ng alamin ang mga bagay bagay. Pero masyado pang umaga. Binata ako kaya normal ang umalis ng bahay para maglakwatsa pero hindi ang umalis ng bahay para alamin ang nangyayari sa kompanya. Hindi tuloy ako nakapasok. Sa ngayon, gusto ko munang magchill-chill lang.

Nakarating na kami sa building ng kakausapin nila. Paglabas ko ng kotse, laking gulat ko nung makita ko ang building ng mga Reyes, ang building ng daddy ni Queenie. Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti ng patago.

"Halika na, Gino." anyaya sakin ni papa.

Tumango na lang ako at sumunod na sa boss este papa ko. Pinindot ni dad yung botton ng elevator para sa floor na pupuntahan namin. Medyo kinakabahan ako dahil first time kong sumama sa ganito. Dati kasi practice lang.

"We're here."

Lumabas na kami ng elevator at naglakad na papunta sa opisina ni Mr. Reyes. Isang malapad na ngiti ng isang bussinessman ang bumungad sa amin at binati kami. Nakipagkamayan si papa sa kaniya at gayun din ako.

"Is he your son?" tanong nito.

"Yes."

"Di katakataka. Gwapo din ito tulad mo, pare."

"Matagal ko ng alam 'yan. Dati pa." mahangin na sagot ni papa.

"So, let's start?" anyaya ni Mr. Reyes.

Sabay kaming tumango ni papa. Maglalakad na sana ako para sundan sila pero pinigilan ako ni papa dahilan para mapakunot noo ako.

"You may leave. Tapos na trabaho mo dito."

Nagtataka parin ako sa sinabi ni papa kaya hindi parin ako umaalis sa pwesto ko. Saka lang bumalik ang pag-iisip ko nang ulitin nila ang mga sinabi nila. Sinagot ko naman sila ng katakatakang ekspresyon ng mukha. Ngumiti lang sila na parang ewan at niyaya na si Mr. Reyes na mag-usap. Nandoon lang akong nakatunganga. Hanggang sa maisipan ko na ring gumalaw.

Pagkalabas ko sa opisina ni Mr. Reyes, tumunog agad ang cellphone ko dahilan para magulat ako. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Hello." malamig kong bungad kay Andrea, ang magaling kong kinakapatid ang tumawag.

"Aba. Galit? Meron ka?" mapang-asar niyang tanong.

"Ano kailangan mo?"

"Tatanungin ko lang sana kung ano balita sa plano."

"Wala na! Ayoko na ng plano na 'yan. Nasisira yung diskarte ko dahil sa plano. Baka lumayo pa nga siya sa'kin dahil lang sa planong iyan. Aatupagin ko muna yung akin. Next time na sila. Tas paano kung nainlove sa'kin si clover? Ay naku, Andrea, kaibigan mo ang kawawa, konsensya ko pa."

The Predictable LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon