Maldito #39 - Foreign Feeling

807 18 7
                                    

Madito #39 - Foreign Feeling

*Nick's POV*

Kinakain ko na ang french fries at tinititigan ko na lang ang spaghetti na bigay sa akin este binigay sa amin ni Clover. Kay kuya pala yung spaghetti kaso ayaw kung ibigay. At malas namang nalaman iyon ni kuya kaya tuloy parin sa pagkatok si kuya sa kwarto. Hindi parin niya ako tinitigilan.

"Nick! Akin yung spaghetti!" sigaw niya.

"Wala naaa."

"Lagot ka talaga sa'kin, Nick! Bigay mo sa'kin!"

"Yum! Yum!" pagpaparinig ko sa kaniya.

"Nick!! Sisirain ko na ang pinto."

"Try mo. Mapapagalitan ka." natatawang sabi ko.

Tumahimik bigla ang paligid. Natakot naman ako dahil feeling ko kumukuha na ng buwelo si kuya para siarin yung pinto kaya sinilip ko. Wala na siya sa harap ng kwarto. Sinara ko na uli ang pinto at umupo sa swivel chair habang kinakain ang french fries. Narinig kong tumunog yung telepono. Matagal ang pagriring nun. Di ko na lang pinansin hanggang sa huminto iyon. Nacurious naman ako kaya tumayo ako at tinutok ang tenga ko sa pinto.

"Ha? Sino?" rinig kong sabi ni kuya Nathan.

Nagkibit balikat na langa ko nung bigla akong tinawag ni kuya.

"Nick!!" sigaw niya.

"Bakit? Kung spaghetti rin lang habol mo, kuya. Ubos na."

"Hinahanap ka ni Clover sa telepono. May sasabihin sa'yo."

Sa akin? Pero nag-usap na kaming dalawa kanina.

"Ano, Clover?" rinig kong sabi pa ni kuya. "Oh! Importante daw." dagdag niya.

Binuksan ko naman ang pinto at bumaba para tignan kung may hawak nga si kuya na telepono baka kasi niloloko lang ulit ako. Pero may hawak nga siya kaya nilapitan ko siya.

"Hayan. Importante daw eh." sabi niya sabay abot sa'kin. "Uyy, kilig siya."

"Tss. Alis ka na nga kuya." pagtataboy ko.

Sinigurado ko munang nakaalis na si kuya bago ko sagutin. Nang makaalis na nga si kuya ay itinutok ko na ang telepono sa tenga ko.

"Hello?" bungad ko.

Pero ikinainis ko ng marinig kong nakababa na. Naisip ko naman agad yung kanina pang gustong kunin ni kuya kaya dali dali akong pumunta sa kwarto pero huli na ng makita ko. Wala na sa mesa ang spaghetti. French fries na lang ang natira at mukhang nabawasan pa.

"Kuyaaa!!"

Natatawang lumabas si kuya Nathan sa likod ng pinto ng kwarto namin habang hawak ang spaghetti. Badtrip talaga siya kahit kailan.

The Predictable LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon